CHAPTER EIGHTEEN

7K 153 14
                                    

RAFAELA'S POV

"Pasensya ka na pala sa inakto ng husband ko kahapon." Ngumiti lang ako kay Rowena at humigop sa tasa ng kape ko.

Nasa isang coffee shop kami na sobrang pamilyar sa akin -ang Dreame Cafe, dahil andirito lang ito located sa Southridge kung saan ako itinira ni Gabriel noong pinagbubuntis ko ang anak naming si Gabino. At dagdagan pa na pag-aari ito ng matalik kong kaibigan na si Trina.

Actually andito talaga ako ngayon nakatambay dahil nakabalik na si Trina galing sa ibang bansa, kung kaya't naisipan ko siyang bisitahin dito kaso as usual kung saan na naman siyang galaan pa at pinaghihintay ako rito. Eh tama namang tumawag si Rowena to meet up with me, kaya sabi ko na rito na lang siya pumunta.

"It's okay, and I understand him, baka pinoproteksyunan ka lang niya from me. . ." mahinahon kong sambit pero may laman.

Inabot naman ni Rowena ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Pinisil niya ito.

"I know that you are a good person, Raffi. You will not cause any harmful act against me. And soon, Gabriel will see it and will love you too," tugon niya na nakangiti. One of the purest smile I've ever seen.

"Love me?" pag-uulit ko sa sinabi niya.

Parang nakaramdam naman ako ng kung anong pilantik ng ugat sa aking puso sa isiping mamahalin ako ni Gabriel Mondragon.

"Yeah. . . I am sure, mamahalin at magugustuhan ka rin ni Gabriel as one of my friends." 

Ah. . . bilang kaibigan. I hope so.

"Sana. . ." tanging naisagot ko lang at humigop muli ng kape sa aking tasa.

Nagpaalam lang saglit si Rowena para magpunta ng comfort room kaya ibinalik ko na lamang ang atensyon ko sa paglasap ng aking paboritong kape nang may lumapit at tumigil sa gilid ng aming mesa. . . I know her.

Ngumiti ito sa akin.

"Rafaela Santiago?" banggit niya sa pangalan ko.

Kaya tumayo ako para makipagbeso.

"Avianna Alejandro. . ." sambit ko rin sa pangalan niya. At napatingin ako sa batang nagtatago sa likuran niya. Ngumiti ako.

"Hi Primaxia," bati ko sa bata. Ngumiti rin ito sa akin.

Naging kaibigan ko si Avianna, an actress and a model noong mga panahong pinasok ko ang mundo ng modelling sa New York. Tamang isa siya sa modelong kinuha ng management na kumuha rin sa akin at dahil kababayan kaya nagkapalagayan kami ng loob at naging magkaibigan.

"Andito ka na pala. . . kailan ka pa rito?" tanong niya. And I am about to answer her question nang may nagbanggit ng kaniyang pangalan.

"Avianna." It's Rowena. Magkakilala sila?

 Nilingon siya ni Avi at nakita ko ang pagbeso nito kay Rowena.

"Wena, kumusta?" pangangamusta nito.

"Ito, masaya pa rin, wala pa namang sumisira ng pagmamahalan namin ni Gabriel. . ." sagot ni Rowena at tumawa. Alam kong nagbibiro lang ito pero bakit ako kinabahan. Tsk.

"Magkakakilala pala kayo?" hindi ko napigilang itanong kaya napatingin silang dalawa sa gawi ko.

"Ah yes, Raffi, asawa siya ng pinsan ni Gabriel na si Engr. Primotivo Alarcon, so parang magpinsan na rin kami. . ." sagot naman kaagad ni Rowena sa akin.

"Oh that's great, ang liit lang ng mundo pala natin!" tanging naitugon ko na lang at umupo na ulit.

At doon lang natapos ang pag-uusap naming tatlo dahil kailangan na ring umalis ni Avianna dahil naghihintay sa labas ng Dreame Cafe ang asawa nito. Kaya naiwan naman kami ulit ni Rowena. Nag-usap lang kami ng tungkol sa gagawing first photoshoot ko para sa magazine niya sa isang island dito sa Luzon nang dumating naman na si Trina. Pero hindi ito makalapit sa akin dahil kasama ko pa si Rowena kung kaya't nagsesenyasan lang kami sa pamamagitan ng mga tingin sa isa't isa.

"So ayon nga, birthday rin kasi iyon ni Gaby na napagplanuhan namin ni Gabriel na ganapin sa pribadong isla ng pinsan niyang si Engr. Alarcon, kaya pwede rin nating gawin doon ang first set ng photoshoot mo. . ." imporma niya na nagbigay ngiti sa akin dahil sa kaisipang makakasama ako sa pag-celebrate ng ika-anim na kaarawan ni Gabino. . . my son.

Iyon lang at umalis na rin si Rowena dahil susunduin niya pa raw ang anak nila sa bahay ng byenan nito dahil magdi-dinner date silang mag-anak.

Pagkaalis naman ni Rowena ay siya namang paglapit ni Trina sa akin. Nakabusangot ang mukha nito na malditang nakatingin sa akin.

"I can't believe you being civil and friendly towards the wife of Gabriel Mondragon, the father of your kids,"  bungad nitong sambit na mahinang ibinulong na lang niya ang mga huling salitang binanggit niya na sapat lang para marinig ko.

Tinignan ko lang din siya ng masama.

"Wala akong ginagawang masama, Trina. . ." sambit ko na ikinarolyo lang ng kaniyang eyeballs.

"Wala pa. . ." tugon pa nito.

Napabuntonghininga na lamang ako.

"Makakasama ako sa pag-celebrate ng ika-anim na taon ni Gabino, Trina. Ang saya ko."

At hindi ko maiwasang mag-isip na ng magandang iregalo sa anak ko.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Trina sa kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. Pinisil niya ito kaya napatingin ako sa mukha niya, ramdam kong masaya siya sa nararamdaman kong saya ngunit may pagaalinlangan at pag-aalala pa ring mababakas sa kaniyang mukha.

"Kahit gusto ko mang pigilan ka sa kagustuhan mong mapalapit sa bata ay wala akong karapatang diktahan ka sa ikakasaya mo, Raffi. Pero ito lang masasabi ko, alalahanin mo may isang Gabriella Santiago na naghihintay sa'yo sa hacienda niyo. Isang buwan ka ng hindi nakakauwi, paniguradong nangungulila na sa'yo si Baby Ella." Napapikit na lamang ako, at napabuntonghininga.

"Just this once, Trina. Makasama ko lang ng saglit si Gabino, sa kaarawan niya lang. Pangako pagkatapos ng engagement ko kay Rowena ay aalis na ako sa mga buhay nila, permanently. Hindi ko lang kasi maiwaksi sa aking isipan ang pagkukulang ko kay Gabino. Feeling ko kasi hindi ako magiging mabuting ina kay Gabriella kapag hindi ko nawala sa aking damdamin ang ginawa kong basta pag-iwan kay Gabino noon. Hindi ko man lang siya naipaglaban kay Gabriel dahil naging duwag ako, at dahil sa kawalan ko ng kakayahan, noon. Pero ngayon kaya ko na," mahabang paliwanag ko kay Trina.

"Kaya mo ng kuhanin ang loob ng bata sa itinuturing niyang ina?"

Umiling ako sa naging tanong ni Trina sa akin.

"Rowena is a good mother, wala akong planong kunin sa kaniya ang pagiging legal na ina ni Gabino. Gusto ko lang maipadama kay Gabino na mahal na mahal ko siya kahit produkto lang siya ng isang business deal. At para maging malaya na rin ako sa masamang konsensya ng kagagahang ginawa ko noon para maisalba lang ang hacienda namin."

"Pero paano mo masasabing enough na ang gagawin mong pagbawi sa anak mo?"

Napakagat-labi ako sa naging tanong na naman ni Trina sa akin.

Oo nga, paano nga ba?

Napabuntonghininga ako bago sumagot.

"Kapag tama at sapat na ang pagmamahal na naipadama ko sa anak ko na kaya ko na siyang i-let go at ipaubaya ng tuluyan sa pangangalaga nina Gabriel at Rowena. . ."

Napailing lang si Trina sa isinagot ko.

"Hanggang kailan? Alam nating pareho na hindi sapat ang darating na birthday celebration ng bata. . . maghahangad at maghahangad ka lang ng marami pang oras kasama ito. Kilala na kita, Raffi, you are greedy in terms of loving someone."

Parang sasabog naman ang utak ko dahil sa binitiwang mga salita ni Trina.

'Ako? Greedy?'

Napakuyom ako.

"Kung sumunod lang sana sa usapan namin si Gabriel noon, hindi ako magiging ganito kasakim hangarin na mapalapit at mahagkan ang anak ko, Trina. It's his fault. . . kasalanan niya ang lahat ng unrestricted desire kong makasama ang anak ko."

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon