CHAPTER TWENTY SEVEN

7.2K 173 16
                                    

Tumugon ako sa mga halik niya na tila isang taon naming hindi nakita at nakasama ang isa't-isa.

Nang huhubarin niya na sana ang damit ko ay siya namang pigil ko sa kaniya dahil naka-swero pa ako, hindi pa kasi nauubos ang dextrose ko.

Ayaw niyang magpapigil sa kakahalik sa leeg at labi ko, he even inserted his hands inside my blouse to reach and touch my bare mounds. Napaungol ako. Napatingin naman siya sa akin.

"Your dextrose is already empty." makabuluhang sambit nito. Napakunot-noo naman akong napatingin sa dextrose kong nakasabit sa isang stand sa tabi ng higaan ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya, nakita ko ang pagngisi niya sabay ayos nang pagkakaupo sa tabi ng kama at abot ng kamay ko na may swero.

"Can you do it?" tanong ko dahil plano nga niya yatang tanggalin na ang swerong nakatusok sa kamay ko.

"Of course. Pumasok ako sa military before, at tinuruan kami ng basic first aiding," sambit niya na ikinibit-balikat ko na lang. Hinayaan at tinitignan ko na lang siya sa kaniyang ginagawa.

Ipinatong niya sa kaniyang binti ang kamay ko at pokus niya namang tinatanggal ang surgical tape na nakalagay sa bandang tinusok ng karayom. Marahan niyang kinukuha sa pagkakatusok sa kamay ko ang swero, hindi ko naman maiwasang kiligin sa gesture na kaniyang ginagawa dahil habang tinatanggal niya iyon ay sabay hinihipan niya ito para siguro mawala ang hapding nararamdaman ko.

"There, done. We can-"

"Anong we can ka riyan. We need to talk." Pigil ko pa sa sasabihin niya pa.

Inayos niya naman sa isang tabi ang walang lamang dextrose at swero. At muling umupo sa gilid ng kama.

"Oo nga, ano bang sabi ko? We can talk, I am about to say." Ngumisi naman ito at inabot ang kamay ko, hinawakan niya ito at hinaplos ng marahan.

Bakit parang kinikilig ako sa gesture na ginagawa niya. Ayts.

"Hindi ka na dapat pumunta rito ng ganitong oras," sambit ko. Nakita ko kung paano nagsalubong ang mga kilay niya.

"I am just visiting the person I saved this morning, masama ba iyon?" tugon niya naman.

Oo nga pala, siya ang nagligtas sa akin.

"T-thank you pala. . ." tanging nasabi ko lang.

"Mukhang napipilitan ka lang magpasalamat, bakit? Na-disappoint ka ba na hindi ang Fernando na iyon ang nag-CPR sa'yo at nag-pump ng dibdib mo to revive you?" may iritasyon sa boses nitong sagot sa akin.

"Hindi naman sa ganoon, Gab. I am still just overwhelmed sa nalaman ko. Thank you for saving me, sobrang nasiyahan nga ako nang malaman ko na ikaw pala iyon eh." Ngumiti ako ng abot-taenga at yumakap sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking leeg. He kissed me there na nagpahigpit ng pagkapit ko sa kaniya.

Dinilaan niya ang parteng iyon at kinagat. Napaungol ako.

"G-Gab! Baka may pumasok dito," sambit ko pero hindi ko siya maitulak palayo sa kadahilanang gusto ko rin talaga ng nangyayari sa aming dalawa ngayon.

"Who? That bastard, Fernando?" may pait at inis sa himig nito.

"At ano na naman ang kinalaman ni Fernando rito?" tanong ko, napasinghap ako ng marahan niyang kagatin ang taenga ko. At hinalikan ako sa aking labi.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon