CHAPTER FOURTEEN

7.2K 166 16
                                    

Isang buwan na ang lumipas. . .

Ngunit wala pa ring Gabriel Mondragon na nagpapakita sa akin para kunin ang anak ko.

Andirito pa rin ako sa South Ridge kung saan ako ibinahay pansamantala ni Gabriel. I am waiting for him to appear in front of the house everyday. At sa bawat araw na nagdaraan na kasama ko ang baby ko ay parang isang malaking torture para sa akin.

Torture because. . 

I am not letting myself to fall in love with this little fella that I am holding right now. But how I cannot? He is so adorable and lovely. I can't help but to fall in love with him.

I am putting him to sleep while I am breastfeeding him when someone knocks on my front door.

Bigla naman akong nakaramdam ng pangamba but because of thinking that it was just Trina ay dahan-dahan akong tumayo sa pagkakaupo, tinungo ang pintuan habang buhat at pinapadede ko pa rin si Gabino.

Pagkabukas ko ng pinto ay isang napakagwapong nilalang ang tumambad sa akin.

"G-Gabriel. . ." mahinang sambit ko.

It was Gabriel Mondragon wearing his infamous poker face na hindi mo alam kung masaya siyang makita ako o hindi.

Hindi ito nagsasalita ngunit nakatingin lang ito sa bandang dibdib ko. Bigla naman akong na-conscious dahil halos makita na ang kanang suso ko habang dumedede pa rin dito si Gabino.

Yes, I already named my son, Gabino Mondragon. At first, wala talaga akong planong bigyan siya ng pangalan because I am giving that opportunity to the couple. But then, mahirap para sa akin na isang linggo ko na siyang nailuwal ay hindi man lang siya magkaroon ng sariling pangalan at marinig na tawagin ko siya gamit ito, that's why I registered him as Gabino Mondragon. Sunod pa rin naman ito sa pangalan ni Gabriel kaya siguro ay pagbibigyan niya na ako kapag hiniling kong iyon na ang maging pangalan ng baby.

Ilang segundo pa ang lumipas ng halos mapaigtad ako nang biglang haplusin ni Gabriel ang pisngi ng bata kung saan hindi niya maiwasang hindi masagi ang suso ko na nakaluwa.

"Sorry, I just feel excited to touch him." Tumingin na ito sa akin naramdaman niya sigurong nakaramdam ako ng awkwardness dahil sa pagkakasagi niya sa dibdib ko.

Ngumiti na lang ako ng alanganin at pinatuloy na siya sa loob ng bahay.

Bumalik ako sa aking puwesto kanina dahil hindi pa tapos dumede si Gabino. Napansin ko namang umupo siya sa katabing single sofa ko.

"A-ah teka lang ha," hindi mapakaling sambit ko. Kasi ang awkward lang na nakatitig siya sa akin habang pinapadede ko ang anak namin. . . I mean ang anak nila ni Rowena.

"Take your time. Mukhang hiyang siya sa gatas mo. And he looks sleepy..." tugon lang nito na nginitian ko na lang din para matuldukan na ang usapan namin tungkol sa breastfeeding. Ang awkward kasi.

Nakatulog na rin ng tuluyan si Baby Gabino, inilapag ko na siya sa kunang binili ko para sa kaniya. At kaagad bumalik sa pagkakaupo, tumingin ako kay Gabriel na mukhang hindi komportable sa kinauupuan niya. He looks bothered.

"May problema ba? You look uneasy," komento ko.

"Ah ganyan ka ba talaga? Not wearing your bra kahit may bisita ka?" Napansin ko namang nakatitig siya sa bandang dibdib ko kaya napatakip ako roon ng unan.

"Don't stare at it, its making me uneasy too. Atsaka nasanay na akong hindi nagsusuot ng bra lalo na at time to time, I need to breastfeed Baby Gabino," paliwanag ko.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon