CHAPTER FIVE

8.5K 184 8
                                    

ROWENA'S POV

"Hello, honey..." bati ko at halik sa asawa ko...

"Saan ka na naman galing, Rowena?" may inis na tanong nito sa akin.

"Sa mga kaibigan ko, Hon..." simpleng sagot ko.

"Parati ka na lang nasa kaibigan mo... nawawalan ka na ng oras sa akin," malamig na himig na sabi niya sa akin. Umupo naman ako sa hita niya at niyakap ang kaniyang leeg.

"Huwag ka ng magalit, Honey... hayaan mo babawi ako ngayong gabi..." sambit ko at hinaplos ang mukha niya pero iniwas niya lang ito. What's wrong with him.

Napatayo naman ako nang tumayo ito at humakbang patungo sa veranda ng kwarto namin. Sinundan ko naman siya dahil hindi ako sanay na ganito ang pakikitungo niya sa akin.

"May problema ka ba, Gabriel? May problema ba tayo..." open up ko dahil ramdam ko may mali, may hindi tama sa paraan ng pakikitungo niya sa akin this past days.

"I want to adopt a child, Rowena..." out of nowhere niyang banggit. At parang may kung ano namang tumusok sa dibdib ko.

"Adopt a child? Why so sudden, Gabriel?" hindi makapaniwalang sambit ko.

"Hindi na ito biglaang kagustuhan ko lang, Rowena... matagal ko ng nasabi sa iyo simula nang malaman nating hindi ka maaaring mabuntis!" may diing sambit nito na ikinainis ko rin sa kaniya.

"Eh bakit nagagalit ka? Sinabi ko naman sa iyong willing akong mag-ampon tayo... pero not now. Masakit pa, Gabriel... masakit pa sa akin na ang isang bagay na gustong gusto mo ay hindi ko maibigay sa 'yo," sambit ko na nagpatulo ng luha ko na kaagad ko ring pinunasan bago pa man niya ito makita.

Humakbang siya palapit sa gawi ko, marahan niya akong hinawakan sa aking mga braso, at tinignan ng deretso sa aking mga mata. I saw happiness, and also fear in his beautiful green eyes.

"May kilala ako, kaibigan ng kaibigan ko... she's pregnant, kaso hindi pinagutan ng tatay ng bata..." may kung ano sa himig nito ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan niya sa ideyang sinasabi niya sa akin. Ngunit napapailing ako dahil maraming mga bagay at circumstances ang pumapasok sa aking isipan... mga bagay na masakit sa akin kung iisipin.

"At anong gusto mong sabihin?" iyon na lang ang tanging naitanong ko, kahit alam ko na ang gusto niyang iparating sa akin.

"Ampunin natin ang magiging anak niya," simple, may diin, at pag-asang sagot niya, na mas lalong ikinagalit ko sa kaniya. Iwinaksi ko ang pagkakahawak niya sa akin at tinignan siya ng deretso.

"What? Are you insane? Ayoko!" may diin at pinalidad ko ring tugon sa kaniya dahil ayoko! 

"Rowena!" bulalas niya sa pangalan ko.

"Ayoko ng gusto mo, Gabriel..." matigas ko ring tugon sa kaniya.

"Bakit? Hindi ba't mas maganda nga iyong nasa sinapupunan palang ang bata ay tayo na ang kalalakihang magulang nito..." Umiling lang ako, ayoko ng gusto niyang mangyari. Mag-aampon kami pero hindi ang batang dinadala ng kung sinong babaeng sinasabi niya!

"Hindi... ayoko... dahil parang sinasabi mong aalagaan natin ang babaeng iyon hangga't ipanganak niya ang anak niya!" Nakita ko ang pagbabago sa reaksyon ng mukha niya... isang reaksyong hindi ko mapangalanan ngunit ramdam ko ang kagustuhan niya sa ideyang aalagaan namin ang nanay ng bata.

"Oo ganoon na nga... We will support her until she gives birth," and he said it. 

"Ayoko nga, Gabriel... kahit anong sabihin mo, ayoko. ayoko! Tapos na ang pag-uusap na ito." At tinalikuran ko na siya.

"Rowena!" sambit niya na hindi ko nilingon. At mabilis akong pumasok sa walk-in closet namin.

Umupo ako sa vanity table ko. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin no'n. And I cried hard.

Nasasaktan ako sa mga gustong mangyari ni Gabriel. Fuck him! Pinaparamdam niya sa akin ang kakulangan ko bilang isang babae, bilang asawa niya. Napayuko na lamang ako at inilabas ang lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman ko ngayon.

Naramdaman ko naman ang pagyakap ng isang tao sa akin. Kaya napatingala ako at napatinging muli sa salamin kung saan kita ang repleksyon ng napakagwapong mukha ng asawa ko.

How I love this man.

"Honey... I am sorry. Hindi ko na ipipilit ang gusto ko, kung ayaw mo, mas mahalaga ka sa akin... ayokong mawala ka sa akin." Tumayo naman ako at humarap sa kaniya, I hug him so tight. Niyakap niya rin ako ng kay higpit.

"Sorry rin, honey. Gusto ko rin namang magkaanak tayo, pero huwag muna ngayon. Mag-aampon tayo pero pakiusap hindi ang batang dinadala ng kung sinong babaeng sinasabi mo... ayoko. Nararamdaman kong hindi magandang ideya iyon, Gabriel. Kaya sana maunawaan mo ako..." marahang paliwanag ko sa kaniya na sana ay maintindihan niya.

"O-okay... I-I will not push you about it," sambit niya at hinalikan niya ako sa aking ulo.

************

 RAFAELA'S POV

Nagluluto ako ng kanina ko pa gustong kainin na ulam, pork adobo... nang marinig ko ang pagtunog ng door bell sa labas.

Wala pa sana akong planong pagbuksan ito ngunit walang tigil ang pagdo-doorbell ng kung sino man iyon. Hininaan ko muna ang apoy ng stove bago lumabas.

At habang papalapit ako sa gate ay natatanaw ko na kung sino ang lalaking nasa labas ng bahay ko ngayon. Binuksan ko ito at yakap niya agad ang sumalubong sa akin. Damn! Napatingin naman ako sa paligid, baka may makakita sa amin at kung ano pa ang isipin.

"G-Gabriel... bitawan mo ako!" sambit ko at pinipilit siyang tumayo ng maayos, amoy ko ang alak na ininom nito.

"Hmm... N-No, I-I miss you, honey..." mautal-utal na sambit na nito... nako ha!

At dahil mukhang hindi na nito kayang mag-drive pauwi ay inakay ko na lamang siya papasok ng bahay. Pinaupo ko muna siya sa sofa sa sala. Ayaw pa nga niya sanang bumitaw sa akin ngunit maussunog na ang niluluto ko kaya pwersahan ko na talagang iwinaksi ang mga kamay niyang nakapulupot sa beywang ko.

Ano na naman kayang ginagawa niyan dito, nako ha! Wala sa usapan namin na pati siya ay aalagaan ko sa tuwing malalasing. Nakakainis naman.

Patapos na ako sa niluluto ko nang mapaigtad ako dahil sa biglang pagyakap ng kung sino sa aking beywang.

"Ang bango..." sambit nito sabay amoy ng leeg ko. Damn!

Pinatay ko na ang stove at humarap sa kaniya.

Inilalayo ko siya sa akin.

"Ano ba, Gabriel Mondragon! Anong ginagawa mo rito? Di ba sabi ko, ayaw kitang makita habang nagdadalang-tao ako at magkita na lang tayo kapag manganganak na ako!" bulyaw ko sa kaniya.

Napaupo naman ito sa kitchen counter at seryosong tumingin sa akin. How hypnotizing his stares at me... kaya hindi ko rin maalis-alis ang pagkakatitig ko sa kaniya.

He wants to say something, I can sense it... but he is hesitant to blurted it out.

"Why are you here, Mr. Mondragon? What do you want?" matapang kong tanong dahil kung hindi ko siya pipilitin, paniguradong hindi rin siya magsasalita.

Napatikhim ito at napansin ko ang pagkakatitig niya sa sinapupunan ko kung kaya't napahaplos ako rito, hindi pa ito lumalaki ngunit ramdam ko na ang pagkabuo ng baby namin sa loob ko. Napabalik naman ang tingin niya sa mukha ko at malamig na tumititig sa akin.


"Let's end our contract..." malamig na sambit niya na nagpabitaw sa akin sa hawak-hawak kong babasaging baso.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon