CHAPTER THIRTY NINE

7.7K 187 24
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nakaupo sa isang rocking chair at nakatanaw sa napakagandang tanawin sa balkonahe ng mansion sa Hacienda Santiago si Rafaela nang may marinig siyang tumawag ng kaniyang pangalan. Isang pamilyar na boses na kaytagal niyang inasam na marinig muli.

"Rafaela. . ."

Pero hindi lumingon ang babae sa kadahilanang baka guni-guni niya lamang ito. Ngunit narinig niya ulit ang malambing at may pagsuyong tinig nito.

"I am so sorry,"

Hindi na nakatiis si Rafaela at tumayo siya sabay dahan-dahang lumingon, hawak nito ang kaniyang malaking tiyan na ikinagulat ng taong ngayon ay nasa kaniyang harapan. Ang taong akala niya ay guni-guni niya lamang.

But it's real.

He is real. . .

Gabriel Mondragon is now in front of her, looking at her with so much emotions in his handsome face.

Hindi alam ni Rafaela ang aksyong gagawin. Ngunit nang magtangkang humakbang papalapit sa gawi niya si Gabriel ay siya namang pag-atras nito.

She's longing for him but not to the extent na gusto niya itong makita ngayon o sa mga susunod pang araw ng buhay niya.

Lalo na sa kalagayan niya ngayon, she doesn't want him to know that she's again pregnant with his child at malapit nang manganak.

She's madly inlove with the man and at the same time she hates him. Magulo ngunit iyon ang nararamdaman ni Rafaela, lalo na ngayong nasa kaniyang harapan na ang lalaki.

"A-anong ginagawa mo rito? You shouldn't be here!" singhal nito kay Gabriel pero hindi nagpatinag ang lalaki sa paghakbang papalapit sa kaniya. At kahit gustuhin mang umatras ni Rafaela ay hindi na maaari dahil ramdam niya na ang hamba ng balkonahe. She's trap and has no idea kung paano siya makakatakas sa presensya ni Gabriel. Isa lang kasi ang entrada at labasan ng balkonaheng iyon at kung dadaan siya roon ay paniguradong mahahawakan at mapipigilan siya ni Gabriel. Kaya nanatili na lamang siya sa kaniyang pwesto habang unti-unting tinatawid ni Gabriel ang pagitan nilang dalawa. Pinapakiramdaman ang mga galaw na gagawin ng babaeng sinisinta na halatang ayaw sa biglaang pagsulpot ng presensya nito sa kaniyang harapan.

"I should be here! We should be here, Raffi. . ." tugon naman nito kay Rafaela.

"Sinong kasama mo?" mahina ngunit rinig naman na tanong nito kay Gabriel.

"Our son, Gabino." Bahagyang nanlaki naman ang mata ni Rafaela sa narinig. Kasama ni Gabriel ang panganay na anak nila. At parang biglang nakaramdam ng excitement si Rafaela na makita ang kaniyang nawalay na anak na lalaki. Ngunit kahit sa sobrang galak niya ay may parte pa rin sa kaniyang isipan at damdamin na bumabagabag. . .

"H-How about. . ." hindi niya matuloy-tuloy na sambitin.

"Hmm?" udyok naman ni Gabriel sa kaniya na ipagpatuloy ang gusto niyang sabihin at malaman.

"S-Si Rowena, kasama niyo ba siya?" mahina, nag-aalangan ngunit matapang na bulalas ni Rafaela. Napansin niya naman ang simpleng pagngiti ni Gabriel kaya napakunot-noo ito.

Natutuwa kasi ang lalaki sa kaniyang nakikitang reaksyon sa mukha ni Rafaela habang naghihintay ng kaniyang kasagutan. Masyado itong okupado ng kaniyang tanong kaya hindi niya napansin na isang hakbang na lang ang pagitan nila ni Gabriel. Na siya namang mabilis nitong inokupa palapit sa babae bago sumagot.

"Annulled na kami ni Rowena, Raffi," tugon nito. Nagulat naman si Rafaela na ilang pulgada na lamang pala ang agwat nila sa isa't isa. Kaya pwersahan niya itong naitulak dala na rin nang pagkakalapit nila at sa naging sagot nito sa kaniya.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon