CHAPTER TWENTY TWO

7.5K 163 28
                                    

Nagising akong wala ng Gabriel Mondragon sa aking tabi. Nagpalinga-linga ako sa paligid, at wala ito sa kahit saan na sulok ng kwarto. Tumayo na lamang ako at kahit masakit pa ang katawan ko ay pinilit kong makapagbihis para makalabas na ako sa kwarto nila ni Rowena.

Pero hindi ko mahanap ang panty at bra ko. . .

"Nasaan na kaya ang mga iyon," bulong ko sa aking sarili habang binabaliktad ko na ang mga unan at kumot nang nakahubo't hubad pa rin. Hawak-hawak ko lang ang damit at shorts ko.

Tutuwad na sana ako to look for it sa ilalim ng kama nang may marinig akong baritonong boses. 

"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong nito na nagpalingon sa akin sa kaniya. 

Nasa CR pala ito at bagong tapos lang maligo, nakatapis lang ang ibabang parte ng kaniyang katawan habang hawak-hawak niya ang bra at panty ko.

Inirapan ko siya nang ngumisi ito at inamoy-amoy ang mga undergarments ko. Damn. Nang-aakit ba siya? Pero shit. . . bakit ang hot at sexy niya sa kaniyang posisyon ngayon, nakasandal lang ito sa hamba ng pintuan ng CR habang tumutulo pa ang tubig mula sa kaniyang buhok hanggang sa eight-pack abs niya. Is he seducing me? Well, it's effective.

Kaya tumayo ako at naglakad papalapit sa kaniya. Oo, confident akong nakahubo't hubad na naglakad papunta sa kaniya. Napansin ko kaagad ang paglolon nito dahil sa paggalaw ng adams apple niya.

Ngumisi naman ako and I seductively looked at him.

"Am I appetizing for you?" malandi kong sambit sa kaniya at nang makalapit ako sa gawi niya ay kaagad kong hinaplos ng aking daliri ang kaniyang mukha, leeg, balikat, dibdib hanggang sa kaniyang abs. Ang sarap niya.

Nanigas naman ito sa kaniyang kinatatayuan kaya kinuha ko iyong chance para makuha sa pagkakahawak niya ang bra at panty ko. At mabilis na pumasok sa banyo pero bago ko pa man siya maitulak paalis sa hamba ng pintuan ay nakapasok na siya sa loob nito. At kaagad isinarado ang pintuan ng banyo.

Tumingin siya sa akin habang iniaalis niya ang pagkakatapis ng tuwalya sa kaniyang beywang.

"Gusto mo pa yata ng round 4, Rafaela." Humakbang pa ito papalapit sa akin, usog naman ako ng usog hanggang maramdaman ko na ang pagdampi ng aking likuran sa malamig na dingding ng banyo.

Nabitawan ko ang hawak-hawak kong damit nang lumapit pa siya sa akin at biglang binuksan niya ang shower na kaagad dumaosdos ang tubig na nagmula rito sa aking katawan. Malamig ang tubig ngunit pinainit ni Gabriel ang aking katawan nang hinalikan niya ako sa aking labi at leeg habang hinaplos at ipinasok niya ang kaniyang dalawang daliri sa aking namamasa ng pwerta.

"Ohh. . ." ungol ko at napakapit na ako sa kaniyang leeg nang bigla niyang itinaas ang isa kong paa habang inalalayan ng isa niyang kamay ang kaniyang pagkalalaki papasok sa aking butas.

Mabilis ang kaniyang ginawang paglabas-masok sa akin habang hinahalikan ang aking leeg. Nakayakap lang ako sa kaniyang leeg, ang free hand niya naman ay ginamit niya upang himasin at pisil-pisilin ang aking mga dibdib na kanina pa umaalog dahil sa mabilis na paggalaw ni Gabriel, in and out sa aking pwerta.

"Ang sikip mo pa rin, Rafaela. . . hmm!" ungol na sambit niya at mas mabilis pang gumalaw na tila may hinahabol na kung ano man. Naramdaman ko namang lalabasan na ako kaya mas napakapit ako sa kaniyang leeg at hinalikan siya, pinasok ko ang aking dila sa kaniyang bibig na hinayaan niya namang mag-espadahan ang aming mga dila sa loob ng bibig ng isa't-isa. Sinasalubong ko na rin ang bawat paglabas-masok niya kaya mas napapadiin sa loob ko ang kaniyang pagkalalaki.

Gusto kong labasan siya sa loob ko dahil kagabi ay sa labas niya lahat inilabas ang similya niya. Iba kasi ang pakiramdam kung sa loob ko siya nagpapasabog, I feel loved and valuable. Para kasi akong puta niya kapag naglalabas siya sa bandang tiyan ko o sa mga hita ko. At hindi ako papayag sa ganon, ayaw kong mas ipababa ko pa ang tingin ko sa sarili ko. 

Ilang pag-ulos niya pa ay nilabasan na kaming pareho, at sa loob ko siya nagpasabog dahil bago niya pa man mahugot ang kaniya ay niyakap ko na siya ng mahigpit habang hawak niya pa rin ang kanang paa ko.

Naramdaman ko ang pagpatong ng kaniyang ulo sa aking leeg.

"Hindi ka naman mabubuntis, ano?" bulong nito na nagpatigil sa akin sandali.

"Hindi ko sigurado. . ." sagot ko. Naramdaman ko ang kaniyang pagbuntonghininga.

"You should take pills. Ayaw kong mabuntis ka ulit." At parang binagsakan ako ng langit at lupa dahil sa mga binitiwan niyang salita.

"P-paano kung mabuntis ako?" matapang kong tanong.

"Sabihin mo kaagad sa akin para maipatanggal natin. . ."

Anong sabi niya? Pumantig naman ang ugat sa ulo ko dahil sa mga kagaguhang sinabi niyang iyon. Kaya tinulak ko siya kahit magkaisa pa ang aming mga katawan, mabilis naman itong natanggal dahil nakaraos naman na kaming pareho. Dinampot ko ang mga damit ko at kaagad lumabas ng banyo.

Kinuha ko naman ang t-shirt niyang nakapatong sa kama at isinuot ito bago lumabas ng kwarto nila ni Rowena.

Mabuti na lamang at magkaharap lang ang kwartong uukupahan ko at ang kwarto nila. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay isinarado ko kaagad ito. At napaupo sa sahig, napayakap sa aking mga tuhod.

Bigla akong naawa sa sarili ko. . . lalong-lalo na sa anak kong babae dahil never siyang matatanggap ng tatay niya.

Ayaw na ni Gabriel magkaanak pa sa akin maliban kay Gabino.

Dapat pala tumakas na lang ako noon kasama si Gabino. Sana mas naging ina ako at inilayo na lamang siya sa tatay niya. Eh di sana hindi na ako ngayon bumalik pa sa buhay ni Gabriel Mondragon para makilala ako ni Gabino.

'Everything happens for a reason, Rafaela! Kung hindi nangyari ang mga nangyari noon, sa tingin mo magkakaroon ka pa ba ng isang anak na babae. . . Gabriella is a sweet girl. Kaya lahat nangyayari dahil may dahilan. Good or bad. Lumayo ka na kay Gabriel hangga't kaya mo pa. . .' bulong naman ng aking konsensya.

Oo nga, I already have Gabriella, bakit ko pa ba hinangad mapalapit pa ulit sa anak kong lalaki?

Kung kinuha lang sana siya kaagad ni Gabriel noon pagkasilang ko sa kaniya, hindi na sana ako humantong sa ganito. Hindi na sana ako napalapit kay Gabino, hindi ko na sana siya nabigyan ng pangalan at minahal ng sobra-sobra. Mas madali pa sanang matanggap na mawalay siya sa akin kung hindi ko na nasilayan at naalagan siya noon bago ko siya iniwan kay Gabriel.

Kasalanan itong lahat ni Gabriel, hindi siya sumunod sa napag-usapan. Pinaalagan niya sa akin ang bata ng halos isang buwan. Kaya hindi niya ako masisisi kung bakit bumalik ako sa mga buhay nila para makihati kay Rowena sa pagiging ina ni Gabino. Napamahal sa akin ang bata na kahit lumipas pa ang ilang taon ay hindi ako makapag-move on sa pag-iwan ko sa kaniya ng basta-basta lang.

At dahil sa pakiramdam na laging bumabagabag sa akin bilang isang ina na iniwan ang anak, kung kaya't pinili kong makapasok muli sa mga buhay ng mga Mondragon noong nagkaroon ako ng pagkakataon. Para malaman ko kung maganda ba ang pakikitungo ni Rowena sa kaniya, at hindi ako nagkamaling iniwan ko siya kapalit ng perang ibinayad ni Gabriel sa akin.

Mabait si Rowena, at mahal na mahal niya ang anak ko na parang sa kaniya nanggaling ito.

Tama nga yata si Trina, hindi na dapat ako nakigulong muli sa mga buhay nila. I already have Gabriella pero hindi pa rin ako nakuntento. Inasam ko pa ring mahagkan si Gabino.

At mukhang hinding-hindi na talaga ako makukuntento pa dahil kahit nagagalit ako sa pagiging gago ni Gabriel Mondragon ay parang gusto ko pa ring manatili sa mga buhay nila, sa tabi niya at ng anak ko.

And use my unrestricted desires to be with my son to stay as Gabriel's mistress.

************************


MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon