CHAPTER THIRTY SIX

7K 175 48
                                    

RAFAELA'S POV

Pinauna ko pabalik sa veranda si Gabriel and after 5-10 minutes ay sumunod na rin ako. Inayos ko ang nagusot kong bestida at buhok. Naglalakad na ako pabalik nang hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang paglabas-masok ng ari ni Gabriel sa ari ko. Shit! Bigla akong nakaramdam ng panghihina, at parang. . . parang sa ilang sandali lang ay matutumba ako.

"Careful, darling." Napatingala naman ako sa taong sumalo sa akin. It's Fernando. . .

Nakangiti siya habang inalalayan akong makaupo sa kaniyang tabi. Kaharap ko si Gabriel na katabi si Rowena, masama itong nakatingin sa akin pero isinawalang bahala ko na lamang.

Nagpasalamat na lamang ako kay Fernando.

"Where have you been, Raffi?" Napaigtad naman ako sa tanong ni Rowena kaya tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Sorry natagalan lang ako, may kinausap pa kasi akong trabahador," pagsisinungaling ko. Hindi naman nakalagpas sa aking pansin ang pagngisi ni Gabriel. Tsk.

"Ow, kaya pala." Nakaramdam ako ng kaba sa maiksing naging tugon ni Rowena sa aking isinalaysay. Gusto kong tanungin kung ano ang pinapahiwatig ng "kaya pala" niya. Pero natatakot ako, mabuti na lamang at nagsalita si Fernando.

"Kaya pala ano, Rowena?" singit nito.

Ngumiti ng kakaiba si Rowena at nagkibit-balikat.

"I went to the cellar to check on you," sambit nito na nagpalamig sa akin.

Shit! Kinakabahan ako ngunit hindi ko pinahalata sa kanila.

Nakita niya kaya kami?

"But you are not there." dugtong nito na nagpahinga sa akin ng maluwag. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Fernando ng aking kamay.

"So! Enough of that. . . total andirito naman na kayo, Rowena and Gabriel, bakit hindi na lamang kayo manatili rito hanggang sa araw ng kasal namin ni Rafaela," litanya ni Fernando at parang gusto ko nang lamunin ng lupa dahil sa ramdam kong galit mula sa mga titig ni Gabriel sa akin.

"K-kasal?" sambit nito.

"Hmm, yes. Rafaela and I will get married this weekend, dito gaganapin sa Hacienda," casual at may himig ng kasiyahang tugon naman ni Fernando kay Gabriel. Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Gabriel na nakapatong sa mesa.

"Wow, congratulations, couples! Finally, napasagot mo na rin si Raffi. Anyway, kailangan niyo talagang magpakasal lalo na at lumalaki na ang anak niyong si Ella. Right, Raffi?" Hindi ko na nagugustuhan ang tono ng pananalita ni Rowena. And I am about to say something nang ibulalas ni Fernando ang pangalan niya. Stopping her from talking more.

"Rowena!"

Ngumiti na lamang ito at hindi nagpatinag sa pagsigaw ni Fernando.

“Fernando told me that he is the father of Ella, kaya tama lamang na magpakasal na kayo. It's not good for the kid to grow up in such broken family, though!" litanya pa nito. Shit, anong pinagsasabi ni Rowena? She's planting a wrong idea to anyone who can hear her saying those stuffs. . . And that anyone is Gabriel.

Nakita ko ang pagngisi ni Gabriel at matalim na tumingin sa akin at kay Fernando.

"No, we are now going home. Rowena, get Gabino at pumasok na kayo sa sasakyan," may diing utos nito sa kaniyang asawa.

"Wait, is it great to join them, Hon, sa most awaited wedding of the year ni Fernando at Rafaela?" may sarkastikong sambit ni Rowena na ikinatingin ng matalim sa kaniya ni Gabriel.

"Kapag sinabi kong uuwi na tayo, uuwi na tayo. Naintindihan mo ba?" Ramdam ko ang matinding poot sa himig ng pananalita ni Gabriel.

Shit! What just happened? 

Naalala ko na naman ang pinag-usapan namin kanina pagkatapos naming magtalik.

Niyakap niya akong mahigpit at marahang dinadampian ng mumunting halik.

"Makikipaghiwalay na ako kay Rowena. . . I want us to be a happy family, Raffi. Gusto kitang pakasalan, gusto kong isigaw sa buong mundo na asawa na kita at akin ka lang. . ." malambing na sambit ni Gabriel na ikinagalak ng aking damdamin.

"Ayaw kong makasakit ng damdamin ng ibang tao, Gabriel. . ." tanging naitugon ko lang sa kaniya pero mas naramdaman ko ang higpit ng kaniyang pagyakap sa akin.

"Kaya mas pipiliin mong saktan tayong dalawa?" At parang naging wake up call sa akin ang kaniyang mga sinabi, nagising ako sa katotohanang kahit anong pagpigil ko sa damdamin kong gustong kumuwala para kay Gabriel ay makakasakit at makakasakit pa rin ako ng damdamin ng ibang tao. Tama siya, masasaktan lang din namin ang isa't isa kung pipigilin namin ang isinisigaw ng aming mga damdamin.

Masasaktan at masasaktan din namin si Rowena at ang mga taong nakapaligid sa amin dahil sa pananatili sa isang relasyong wala ng pagmamahal.

"Masasaktan ko lang si Rowena ng paulit-ulit kung ipipilit mong pigilin ko ang damdamin ko para sa'yo, Raffi. . . In no time, mararamdaman niya ang panlalamig ko sa kaniya dahil hindi ko na siya mahal bilang asawa ko. At lahat tayo ay magdudusa. . . kaya gusto kong ipaglaban ang tayo, mas pipiliin kong makaramdam ng pagkatalo dahil lumaban ako, Rafaela. Mahal na mahal kita." He kissed me and I kissed back, telling him that  I will now, fight for him.

Mahal niya ako at sapat na iyon para ipaglaban ko rin itong pag-ibig ko para sa kaniya.

Manalo, matalo basta lalaban kami. . .

Para sa mga anak ko at sa pagmamahal ko kay Gabriel.

********

Binuhat ko si Gabriella at mabilis na humakbang patungong sasakyan nina Gabriel at Rowena.

Alam kong nakasunod lang sa akin si Fernando. . .

"Teka! G-Gabriel. . ." mahinang sambit ko. Wala na akong pakialam kung marinig man ni Rowena ang pagtawag ko sa asawa niya.

Tumigil ito sa paghakbang at lumingon sa akin.

Hinaplos niya ang mukha ni Gabriella bago tumingin sa akin. Napansin ko ang pagngiti ng anak ko sa kaniya. Siguro ay ramdam nito ang lukso ng dugo nilang mag-ama.

Magsasalita na sana ako, to clear things to him, na ang totoo ay hindi na ako magpapakasal kay Fernando, na kahit hindi sila pumunta ngayon dito ay iko-call off ko na talaga ang kasal namin, nang unahan niya ako.

"Tama nga ang unang tingin ko sa'yo, isa kang pota, Raffi. Naniniwala na akong hindi ko nga anak si Ella. . . si Gabino lang ang anak ko sa'yo. Kalimutan mo na ang sinabi kong ipaglalaban kita dahil ang totoo I hate you, I really do! Ipapaangkin mo pa sa akin ang batang hindi ko naman dugo't laman. I pity the kid for having a mother like you," masakit na bitiw nito ng mga salita at naaawang sumulyap kay Gabriella.

Gusto kong magsalita at ipagtanggol ang sarili ko. I can be a bitch or a whore for letting myself fall for someone who is already married pero hindi ko matatanggap na sabihin niyang hindi ako mabuting ina. I already sacrificed for my kids. Hindi man masasabing lahat ay naisakripisyo ko na sa kanila ngunit handa na akong isakripisyo ang pinakamahalagang bagay na mayroon ako ngayon. . .

At iyon ay ang pagmanahal ko para sa kaniya. For Gabino to have a complete happy family.

Napaatras na lamang ako at tinignan siya nang may poot at pagmamahal.

Tumalikod na siya sa akin at humakbang patungong sasakyan niya. Pumasok na siya roon nang hindi na lumilingon sa amin ng anak niya.

Paalam, Gabriel. Paalam, Gabino."

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon