CHAPTER THIRTY FIVE

7K 161 29
                                    

RAFAELA'S POV

"May anak ka?" mga katagang nasambit ni Rowena nang makita nila si Gabriella. Nakita ko rin ang gulat sa mukha ni Gabriel habang nakatingin sa bata.

Ngumiti ako kahit sa loob ko ay sobrang pangamba at takot ang aking nararamdaman, hindi ko kasi inakalang sina Gabriel at Rowena pala ang dumating na bisita. I thought it's Fernando or si Trina ang dumating pero hindi. Nakalimutan kong alam pala ni Rowena kung saan ako nakatira ngunit hindi ko inasahang pupunta siya at bibisitahin niya ako and worst ay kasama niya pa si Gabriel na ilang linggo ko ng sinisikap pagtaguan.

Alam kong mapera at kayang kaya akong mahanap ni Gabriel in no time but not here in Hacienda Santiago. Kaya rito ako umuwi at nagtago kasama ang anak kong babae. Akala ko ay matatakasan ko na siya dahil ang buong akala ko ay hindi niya mali-link ang Haciendang ito sa pangalan ko dahil ipinangalan ko na ito kay Gabriella. But here they are. . .

"Meet Ella, my lovely daughter," sagot ko at pakilala sa anak ko kina Rowena. Ayaw kong banggitin ang buong pangalan ng anak ko dahil baka magbigay katanungan at kuryusidad pa ito kay Gabriel or worst kay Rowena.

Kinuha naman ni Rowena si Gabino sa pagkakayakap sa aking beywang. Ayaw ng bata ngunit pinilit ni Rowenang ilayo ito sa akin. Gusto ko mang tumanggi dahil sa totoo lang ang saya sa pakiramdam na makasama ko ang dalawang anak ko with their father in front of us. It's so magical but then in fairytale stories there is always this one villain that will prevent our happily ever after. . . and it's named reality. Because in reality, Gabriel already has a wife and I am just his babymaker turned mistress. Isang malaking epic fail lamang ang nangyari sa pagitan naming dalawa, isang pagkakamaling relasyong umusbong sa hindi napigilang pagnanasa namin sa isa't isa.

I love him but I already accepted the fact that we are not really meant for each other.

I will just focused in loving my daughter, and my son kahit nasa piling na ito ng iba.

Mahal ko pa rin ang anak kong si Gabino kahit hindi man niya ako kilalaning ina, sapat na sa aking nakasama ko siya kahit sa mga sandaling panahon lamang. Pero ngayon, I need to move forward, Gabriella is my life now. Ayaw kong mapabayaan ko siya dahil lang sa maling pag-ibig ko sa kaniyang ama.

**********

"Anak ko ba si Ella, Rafaela?" nakakapangilabot na tanong ni Gabriel sa akin pero matatag at deretso ko pa rin siyang tinitigan at umiling.

"Hindi." Pero hinawakan niya lang ako ng mahigpit sa aking braso at isinandal sa pader.

Andirito kami sa cellar ng Hacienda, hindi ko napansing sinundan niya pala ako nang magpaalam lang akong kukuha ng alak. And here I am, stuck in a secluded room with him.

Ang lapit na ng mukha niya sa aking leeg, smelling me, he is like a predator ready to devour his prey's fresh flesh. Naramdaman ko ang paghaplos ng isa niyang kamay sa aking hita pataas. . . pataas sa aking pribadong parte. Gusto ko siyang itulak at makawala sa pagkaka-corner niya ngunit gustong gusto ko rin ang ginagawa niya sa akin. I miss him, his touches and kisses. Kaya napapikit ako nang magdampi ang labi niya sa aking leeg, pinaglandas niya iyon ng kaniyang halik patungo sa aking taenga. Kinagat niya ang aking earlobe bago bumulong.

"Don't fool me, Rafaela. Ramdam ko na anak ko ang bata. I felt the same feeling nang makita ko si Gabino sa unang pagkakataon noon, kaya huwag mo akong ginagago," wika nito at bago pa man ako makasagot ay hinalikan niya na ako sa aking labi. Isang halik na nagpanumbalik nang pagnanasa ko sa kaniya, parang nagsilbi itong susi sa isinarado kong damdamin para sa kaniya. Just in one passionate kiss, hinayaan ko na naman ang sarili kong maangkin niya.

**********

ROWENA'S POV

"So, bakit kayo naparito sa Hacienda Santiago, Rowena?" Napaangat ako ng tingin kay Fernando. Pinilit kong ngumiti ng casual sa kaniya, dumating ito kanina habang pinapakilala ni Rafaela ang anak niyang babae sa amin. Pero mabuti na lamang at dumating ito kahit papaano ay nakaramdam ako ng balanse sa pagitan naming tatlo nina Rafaela at Gabriel kanina.

"Pure business," maikling sagot ko lang sa kaniya. Napatingin naman ako sa batang nakaupo sa kaniyang tabi. The daughter of Rafaela Santiago.

"Sino ang ama ng batang iyan, Ferd?" hindi ko na napigilang itanong.

The girl just turned five this year, so pinagbuntis niya kaagad ang batang ito after she gave birth to Gabino, 6 years ago. Hmm, what a fast pacing pregnancy.

Impossibleng nakahanap kaagad siya ng ibang lalaki maliban sa asawa ko in that span of time.

"Me. Anak ni Raffi si Ella that's why she is now my daughter," playing safe na sagot nito sa akin kaya napaismid na lamang ako.

Napansin ko namang hindi pa nakakabalik si Rafaela, nagpaalam ito kaninang kukuha lang ng alak sa cellar pero magkakalahating oras na ay wala pa rin ito. Same with my husband, nagpaalam itong magbabanyo lang pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakabalik. Napatayo ako at tinignan si Fernando, naramdaman niya iyon kung kaya't napatingin din siya sa akin.

"Where is the cellar located?" deretsong tanong ko. Ngumiti naman ito.

"Sa may likod-bahay, may isang maliit na pintuan doon," sagot nito kung kaya ay tinalikuran ko na siya at may kabilisang tinahak ang cellar.

Kaagad ko namang nakita ang sinasabing pintuan ni Fernando. Nakasarado ito kaya marahan kong pinihit ang doorknob nito. Pero hindi pa ako nakakapasok ay may naririnig na akong mga tunog, sounds that a person makes out of pleasurable feeling. Napakagat-labi ako nang mapagsino ko ang may-ari ng mga ungol na iyon. And I saw them. . . 

Napakuyom ako at naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng aking mga luha.

Kitang-kita ko ang sarap sa kanilang mga mukha habang nagtatalik silang dalawa.

Hindi ko na kaya! Ang sakit-sakit na. Napahawak na lamang ako sa aking dibdib. Gusto ko silang sigawan ng mga masasakit na salita at saktan pero wala akong lakas ng loob. And I hate myself more dahil ang hina ko, I can't even defend myself from this infidelity of my husband and trusted friend. Hindi ko man lang kayang ipagtanggol ang sarili ko at ang dignidad ko bilang isang babae. Ako ang asawa, ako ang unang minahal at pinakasalan ngunit ako pa itong nakakaramdam na ako pa ang balakid sa kanilang pagsasama at sa pagiging masayang pamilya nila.

Tumalikod na ako at mabilis na lumabas ng cellar. Bumalik ako sa veranda kung nasaan ang mga bata at si Fernando. Inayos ko muna ang sarili ko bago pa man nila ako makita. Marahan akong umupo, kinakausap ako ni Fernando ngunit tila mga bubuyog lamang ang aking naririnig, I can't understand what he is saying, nakatingin lang ako sa dalawang batang masayang naglalaro, naririnig ko pa ang pagtawag ng batang babae kay Gabino ng kuya. And it hits me. . .

I am so stupid for believing that all this time ako lang ang mahal ng asawa ko, ako lang ang tanging babae sa buhay niya, ako lang ang nagmamay-ari sa kaniya. . . akala ko akin lang siya. Pero nagkamali ako, masyado akong nabulag sa matinding pagmamahal ko sa kaniya, ibinigay ko lahat ng tiwala ko na hinding hindi niya ako lolokohin at ipagpapalit sa iba. Pero ganoon naman 'di ba? Loving someone means trusting them with all of your heart.

Hindi ko alam kung saan ako nagkamali, saan ako nagkulang, ibinigay ko naman ang lahat sa kaniya. I dedicated all of me to him. Pero kulang pa rin.

But seeing these two kids made me realize something na mas masakit pa pala kung iisipin. . .

Dahil sila ang kulang sa amin. . .

I can't gave Gabriel a family he deserves the most. A complete family that only Rafaela Santiago could give to him.

Pero ayaw kong magparaya, mahal na mahal ko si Gabriel. . .

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon