CHAPTER THIRTEEN

7K 166 9
                                    

ROWENA'S POV

"Miss Rowena, hindi pa ba kayo uuwi?" tanong sa akin ni Sarah. Umiling lang ako at ngumiti.

"Mauna na kayo, ako na ang magsasarado ng studio. Susunduin kasi ako ni Gabriel eh." Nakita ko ang pagsimangot ng sekretarya ko. Napansin ko siyang tumingin sa kaniyang wristwatch.

"Pero Miss, maga-alas otso na po, di ba po alas singko niya kayo susunduin dapat?" sambit pa nito.

"Baka may naging problema lang sa opisina niya kaya na-late siya. Sige na, Sarah... I can handle myself." Ngumiti na lang ako ulit sa kaniya at nagpakalumbaba sa mesa ko.

Saan na kaya si Gabriel?

Narinig ko na lamang ang pagbuntonghininga ni Sarah. "Sige po, Miss Rowena, mauna na po ako. Ingat po kayo ha," paalam na nito.

Kinuha ko naman ang cellphone ko para tawagan si Gabriel, actually kanina pa ako tumatawag sa kaniya pero ring lang ito ng ring. And for the nth time, hindi niya ito sinasagot hanggang maging unattended na ang number niya.

What's wrong with him? Hindi kaya naaksidente siya o kung ano man?

Nako, huwag naman sana. . .

**************

GABRIEL'S POV

"Bakit andilim ng bahay?" tanong ko sa aking sarili. Mukhang wala pa si Rowena, kaya mabilis akong pumarada at bumaba ng sasakyan. Papasok na ako ng pintuan nang may maalala ako!

"Potangina ka, Gabriel!" mura ko sa aking sarili at mabilis na bumalik sa sasakyan ko upang umalis at sunduin si Rowena.

Nakapangako nga pala akong susunduin ko siya. Shit!

Why of all the things na makakalimutan ko ay ang bagay pa na iyon. Tinignan ko ang wristwatch ko and just fuck me! Ang gago ko, maga-alas otso na pala ng gabi at paniguradong naghihintay pa rin hanggang ngayon si Rowena sa akin.

Rowena is the kind of woman na kapag pinangakuan mo ay talagang maghihintay siyang tuparin mo iyon, even it will cost her to wait forever.

Nang marating ko ang studio niya ay mabilis akong pumarada sa tabi at bumaba ng sasakyan ko. Napansin ko na kaagad ang nakabukas na ilaw ng kaniyang studio. Damn it!

Mabilis akong pumasok doon and I saw her. . . sleeping soundly sa kaniyang mesa. Nilapitan ko siya and I touch her beautiful face.

"G-Gab?" sambit nito nang magising siya dahil siguro sa paghaplos ko sa kaniyang pisngi. She smiles at me.

"Sorry, honey." At dinampian ko siya ng halik sa kaniyang labi.

"It's okay.  Bakit ka ba na-late, nagkaproblema ba sa office mo?" tanong niya habang nagliligpit ng kaniyang mga gamit.

Shit. Anong sasabihin ko, na mas una kong binisita ang baby-maker ko kaysa sunduin siya?

"Hmm," simpleng tugon ko lang sabay tango.

"Tumatawag ako. . . you should have called me kung sobrang mahalaga ng inasikaso mo, para umuwi na lang ako," nakangiting sambit nito. I shouldn't be guilty dahil wala naman akong ginagawang masama. I just visited our baby-maker dahil nag-alala ako sa kalagayan ng magiging anak namin ni Rowena. Ngunit hindi ko maiwasang hindi ma-guilty because sa totoo lang, I am already lying to her now. Pero hindi niya maaaring malaman ang tungkol kay Rafaela at sa business deal namin.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon