CHAPTER THIRTY THREE

6.9K 162 21
                                    

1 Corinthians 13

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails.

But for Rowena. . . it already failed.

Everything she  dreamed together with her husband falls into pieces.

Para siyang nahulog sa isang kumunoy. . . a quicksand of truth that will sink her in the deepest darkest hole called destruction na hindi niya alam kung makakaahon pa ba siya.

She's heartbroken, in pain. . . she needs saving but who will save her?

She is drowning pero hindi niya na sigurado kung masasalba pa ba siya ng pagmamahal niya para sa kaniyang asawa.

Hindi niya alam ang kaniyang magiging kasunod na hakbang. Natatakot siyang komprontahin si Gabriel ukol sa kaniyang natuklasan ngunit wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang kausapin ito at tanungin. She is raging in so much madness na gusto niyang umiyak nang umiyak. Pero may mga bisita at kamag-anak pa siyang dapat harapin at kausapin.

Hindi pa tapos ang araw kung kaya't hindi pa natatapos ang selebrasyon para sa kaarawan ng kanilang anak. Selebrasyon na dapat ay fireworks lang ang ipapaputok ngunit unexpected things happen kaya pati ang itinatagong sekreto ng isang Gabriel Mondragon ay pumutok din sa kaalaman ni Rowena.

***********

One week later. . .

ROWENA'S POV

"Wala ka bang gagawing hakbang, Wena?" Napatingin ako kay Jasmine nang magtanong ito pero nagkibit balikat lang ako.

Magsasalita pa sana ito nang biglang tumunog ang cellphone ko. It's Gabriel.

That's why I immediately press the answer button.

"Hello, hon?" I answered.

Maingay ang background ng nasa kabilang linya.

"Raffi. . ." Napabuntonghininga ako at napahawak ng mahigpit sa cellphone ko.

Hindi ako nagsalita. I am waiting for his next words. I want to know what he wants to say to Rafaela Santiago na inakala niyang ako.

He sounds drank.

"Raffi, w-where are you? I am looking for you but I couldn't find you, baby. . . I am so sorry. Please. . . come back to me. I will file an annulment with my wife-" Hindi ko alam ang dapat maramdaman habang naririnig ko ang boses ng asawa ko saying that he wants to file an annulment with me pero naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng aking luha. Naramdaman ko rin ang paghawak ni Jasmine sa aking kamay na nakapatong sa mesa, napatingin ako sa kaniya.

I saw pity in her eyes while staring back at me. She heard it all, kung bakit ba kasi naka-loudspeaker ang phone call ko with my husband.

I didn't expect him to throw words like that to me. . . his own wife. Hindi ko rin akalaing mapagkakamalan niya akong si Raffi.

Ang sakit, para akong paulit-ulit na sinagasaan ng truck to reassure my death. . . my destruction as a wife and most of all as a woman who just wants to love and be loved by someone fairly.

I felt so embarrassed in front of my bestfriend, Jasmine.

Mas tanggap ko pa na ako na lang sana ang nakaramdam ng ganitong awa para sa sarili ko. Dahil mas masakit, doble ang sakit na nararamdaman ko kapag nakikita ko ang awa ng ibang tao para sa akin. Pakiramdam ko ang tanga tanga ko at ang hina-hina ko to be fooled by love.

I am about to just put an end to our phone call when he again said something that totally destroyed my whole life and soul.

"We will be a happy family, Raffi. . . you, me and our son, Gabino Mondragon. P-please come back to me-" And I ended the call.

Napatingin ako kay Jasmine kahit alam kong patuloy ang pagtulo ng aking mga luha.

Nag-aalab sa galit at poot ang kaloob-looban ko. Ang sakit, he fooled me, they fooled me. . .

THIRD PERSON'S POV

Ilang segundong natulala si Rowena sa kaniyang nalamang rebelasyon na mula mismo sa bibig ng kaniyang pinakamamahal na asawa.

A revelation that will be a game changer for Rowena and for all of them.

Bigla siyang tumayo sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair at lumuluhang tinalikuran si Jasmine. Dumako siya malapit sa ceiling to floor na glass window kung saan tanaw ang kagandahan ng mga ilaw sa bawat gusali at kabahayan sa syudad.

Nakatayo lang siya roon, tahimik na lumuluha, nasasaktan, at unti-unting nawawasak.

Hindi alam ni Jasmine ang gagawin at sasabihin. She is also hurting seeing and witnessing her dearest friend to be fooled  and hurt like this by people she trusted and loved the most.

Napaigtad siya nang biglang humarap si Rowena, looking straight at her eyes. Ramdam at nakikita ni Jasmine ang hinagpis ng sugatang puso at pagkatao ng kaibigan. . . Rowena is in verge of destruction in any minute, in any second.

Magsasalita sana si Jasmine ng comforting words for her nang naunahan siya ni Rowena.

"G-Gabino, my baby boy, my beloved son, I can't believe this, Jas. . ."  Umiiling at mahina ngunit may diing sambit ni Rowena.

Napakuyom ito sa sobrang poot na kaniyang nararamdaman para kay Rafaela, lalong lalo na kay Gabriel.

"Rowena. . ." tanging naisambit lang ni Jasmine.

"A-anak, totoong anak ni Gabriel ang anak namin, Jas. . .  t-totoong anak ng asawa ko kay Rafaela, how-" Hindi tinapos ni Rowena ang kaniyang nais na sabihin o tanungin sa kaniyang kaibigan, lalong lalo na sa kaniyang sarili nang bigla na lang itong napaupo sa sahig at walang humpay na humagulgol ng pag-iyak.

Kaagad naman siyang dinaluhan ng kaniyang kaibigan, niyakap niya ito. Pero hindi sapat iyon para maibsan ang sakit, galit at poot na nararamdaman ni Rowena para sa mga taong tinuring niyang kabiyak at kaibigan. Ngunit mas nagagalit siya sa kaniyang sarili for letting herself fooled by them, for trusting those people she treasured the most.

"How did they do it without my knowledge, Jas? How. . . for 6 fucking years, Gabriel fooled me. Siguro back from his asshole mind, tinatawanan niya ako for not realizing it sooner. The replica of  Gabino and him. Damn!" wika pa ni Rowena.

Hindi alam ni Jasmine ang mga tamang salitang dapat niyang sabihin sa kaniyang kaibigan kaya niyakap niya na lamang ito at dinaluhan sa sakit na nararamdaman hanggang sa mapagod na lamang si Rowena sa kakaiyak.

Ilang minuto, oras silang nasa ganoong sitwasyon nang mahimasmasan din siya ng kaunti. Tamang pagbabalik ng kaniyang ulirat para maakay siya palabas ng kaniyang opisina at maihatid siya ni Jasmine pauwi sa kanilang bahay ni Gabriel.

Nakatigil na ang sasakyan ni Jasmine sa harapan ng bahay ng mag-asawang Mondragon ngunit hindi pa rin lumalabas si Rowena rito.

Nakatulala lang ito at tila malalim ang kaniyang iniisip. Pero sa isipan ni Jasmine kailangan na nitong makapagpahinga, to regain her full consciousness so that she can think and absorbed all the dark secrets and the truths  she has heard from her husband.

Kaya sinambit ni Jasmine ang kaniyang pangalan, "Rowena. . ."

Napalingon naman sa kaniya ang kaibigan and genuinely smiled. Jasmine found it creepy and ticklish to the stomach kaya napakunot-noo na lamang siya sa emosyong pinapakita nito.

"You are asking me, what step I should take next, Jas. And I already have one, now. Just only one step that will destroy Gabriel and Rafaela's happily ever after," wika ni Rowena bago lumabas ng sasakyan ni Jasmine.

************

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon