CHAPTER NINE

8.1K 159 14
                                    

"I am free this weekend..." biglang sambit ni Gabriel na ikinatingin ko sa kaniya.

Andirito kami sa hapag-kainan, kumakain ng agahan. Napatingin naman ako sa kalendaryo ng aking cellphone... Friday pala ngayon, at halos isang linggo na kaming magkasama ni Gabriel, at magiging huling linggo na naming malayang magkasama next week dahil uuwi na rin ang asawa niya sa susunod na lunes. Tumunghay naman ako sa kaniya at ngumiti dahil nakatingin na ito sa akin at mukhang hinihintay ang magiging pagtugon ko sa sinabi niya.

Ano bang gusto niyang sabihin ko?

"Then that's great, pwede kang mag-two days vacation sa isang magandang lugar," suhestiyon ko naman sa kaniya. At pinokus muli ang atensyon ko sa pagkain ko.

"Tama ka, we should travel out of town this weekend," sambit nito na ikinakunot-noo ko naman.

"W-what?" hindi makapaniwalang tugon ko.

Ano na naman bang gusto niyang mangyari ngayon?

"One of my cousins, owned a private island. Pwede tayo roon," parang wala lang na sambit nito sa akin, na parang asawa niya akong nagpa-plano ng isang napakasayang bakasyon sa isang magandang paraiso, filled with love and promises, at hindi kailangang mag-isip ng kung ano man basta't magkasama lang kaming dalawa.

"Ano bang pinagsasabi mo, Gabriel! Adik ka ba?" bulalas ko at napatayo na sa sobrang pagkairita sa kaniya at sa mga gusto niyang mangyari. Nanatili lang itong nakaupo at ngumunguya habang nakatingin lang din ito sa akin na parang sinasabing, ano ba ang ikinaiinis ko.

"Bakit ba? Wala naman akong nakikitang masama na umalis tayo this weekend. Iniisip mo bang baka may makakita at isiping may relasyon tayo?" kalmado lang nitong sagot sa akin.

"So hindi mo iniisip na parang ganoon na nga ang ginagawa natin ngayon?" balik-tanong ko naman sa kaniya. Ngumisi lang ito at napailing bago niya ako muling tinignan at nagsalita.

"Hindi. Dahil gusto ko lang punan ang responsibilidad ko sa magiging anak ko at iyon ay alagaan ka habang pinagbubuntis mo siya," bigay paliwanag nito na parang iyon na ang pinakatama at justifiable na sagot sa lahat. Justifiable to say na tama at legal itong aming ginagawa, na walang dapat ikaramdam ng guilt.

"At ano sa tingin mo ang iisipin ng mga nakakakilala sa 'yo kapag nakita nila tayong magkasama, without your wife's knowledge about our situation?" At doon na siya napabitaw sa pagkakahawak sa kutsara niya at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi bago uminom ng tubig. Inayos ang sarili at dinampot ang kaniyang suitcase.

"Huwag mo na ngang isipin iyon, Rafaela... walang makakaalam at walang magsusumbong kay Rowena, okay? So just keep calm and ready yourself for a two days trip. Aalis tayo mamayang gabi," may pinalidad na sambit at utos nito sa akin bago niya ako talikuran.

Ngunit bago pa man ito humakbang palabas ng dining area ay nagsalita ako... "Hindi na ba ako pwedeng humindi, umayaw na sumama sa 'yo?" hopeful kong tanong na nawa'y maintindihan niya ang gusto kong iparating. Lumingon naman ito at seryosong tumingin sa akin.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon