CHAPTER TWENTY EIGHT

6.9K 148 20
                                    

"Hmm, I love you. . ."  he whispered under his breathe.

Para ba sa akin iyan o para sa asawa mo?

Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit. Feeling the warmth and comfort of our naked bodies under the sheets. Pinikit ko na ang aking mga mata, freeing my mind to the cage of thoughts about our forbidden affair. Kahit ngayon lang maging akin ka lang, Gabriel. Walang kahati, walang orihinal at walang kabit. . . tanging ako lang ang nagmamay-ari sa iyo. Kahit ngayong gabi lang na ito, mayakap kita bilang ama ng mga anak ko at bilang lalaking pinakamamahal ko.

Oo, mahal na nga kita. . .

Naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.

*********************

Napamulat ako nang makapa kong wala na akong katabi.

I sighed.

Ganito nga siguro ang pakiramdam kapag kabit ka lang, anytime pwede siyang mawala sa tabi mo, at sa iyo mismo. Wala kang karapatang manduhan at tanungin siya kung saan siya pupunta, kung anong oras mo siya pwedeng makasama. . . sa madaling salita, wala kang karapatan sa kaniya pero siya may karapatan sa iyo. Napabuntonghininga na lamang ako.

Pumasok ako sa banyo to take a cold shower, baka sakaling maibsan nito ang stress na nararamdaman ko ngayon.

It's our last day of photoshoot, at kaarawan na ni Gabino sa makalawa. And after that day, I need to go home sa hacienda to have time with my daughter. Nami-miss ko na rin siya, isang buwan ko na siyang hindi nakikita at nahahagkan.

Nakapikit akong tumayo sa ilalim ng shower, feeling the cold water that touching my bare skin.

Malamig pero mas umaapaw ang nararamdaman kong init habang iniisip ko pa rin ang pagtatalik namin ni Gabriel kagabi. His touches, kisses, and when he enters me, pumping hard and when he releases all of his inside me.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng simpleng summer dress na hapit na hapit sa katawan ko. Nag-ayos ng kaunti at lumabas na ng kwarto ko.

Napadaan naman ako sa kwartong inuukupa nina Gabriel at Rowena, nakaawang ito ng kaunti. At hindi ko napigilang sumilip, I am curious dahil mukhang may tao pa sa loob.

Ganoon na lamang ang pagdaan ng hapdi at kirot sa aking puso nang makita ko si Rowena na nakapatong kay Gabriel. . . they are kissing, torridly.

Napatigil lang ako saglit nang may tumulong luha sa aking mga mata na nagpabalik-huwesyo sa akin, kung kaya't mabilis akong humakbang paalis doon.

Palabas na ako ng bahay nang may humawak sa braso ko na nagpatigil sa akin. Pagtingin ko rito, it's Fernando. Seryoso siyang nakatingin sa akin, tila may gustong sabihin pero hindi niya mahanap ang mga tamang salitang dapat gamitin para hindi ako masaktan.

"I saw him," paunang salita niya. Napakunot-noo ako.

"I saw Gabriel going out in your room kaninang madaling araw." Nakaramdam naman ako ng biglang kaba sa aking dibdib, kinakabahan pa rin ako kahit alam kong alam naman na ni Fernando ang tungkol sa amin ni Gabriel. Anytime kasi maaari niya kaming isuplong kay Rowena but I still trust him not to.

"And?" maikling tugon ko.

"Muntik na siyang makita ni Rowena, kung hindi ko lang siya inilihis ng direksyon," seryoso niyang imporma sa akin.

"So? You want me to be thankful on what you've done, well thank you for protecting us, Ferd." Kumunot ang noo nito at mukhang galit na.

"Don't be sarcastic to me, Rafaela. And damn it! I am not protecting the both of you. It's just you, ikaw lang ang pinoprotektahan ko. Ayaw kong magkasala ka pa, kaya pakiusap, tumigil ka na. Itigil niyo na ni Gabriel ang ginagawa niyo." Napayuko ako dahil sa sinabi niya sa akin. Nahihiya ako kay Fernando. . . he is so good to me pero hindi ko masuklian ang pagmamahal na binibigay niya sa akin. Sana siya na lang ngunit mas nauna kong nakilala si Gabriel at naramdaman ang matinding pagnanasa na ito.

"I-I can't, I just can't, Fernando. Lulong na ako sa kaniya. Hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko. Iniisip ko palang na mawawala sa akin si Gabriel ay para na akong mauubusan ng lakas," senserong tugon ko sa kaniya. Hinaplos niya ang mga pisngi ko at puno ng pagmamahal na tumingin sa akin.

"Then you have your daughter, make her be your strength to get yourself back on track. Hindi ikaw ang buhay niya, Raffi kaya huwag mong ubusin ang sarili mo para sa kaniya. Sa pagmamahal na walang kasiguraduhang pipiliin ka." Napayakap ako bigla kay Fernando after he said those words. Ang sakit.

"Uuwi ako sa hacienda pagkabalik natin sa Maynila." At naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin. He kisses me on my check and wipes away my tears.

*************

Earlier this morning. . .

ROWENA'S POV

"Where have you been, Gabriel?" bungad na tanong ko kaagad kay Gabriel nang lumabas ito mula sa banyo, bagong ligo at nakatapis lang ng tuwalya ang kaniyang ibabang bahagi. Tinignan niya naman ako ng walang kaemo-emosyon at dumeretso sa kabinet para kumuha ng pamalit na damit. Hinubad niya ang tuwalya at sa harap ko mismo nagsuot ng boxer shorts. At humiga na siya sa kama namin na hindi pa rin ako sinasagot sa naging tanong ko.

"Saan ka natulog kagabi?" malumanay pero nagtitimpi kong sambit muli. At lumapit na ako sa kaniya sa kama. He looks tired but happy. . . and it's creeping me out and making me uneasy about something that I don't want to think about.

"Sa library," maikling sagot niya na nagpataas-kilay sa akin.

"And what did you do there?" tanong ko na nagpamulat sa kaniya. He stares at me.

"Work, I have so many pending works this week, Rowena. At walang signal dito sa isla kaya I need to read the printed documents of it." Pumikit siyang muli at niyakap ang isang unan. Baka nga sa library talaga ito nag-stay magdamag to do his work, at mali lang ako ng perception sa mga unusual na reaksyon at galaw niya this past days.

Wala naman siguro siyang ibang babae. . .

Napailing ako sa aking biglang naisip. Imposible! Nasa pribadong isla kami, no online connections, telecommunication signals and no other unfamiliar persons here. Kaya imposibleng may babae si Gabriel. Siguro ay talagang pagod lang siya sa kaniyang pagtatrabaho buong magdamag. Kaya umakyat ako sa kama at pumatong sa kaniya.  Hinaplos ko ang hubad na mabalahibong dibdib niya kaya napamulat siya at napatingin sa akin.

Hindi naman niya ako pinapaalis ngunit ramdam ko ang pagkadisgusto niya sa ginagawa ko. Pero responsibilidad ko ito bilang asawa niya, to fill his sexual needs and desires. Walang ibang pwedeng magbigay niyon sa kaniya kundi ako lang.

Hinawakan ko at hinaplos ang kaniyang mukha. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya hanggang magdampi na ang labi ko sa labi niya. Napaawang ito na naging signus ko para igalaw ang labi ko. I passionately kissed him fully in his lips, ibinuhos ko ang lahat ng pagmamahal na meron ako para sa kaniya. . . but there is something wrong na nagpatigil sa akin.

Bumitaw ako sa paghalik sa kaniya. Tinitigan ko siya. Nakatitig din naman siya sa akin.

And his cold stares and aura are making me anxious about something that I am unsure of.

"Your cold," bulalas ko.

"I am just really tired," simpleng tugon niya lang at hinawakan ang pisngi ko. Napapikit na lang ako at dinadama ang marahang paghaplos niya rito. Akala ko may sasabihin pa siya sa akin like, "Babawi na lang ako sa'yo mamaya, hon." Ngunit wala, wala na siyang sinabi kaya napamulat na lamang ako, and there I saw him, sleeping soundly.

Dinampian ko na lamang siya ng mabilis na halik sa kaniyang labi bago umalis sa pagkakapatong ko sa kaniya. Inayos ko ang aking sarili dahil medyo nagusot ang suot kong damit at lumabas na ng kwarto namin.

"Siguro nga pagod lang talaga siya kaya pakiramdam ko ay nanlalamig na siya sa akin," bulong ko sa aking sarili, dahil alam ko mahal na mahal ako ni Gabriel at hindi niya ako kailanman iiwan. Naniniwala ako sa sinumpaan naming pangako sa isa't-isa noong ikinasal kami, to have and to hold.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon