CHAPTER TWENTY ONE

7.4K 160 30
                                    

Simple lang ang niluto ko, beef steak for our dinner.  Mabuti na lang at may nadala kaming mga stocks para pangluto dahil bukas pa pupunta rito ang mga tagapangalaga ni Engr. Alarcon sa isla niya.

Sobrang saya ko naman nang nakikita kong tuwang-tuwa si Gabino sa niluto ko.

Napatingin din ako kay Gabriel na nakailang dagdag na ng kanin dahil nasarapan din siguro sa inihain kong putahe.

Naramdaman niya yatang nakatingin ako sa kaniya kaya tumingin din ito sa gawi ko. Tinaasan ko siya ng kilay bago nag-iwas ng tingin.

"Mommy. . ." Napatingin naman ako kay Gabino.

"Yes, darling?" malumanay kong tugon.

Napatikhim naman si Gabriel pero hindi ko na iyon binigyang pansin. Cause I will grab this chance na matawag na Mommy ng anak ko.

Ngumiti lang si Gabino sa akin at umiling. . .

"Nothing! I just want to call you Mommy while Daddy is letting me. And you cook so good, Mommy. This would be my favorite dish starting from now on," sambit nito na ikinatingin ko ulit kay Gabriel. So pinayagan niya na ang batang tawagin akong Mommy. What's with him?

Noong una, galit na galit siya na mapalapit ako sa bata and ngayon naman pumayag na siyang tawagin akong Mommy ng anak namin.

Tumingin din ito sa akin. . .

"What are you looking at?" masungit niyang tanong na ikinangiti ko naman dahil ang cute niya kapag nakakunot-noo siya na parang inis na inis sa akin. Snobbish.

Hindi ko na siya sinagot pero umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng hapunan.

***************
"Don't be so happy because I let my son call you his Mommy. Inutusan ko lang siya na tawagin kang ganon para sipagin kang magluto para sa amin." Napalingon ako sa nagsalita. Naghuhugas kasi ako ng pinagkainan namin. Ako na ang nagpresinta dahil sinamahan ni Gabriel ang bata sa kwarto nito para makapagpahinga ng maaga.

Humakbang ito papalapit sa akin.

"Still thank you, tulog na ba si Gabino?" tugon ko naman sabay tanong. Dahil kahit temporary lang ay natawag akong Mommy ni Gabino sa harapan mismo ni Gabriel na wala akong nakitang ni anumang pagtutol sa kaniya.

It's the best feeling ever. Sobrang saya ko. Sana dumating din ang araw na matawag siya ni Gabriella na Daddy which is imposibleng mangyari kahit anong paghiling ko sa mga santo at santa. Kaya sapat na muna sa akin ang himalang nangyari kanina nang hayaan ni Gabriel na tawagin akong Mommy ng anak namin.

"Oo, nakatulog na siya. Pero alam mo pwede kong hayaang tawagin ka ng anak ko ng ganon hanggang andito ka sa mga buhay namin. . ." pabitin nitong sambit. Napataas kilay naman ako.

What is he trying to say?

Is he offering me an offer that I can't even refuse? Hmm.

"What's the deal?" direkta kong tanong. Humakbang naman siya ng mas malapit sa akin hanggang ma-corner niya na ako sa may lababo.

Ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. What is he doing?

"Be my mistress in bed." Napatigil ako sa sinabi niyang iyon. Ano daw?

Mistress. . . in bed?

Hindi na ako nakapagsalita nang sinakop niya na ang labi kong nakaawang dahil sa gulat.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon