CHAPTER FORTY

7.3K 181 7
                                    

RAFAELA'S POV

"Ang pogi ni Sir Gabriel, ano?" 

"Oo, sinabi mo pa! At ang ganda rin ng katawan,"

Rinig kong pag-uusap ng mga kababaihan sa Hacienda, at tinitigan ko naman ang gawi kung saan sila nakatingin. Kaya pala! Nakatingin sila kay Gabriel na walang pang-itaas na damit habang nagsisibak ng kahoy na gagamitin para sa piging na gagawin sa Hacienda next week. Dahil ika-limang kaarawan kasi ni Gabriella at pasasalamat na rin sa naging magandang ani ng mga pananim katulad ng palay, mangga, at copra.  

Napatikhim naman ako para maagaw ang atensyon ng mga dalagang ito na imbis maghabi ng banig ay mas pinagtutuunan ng pansin ang katawan ni Gabriel. Ito naman kasing Gabriel na ito, naisipan pang maghubad, akala mo kagandahan ang abs at dibdib!

Lumingon naman at napatingin sila sa akin, napayuko ang mga ito at humihingi ng pasensya. Hindi ko sigurado kung ano ang hinihingi nila ng kapatawaran, kung ang hindi nila pagtatrabaho o ang pagpapantasya nila kay Gabriel.

"Sige na, tapusin niyo na iyan dahil kakailanganin na iyan ni Donya Lina bukas," sambit ko lang at nilagpasan sila. Lalapit ako kay Gabriel para pagsabihan ito sa pagbabalandra niya ng kaniyang panget na katawan!

Ilang hakbang pa bago ko marating ang kinaroroonan niya nang mapansin niyang papalapit ako kaya ngumiti rin siya kaagad ngunit inirapan ko lang siya. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at pinunasan ang kaniyang pawis na malayang dumadaloy sa kaniyang kahubaran.

"Hello, Baby. . ." bati niya sa akin na inismiran ko lang

"Pwede ba, Gabriel, huwag kang basta maghubad diyan at ipakita sa lahat ang pangangatawan mo! Ano ka pornstar? You are entertaining all the ladies' eyes here!" bulalas ko. Nakita ko naman ang pagkislap ng kaniyang maganda at mapupungay na mga mata sabay ngisi. Tsk!

"Huwag ka ng magselos, Baby. . . huwag kang mag-alala, ikaw lang ang makakahawak nito. You know that I already surrendered all of me to you, right." At humakbang ito papalapit sa akin and ready to hold and kiss me pero umiwas ako.

Not yet!

"Ah basta, ayokong nadudungisan ng kalaswaan mo ang Hacienda! Makaalis na nga," iritableng turan ko at tatalikuran na siya nang marinig ko pa ang sinabi nitong ikinangiti ko ng palihim.

"Sus, ang hard to get talaga nitong soon to be misis ko. I love you, Rafaela. Makukuha ko rin ang matamis mong oo," sambit nito na alam kong narinig ng malalapit na mga tauhan sa gawi namin.

Hindi na ako sumagot at nagderetso na papasok muli sa Mansion. Pagkapasok ko ay kaagad ko ring nakita ang mga anak ko na nasa salas at mukhang kakatapos lang makipaglaro sa labas.

Ngumiti ako while approaching them. At ganoon din sila nang mapansin na nila ang paglapit ko.

"Mama,"

"Mommy,"

Sabay na pagtawag nila Gabriella at Gabino sa akin. Ang sarap sa taenga, ito ang pinaka-inasam asam ko sa buong buhay ko, to be a mother.

Napahaplos naman ako sa aking malaki ng tiyan.

At madadagdagan pa. . . excited na akong lumabas ang third baby ko with the same man I always love with all of my heart.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon