CHAPTER THIRTY SEVEN

6.9K 192 50
                                    

ROWENA'S POV

"Rowena?" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako nang mapagsino ko ito.

"Doc Evangeline, nice seeing you here," balik na bati ko sa kaniya.

"Kumusta ka na?" tanong niya.

"Ito, doing fine. Feeling good." Napangiti naman siya sa naging sagot ko.

"Ano nga pala ang pinunta mo rito sa Hospital?" Nagkibit-balikat lang ako.

"Visiting a friend. . ." simpleng sagot ko.

Niyaya niya naman akong magkape sa cafeteria ng Hospital.

I am sipping my coffee nang magtanong siya, "Balita ko hiwalay na kayo ni Gabriel Mondragon." Ngumiti lang ako at tumango.

"I never thought that to happen between the two of you," sambit nito at napailing.

"Ako rin, hindi ko inakalang hindi na pala ako ang mahal niya. Nagpakampante akong hindi niya ako ipagpapalit sa iba. But then, I even saw them having sex," parang wala na lamang na kwento ko.

Napatutop siya sa kaniyang bibig. . . Doc Evangeline is also a victim of infidelity of her husband. Unlike me nga lang na hindi alam ng publiko na ang dahilan kung kaya't nasira ang relasyon namin ni Gabriel ay dahil may kabit siyang mahal na mahal niya.

"Kinasuhan mo ba?" tanong niya na inilingan ko lang bilang sagot.

"What? Dapat pinakulong mo sila ng kerida niya, Rowena! Have you heard about me and Conrad? Kinasuhan ko siya at ang kerida niya," may pait pa ring sambit nito. Ramdam ko ang panghihinayang at paghihinagpis niya sa pagtatapos ng kasal nila ni Judge Conrad. But then things happened and it depends to us on how to handle and take care of it.

Napabuntonghininga naman ako bago magsalita.

"Iyon ang naging desisyon mo to save yourself from drowning in so much pain, when your husband decided to cheat on you. And this is mine, Doc Evangeline. . . my way of saving myself from deeper wounds in my heart, mind and soul."

Napansin ko ang pagsinghap niya dahil sa sinabi ko pero nanatili siyang tahimik at hinihintay ang mga sasabihin ko pa.

"Ayoko kasing dumating pa ako sa puntong magmakaawa ako para manatili siya sa akin kung saang alam ko namang wala ng pag-asa ang kami. Our relationship, our marriage is already dying, and staying won't save it. It will just kill us both, hanggang wala ng matira sa amin, sa akin. That's why I decided and chose to let go of him, to free him from this suffocating bond with me."
Hindi ko pa rin mapigilang mapaluha habang naiisip ko ang pinagdaanan ko sa relasyon namin ni Gabriel. May sugat at hapdi pa rin but I am already healing, I guess.

"He loves Rafaela so much; I can see it every second, minutes of every day na magkasama kami, at sobrang sakit. Sobrang sakit na halos gusto kong magpakamatay, just end my life together with our wedding vows na mamahalin namin ang isa't-isa sa hirap at ginhawa." Naramdaman ko ang pag-abot at paghawak ni Doc Evangeline sa kamay kong nakapatong sa mesa. She squeezes it, telling me that she understands what I am trying to tell her and what I am feeling, right now.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon