CHAPTER THIRTY

6.9K 173 12
                                    

"You are already planning to be with me, 6 years ago. . ." nasabi ko na lamang sa mahinang tinig pero sapat na para marinig niya iyon.

"-But you left me there. Pagkagising ko ng umaga ay wala ka na, iniwan mo ako, Raffi at ang anak natin," dugtong niya na nagpatulo ng luha ko.

Hindi ko mapigilang mapaluha dahil kung noon palang sana naayos na ang lahat ng ito, hindi na sana kami aabot sa puntong maging kabit niya ako at makasakit kami ng mabuting tao. Pero may hindi pa rin ako maintindihan.

"Sinabi mo noon, kukunin mo na ang anak natin dahil naghihintay na si Rowena na mahagkan ang baby. And you even said na gusto mo lang makipag-sex sa akin that night para ilabas ang lahat ng pagnanasang meron ka sa akin. Alam mo naman siguro ang naging dating ng mga sinabi mong iyon noon sa akin. Kaya hindi mo ako masisising iwan ka-" Napayuko ako at mahinang humihikbi nang biglang may bisig na yumakap sa akin. Umiyak ako sa dibdib niya habang mahigpit niya lang akong yakap.

"Sorry, I am so sorry, Rafaela. I've been a stupid weak jerk that time." Hinalikan niya ako sa aking ulo. Umiiyak lang ako.

"Babawiin ko naman sana iyon pagkagising natin pero wala ka na. Kaya umuwi na lang kami ng anak natin sa bahay namin ni Rowena. And the time passes by. . . I tried looking for you ngunit sa tuwing mahahanap na kita ay siya namang pasok ng mga problema sa pamilya nila Rowena. Hanggang nakita ko ang pagmamahal niya sa anak natin, she's a good mother at iyon ang naging tanging rason ko para bumitaw na sa'yo at magsimulang muli kasama ang asawa ko. Our baby saves my marriage with her," mahabang paliwanag niya. And it hurts. . . pinilit kong kumuwala sa pagkakayakap niya. Alam ko na ang kakahantungan ng pag-uusap na ito.

Wala na ring saysay pag-usapan at ibalik pa ang nakaraan. Nangyari na ang mga nangyari. Iyon na rin siguro ang itinakda ng tadhana para sa aming dalawa.

"Kaya ba pinili mong maging kabit na lang ako?" tanong ko.

Tumayo ako at pinulot ang mga saplot kong nakakalat sa sahig at isa-isang isinuot iyon.

"No. That's not it. Dala lang ng sama ng loob ko iyon sa'yo. . . hindi ko iyon ginusto pero iyon lang ang tanging paraan para makasama kita, to be my mistress. And I never thought na papayag ka at hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng mga oras na iyon."

Umiling ako. I can't take this anymore.

"Let's just stop this."  I turn my back at him at mabilis na lumabas ng tree house.

"Rafaela! Wait. . ." Iyon lang ang huling narinig ko mula sa kaniya, bago ako kumaripas ng takbo pabalik ng bahay. Magu-umaga na pala. Paniguradong gising na silang lahat.

*****************

ROWENA'S POV

"Raffi," tawag-pansin ko kay Rafaela. Nakatulala lang ito, she doesn't look okay. Para siyang walang tulog at umiyak magdamag.

Lumapit ako sa kaniya. Andirito kami sa beachfront kung saan sine-setup ang venue ng kaarawan ni Gaby.

"Magpahinga ka na lang muna, Rafaela." Napatingala naman ito sa akin.

"No. I want to help for the preparation." At sinimulan na naman niya ang pagpo-food carving. Infairness, she has a talent. Ang gaganda ng mga ginagawa niya.

"O-okay, basta okay ka lang ha?" paninigurado ko. At bumalik na lamang sa ginagawa ko kanina.

Buong araw kaming busy lahat sa pag-aayos ng birthday celebration ni Gabino. And everything is ready for the party, tomorrow. Dumadating na rin ang mga kamag-anak namin ni Gabriel, ang iba naka-yacht at ang iba naka-helicopter ride. At isa na roon sina Engr. Primotivo Alarcon, Avianna Alejandro and their kids.

Nasa kusina ako, monitoring the list of foods to be serve tomorrow nang lumapit si Jasmine sa akin, my assistant at the same time also my dearest friend na lagi kong kasama.

"Wena," tawag niya sa pangalan ko. I smile at her.

"Hmm? Alam mo, Jas. . . I am already excited for Gabino's birthday celebration," bulalas ko na mahihimigan ng kasiyahan ang aking boses. Ngumiti lang ng bahagya si Jasmine, she looks bothered.

"What is it, Jasmine?" dugtong na tanong ko sa kaniya.

"Nah, I will just tell you when we go back to Manila. Anyway, I don't want to spoil the occasion tomorrow," sambit niya at mabilis na tumalikod sa akin, avoiding me to asks for more details sa dapat sasabihin niya. Napailing na lang ako at napabuntonghininga. Ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko.

Everything should be perfect tomorrow. I want the best for my son.

****************

AVIANNA'S POV

"Nasaan na kaya ang lalaking iyon!" kausap ko sa sarili ko.

I am looking for Primo, nakakainis! Kanina pa siya missing in action sa paningin ko. Napatulog ko na ang mga bata ngunit wala pa ring Primotivo Alarcon na pumasok sa kwarto namin.

Dis oras na ng gabi, saan naman kaya nagsuot ang panget na iyon!

Bumaba ako sa sala kung saan gising pa rin ang halos lahat ng nag-aasikaso para sa kaarawan ng inaanak namin ni Primo na si Baby Gabino. And I saw Rowena, she is so dedicated to make all the things to be perfect for tomorrow's celebration of her son's birthday. Napangiti ako, Gabriel is a lucky bastard to have her as his wife and the mother of his child.

Hmm. Masasampal ko na lamang si Gabriel kapag sinaktan niya pa ang asawa niya! Anyway, Primo told me that his dearest cousin is a good man, a "one woman man" they all say. Oh well, I once see it too, kung gaano kabuting asawa si Gabriel Mondragon, not leaving his wife despite of all the issues and corruptions involving Rowena's family means that he really loves her that much.

Palabas na ako ng bahay, baka kasi nasa beachfront si Primo nang makasalubong ko si Raffi, Rafaela Santiago. I smile at her and she smiles back at me.

"Ahh, where are you going, Avi?" tanong niya bago pa man ako makalampas sa kaniya.

"I am looking for Primo," maikling tugon ko lang.

Napatingin ako sa mukha niya, she looks bothered.

So I hug her. I know she needs this, right now. She is also my friend, hindi man kami close but I owe her something that I will always be thankful for.

She is crying on my shoulder. Kaya inakay ko siya sa isang upuan sa labas ng bahay. We sit there. Nakatingala lang siya sa madilim na kalangitan kung saan nagkikislapang mga bituin lang ang matatanaw.

"So how's Gabriella? Prima misses her," bungad ko. Napatingin siya sa akin at ngumiti, a genuine smile na nakikita ko lang sa kaniya kapag nababanggit ko ang pangalan ng anak niya.

Hmm. I know that Rafaela has a daughter.

"I don't know, Avi. Isang buwan ko ng hindi nakikita ang anak ko. But thank you for asking about her, it reminds me that I still have her to be the reason for me to stop all of this." Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

"Is this about her father?" I can't stop myself but to ask about it.

"It's okay-" Naputol ang dapat sasabihin ko pa na okay lang hindi niya ako sagutin nang magsalita siya na ikinagulat ko.

"Hmm. Gabriel Mondragon," mahina pero may kabang bulalas niya. Napayuko siya.

"What are you saying, Raffi?" Nakakuyom ang palad ko habang naghihintay ng sagot niya.

"He is the father. Also, Gabino. . ."  The fuck? Hindi ako makapagsalita.

I want to slap her as a friend!

So I did.

"Hmm. I deserve that," tanging nasambit niya lang.


MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon