KAILAN TAMA ANG PAG-IBIG?

8.9K 173 30
                                    

RAFAELA'S POV

"Kailan kaya masasabing tama ang isang pag-ibig? Hmm," sambit ko sa aking sarili. Napabuntonghininga na lamang ako.

"Nagmamahal tayo because we just felt it. No matter what the consequences are." Napatingin ako sa nagsalita.

It's Avianna Alarcon.

I smiled at her.

Ngumiti ito pabalik sa akin at umupo sa aking tabi.

Nandirito kami sa La Isla Paraiso.

Having an intimate vacation together with our families, actually kami lang nina Gabriel, Primo at Avi ang nandirito ngayon. After a week nang magising kasi ako sa pagkaka-comatose ay nag-decide kaming magbakasyon muna with our kids.

"Kaya walang specific time o araw kung kailan nagiging tama ang isang pag-ibig... not until maramdaman mo na lamang ito na tama na pala ang lahat, sapat at masaya na kayong dalawa sa buhay na pinili niyo, which is loving each other to the fullest of what you can give and take, and of course by staying together forever." Dugtong pa nito bago pa man ako makapagsalita.

Napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Avi habang naka-fixed lang ang tingin ko sa kalmadong asul na karagatan.

Pero bigla akong napatingin sa gawi niya. . .

"Masaya ka ba kay Primo, Avi?" natanong ko na lamang bigla kahit obvious naman na ang sagot sa aking naging tanong. Dahil kitang-kita ko sa kislap ng mga mata niya habang nakangiting nakaharap din siya sa akin.

"I gave up everything that I have just to be with him. . . my career and my scripted life back then. Because of the unscripted emotions that I suddenly felt towards him, which is pure and true love that I have never felt before I unexpectedly met him. That made me the happiest and contented woman alive just being with him and our children." Napatango ako at muling napangiti dahil sa simple ngunit napaka-sentimental na tugon ni Avi sa akin.

"Bakit ikaw? Are you not happy being with Gabriel?" nakakunot-noong tanong nito sa akin.

Marahan naman akong umiling.

"Sobrang saya ko nga eh. . . na halos parang it's too good to be true. Alam mo iyon? It feels like a dream, na natatakot akong baka bigla na lamang may gumising sa akin sa napakagandang panaginip na ito," sagot ko sa kaniya.

Naramdaman ko naman ang biglang pagyakap ni Avi sa akin. Hindi ko alam pero napaluha na lamang ako.

Dahil siguro sa saya at sa takot na nararamdaman ko ngayon. . .

Saya, dahil nalagpasan na namin ni Gabriel ang mga komplikasyon sa pagmamahalan namin. That finally we are now free to love each other endlessly.

Takot, dahil nga sa sobrang sayang nararamdaman ko ngayon ay parang panaginip lang ang lahat. At baka mamaya bigla na lamang akong magising sa katotohanang pantasya ko lamang pala itong lahat.

Natatakot din siguro ako it's because we started so wrong that believing that this is now right is so difficult for me to accept.

"It's okay to feel that way, Raffi. Hindi rin naman kasi madali ang naging takbo ng istoryang pag-ibig niyo ni Gabriel. So many complications, heartaches, and obstacles. Nakasakit pa kayo ng taong walang ibang ginawa kundi ang magmahal lang din naman. But that's how it is, nangyari na ang mga nangyari, nagkausap at nagkapatawaran na rin naman kayo ni Rowena." Napabuntonghininga na lamang ako sa sinabing iyon ni Avi. She was right, nakasakit pa kami ng isang mabuting tao na hindi deserve masaktan ng ganoon, para makamit lang ang kaligayahang tinatamasa namin ngayon. I am a total fuck up bitch.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon