CHAPTER THIRTY EIGHT

7.3K 189 27
                                    

"Fernando!" sigaw ko. Napatayo ako at akmang lalapit sa kaniya nang lumabas ang Pediatrician ni Gabino at niyakap siya.

"Babe, you are here." At hinalikan niya si Fernando sa labi. Bahagyang nanlaki ang mata ko sa nasaksihan. Kahit si Gabriel ay makikitaan nang pagkagulat.

Nakangiti namang humarap muli si Fernando sa amin habang nakayakap ang kamay nito sa beywang ni Doktora Lopez.

"Ah guys, meet my fiancee, Dr. Helena Lopez," pakilala nito sa babae na doktor ni Gabino.

Napatikhim naman ang doktora at umayos ng tindig. Back to her usual professionalism.

"So, babe. Diyan ka muna, tatapusin ko lang ang pagche-check sa anak ni Mr. Mondragon," sambit ni Doktora. Naupo naman sa aming harapan si Fernando. Ang dami kong tanong at alam kong visible iyon sa aming mukha ni Gabriel.

Ngumiti ito at tumikhim.

"Balita ko, naghiwalay na kayo?" Ito ang unang nagbukas ng usapan. Kaya ngumiti lang din ako at tumango.

"Yeah, four months ago. . ." ako na ang sumagot in behalf of the two of us ni Gabriel.

"Anong nangyari kay Gabino?" tanong nitong muli.

"High fever," maikling sagot naman ni Gabriel. Ramdam ko ang pagtatansyahan nila ng tingin ni Fernando. Nanatili lang na seryoso si Gabriel while Fernando is still wearing his mischievous smile.

"Paniguradong malulungkot si Raffi kapag nalaman niyang nagkakasakit ang bata," wika nito na ikinaismid ni Gabriel.

"Hindi niya na kailangang malaman, I can take care of my son," sambit naman ni Gabriel kahit hindi naman hinihingi ni Fernando ang opinyon niya. Napatikhim na ako to clear the eerie feeling between them.

"Hindi natuloy ang kasal ninyo?" deretsahang bitiw ko ng katanungang kanina pa tumatakbo sa aking isipan simula nang sumulpot si Fernando sa aming harapan.

Umiling ito.

"Rafaela call off our supposedly wedding the same day na andoroon kayo. Pagkaalis ng sasakyan niyo ay kinausap niya ako, walang patumpik-tumpik niyang sinabing hindi niya talaga kaya to marry someone she doesn't love, dahil kung kaya niya lang daw sana, noon palang ginawa niya na at hindi sana siya nakasira ng relasyon at hindi siya nagmahal sa isang taong kasal na,  well, alam ko naman na sa umpisa palang ayaw niya talagang magpakasal sa akin. . . ako lang talaga ang namilit sa kaniya and pressured her to marry me for having no other choice that time but to just marry me. For Gabriella and the unborn child," salaysay nito.

Pero napakunot-noo ako sa sinabi nitong 'For Gabriella and the unborn child.'

Napabuntonghininga ako, sinulyapan ang reaksyon ni Gabriel sa isiniwalat ni Fernando.

"Rafaela is pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"She is 2 weeks pregnant the time na binisita niyo siya, and of course, hindi ako ang ama. Raffi only loves one man and it's not me," sagot ni Fernando sa akin sabay nanguuyam na tumingin kay Gabriel. I heard him sigh.

Magsasalita na sana ako nang binuksan na ni Dr. Lopez ang kurtinang nakatabing, at nakita na namin si Gabino na mahimbing na natutulog sa hospital bed, may nakalagay lang na dextrose rito. Kaya napatayo naman kaagad si Gabriel at lumapit sa bata.

"He is now okay, lagnat laki lamang ang nararanasan ni Baby Gabino, it's a natural thing pero mas maganda yatang maalagaan siya ng kaniyang ina, haplos at presensya lamang ng mama niya ay paniguradong gagaling na ang bata," nakangiting sambit nito and mischievously wink at us ni Fernando. And I get it, she already knows something at alam kong naririnig niya rin ang pag-uusap naming tatlo kanina. And she sounded like a fairy Godmother to me while saying things na magu-udyok kay Gabriel na puntahan at suyuin si Rafaela this instant for their kids and for the both of them.

Gusto ko sanang magalit sa mga pagkakataong binibigay para kay Rafaela at Gabriel dahil hindi naman mawawaglit sa akin na hanggang ngayon it still hurts. Masakit pa rin sa kalooban ko na my supposedly happy ending also just come to an end so easily. 

Napabuntonghining ako kasabay nang pag-alala ko kung paano kami nauwi ni Gabriel sa hiwalayan, four months ago. . .

Nakita ko ang pag-uusap nila Gabriel at Rafaela. I saw how Gabriel caress the chubby cute face of the daughter of Raffi. Pero nasaksihan ko rin ang pagtulo ng luha ni Rafaela habang buhat at yakap ang kaniyang anak na pinagmamasdan ang pagtalikod sa kaniya ng asawa ko.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking kaliwang mata bago pa man ito mapansin ni Gabriel. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak sa senaryong iyon na ang ibig sabihin lang ay tinatalikuran na ng asawa ko ang kerida niya.

Ramdam ko ang galit, poot, at hinagpis ni Gabriel nang pumasok siya sa loob ng sasakyan namin. Pinaharorot niya ito palabas ng Hacienda Santiago. Hindi ko sigurado kung para kanino ang mga emosyong inilalabas niya. Kung sa akin ba, kay Fernando, kay Rafaela, o sa sarili niya. Nakikita ko rin ang mahigpit na paghawak niya sa manubela. He's in deep pain and I can clearly see  and feel it.

Walang naglakas loob na magsalita sa aming dalawa hanggang makarating kami nang Maynila. Ang dalawa at kalahating oras na byahe namin ay parang naging ilang sandali lang.

Pinarada niya ang sasakyan sa garahe at walang lingon likod na lumabas ng sasakyan at pumasok ng bahay. Parang sobrang okupado ang isipan niya na nakalimutan na niyang may kasama siya at kami iyon ng anak niya. Naiwan kami ni Gabino sa loob ng sasakyan, yakap ko siya habang mahimbing siyang natutulog.

I am staring at him. . . I kissed his forehead.

My ace card. . . hindi ko na siya kailangan pang-gamitin.

Sapat na ang mga nasaksihan ko to accept defeat.

Ruining Rafaela and Gabriel's happily ever after will still cost damage to me, it will not save our marriage, it will not save me. Ang alisin si Rafaela sa buhay ng asawa ko ay siya ring pighati para sa akin.

Because no matter what, Gabriel is still willing to file an annulment. Not just to be with Rafaela but also for me, he still cares for me, I can feel it. He is trying to save me for feeling so much pain being with him. . . saving me not to be imprisoned in the darkness forever.

And that's why I have to help him to save me. Save me from dying because of loving him.

It's the least I can do for myself, 

 *********

Kwenento niya sa akin ang lahat ng kailangan kong malaman. . . kung paano niya nakilala si Rafaela at kung paano nagsimula ang lahat sa kanila.

and to sum it all up. . . 

It just started to an unrestricted desires he felt for her.

Dahil sa hindi niya napigilang pagnanasa para sa babae, inamin niya ring he already decided to end our relationship noon pa lang, bago pa pumasok si Gabino sa mga buhay namin ay plinano niya nang makipaghiwalay pero hindi niya nagawa dahil nasa Amerika kami noon to attend my father's funeral. Ayaw niyang dagdagan ang pighating nararamdaman ko.

Last day ng hearing for our annulment, kinausap niya ulit ako. And I can still remember the exact words he said that day. . .

"Pinigilan ko, I tried hard not to fall for her, Rowena. But it's consuming me every second of every day since the day I got to meet her, lalo na nang ginawa namin si Gabino. Everynight it's haunting me. Akala ko noon, I just felt responsible for defiling her purity, pero hindi pala. . . dahil ang totoo ay may kakaibang damdamin na palang umuusbong  sa aking kalooban para sa kaniya na kaya kong isakripisyo ang dignidad ko bilang one woman man para makasama ko lang siya. And I am telling this to you not to hurt you but because you need it to know to understand why we need to end our marriage. I am no good for you, and even for Rafaela. I am an angel casts in hell. . . that's why I wanted you to be free from me. You deserve much better than me. And I am so sorry for not fulfilling the wedding vows I promised you before. I am sorry for not being the man you always dreamed to have. I failed you, Rowena, I failed our family, I failed our marriage and I failed myself. . ." 

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon