CHAPTER FORTY THREE

7.6K 164 13
                                    

"So everything is now going right, Raffi." Napalingon naman ako sa taong nagsalita na nasa aking likuran.

“Trina?" I blurted out.

Nagtaas-kilay lang ito and rolled her eyes at me. Kaya napangiti naman ako at marahang naglakad sa gawi niya kaso napapansin niya yatang medyo nahihirapan akong maglakad dahil sa laki ng tiyan ko.

“Stop, ako na lalapit, Raffi," sambit niya at mabilis niyang hinakbang ang pagitan namin sabay yakap sa akin.

“I miss you, Trina." At niyakap ko rin siya.

Matagal din siyang nawala sa buhay namin ni Gabriella. Nangibang bansa kasi ito. And now she's back. . .

Buntis ka na naman! Di ba sabi ko. . . hays, pasalamat ka na lang talaga at mahal na mahal ka  ng sexy devil na Mondragon na iyon," puna pa nito sabay ismid.

Kumusta ka naman na Trina? You've been away for so long. . ." sambit ko na ikinakibit balikat niya na lamang.

Ilang buwan lang naman akong nawala, Raffi. But I am fine, somehow okay na," walang emosyong sagot nito napasimangot naman ako.

“Oh huwag ka na magsimangot diyan at baka makuha pa iyan ng inaanak ko!" dugtong na sabi niya pa sabay hawak sa malaking tiyan ko.

Ngumiti naman ako, kapag ganyan si Trina ibig sabihin lang niyan na ayaw niyang siya ang topic namin kaya hindi ko na siya pipiliting magkwento. Kung sabagay magkekwento naman yan siya kapag gusto niyang magkwento sa akin.

Oo na, hindi na ako magtatanong pa pero-" Napatigil ako sa aking sasabihin nang biglang namatay ang ilaw sa buong Hacienda. Ang dilim ngunit dahil sa magandang panahon at liwanag ng buwan ay may kaunting naaaninag pa ako. Bigla ring tumahimik ang aming paligid. . . What's happening?

Napahawak naman ako ng mahigpit kay Trina dahil medyo nakakaramdam na ako ng pag-aalala.

“Trina, my kids. . ." tanging nasabi ko na lamang.

Naramdaman ko namang hinawakan na ako ni Trina at inalalayang maglakad.

“Calm down, Raffi. Baka may nasira lang na kung ano sa breaker ng kuryente rito. Pero babalik na tayo sa Garden," sambit naman nito na ikinatango ko bilang pagsang-ayon.

Marahan naming tinatahak ang Garden kung saan nandoroon ginaganap ang piging sa Hacienda.

Bakit walang mga tao? Nasaan sila?" nagtatakang tanong ko kay Trina habang napansin kong walang katao-tao sa loob ng Mansion.

“Baka nagtipon-tipon sila sa labas, sa Garden para mas ligtas sa lahat habang hindi pa bumabalik ang kuryente." Napatango naman ako sa sinabi niya, oo, tama naman.

Palabas na kami ng Mansion, malapit na kami sa may pintuan nang medyo may naririnig na akong mga kaluskos pero dahil sa sobrang dilim, hindi ko ito matanaw.

At nang makarating na kami sa may pintuan palabas, kung saan pahakbang na kami pababa sa Garden ay parang isang magical moment naman ang nangyari nang biglang umilaw ang dinaraanan namin ni Trina. Puno ng christmas lights ang magkabilang gilid na hawakan ng hagdan.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon