CHAPTER TWO

9.2K 199 5
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Saan ka galing, Rowena?" bungad na tanong kaagad ni Gabriel sa kaniyang asawa. Ngumiti naman ang babae sabay hakbang papalapit sa kaniya na prenteng nakaupo sa sala. Umupo naman si Rowena sa mga hita nito at inilingkis ang mga kamay sa leeg ni Gabriel

"Nakipagkita lang ako sa mga friends ko noong college, honey... ikaw? Kanina ka pa ba nakauwi?" tanong nito at dinampian ng halik ang kaniyang asawa na pinalalim naman ni Gabriel nang hawakan niya ang mukha ni Rowena. Hinalikan niya ito ng may sobrang pagmamahal.

"Hmm..." pag-alpas naman ng ungol ni Rowena nang maramdaman niya ang paghaplos ng mga  palad ni Gabriel sa kaniyang may kalakihang dibdib.

"Tara, sa kwarto..." marahang pagbulong naman ni Gabriel sa asawa at binuhat na niya ito in a bridal style. Halos mapatili naman si Rowena dahil sa ginawang iyon ng kaniyang asawa.

Para silang bagong kasal na kakauwi lang galing sa reception. At excited na para sa kanilang unang gabi bilang mag-asawa.

********

RAFAELA'S POV

Tinitignan ko ang sarili ko sa isang full-length mirror na nandirito sa bahay na magiging pansamantalang tirahan ko sa loob ng halos isang taon.

Bahay na binili ni Gabriel Mondragon para sa amin, kung saan magaganap ang unang gabing pinag-usapan namin, na located sa Southridge Village, isang exclusive village na para sa mga mayayaman at may sinabi sa buhay lang katulad ni Trina at nong kaibigan niyang si Atlas.

Dito ako ibinahay ni Gabriel Mondragon.  Maganda ang mga bahay rito sa village, at ang mas maganda sa lugar ay mangilan-ngilan lang ang nakatira at hindi basta-basta nagpapapasok at nagbibigay impormasyon sa mga taga-labas... kaya safe na business location para sa amin ni Gabriel. Lalo na at malayo rito ang mansion nila ng kaniyang asawa.

Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip na para akong isang kabit na tinatago ng isang mayamang negosyante.

Kung hindi ko lang talaga kinakailangan ng pangmadaliang pera ay hindi ko ito gagawin.

Napapikit na lamang ako habang inaalala ang mga nangyari noong nakaraang linggo sa aming hacienda sa Batangas.

"Nalulugi na ang buong hacienda natin, Rafaela... at baka tuluyan na itong mawala sa atin kapag hindi ka magpakasal kay Carlos De Guzman. Siya na lang ang tanging pag-asa natin at ng hacienda para makabalik tayo sa dating kinalalagyan natin."

Napakuyom ako dahil sa mga sinabing iyon ng nanay ko. Pinunasan ko ang umalpas na luha sa aking mga mata bago galit na lumingon sa kaniya.

"Isinanla mo ako? Grabe ka, Mama! Sarili mong anak... magkano, magkano ang halagang napag-usapan niyo ni Carlos De Guzman kapalit ng pagkakatali ko sa kaniya habang buhay? Magkano, Mama? Magkano... magkano ang halaga ko?"  hindi makapaniwalang tanong ko sa aking ina.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon