CHAPTER FIFTEEN

7.5K 189 24
                                    

THIRD PERSON'S POV

6 years later. . .

"I want you to meet, our new cover model this August, Miss Rafaela Santiago, my dearest friend from New York City," pakilala ni Rowena Mondragon sa sopistikada, ubod ng ganda at seksing babaeng kaniyang katabi.

Halos mamangha ang lahat, mapa-babae at lalaki sa taglay na kakaibang ganda nito, wala itong masyadong kolorete sa mukha ngunit para siyang isang manyika na kay kinis at puti ng balat.

Wala kang makikita o mapupunang kahit na anong mali sa kaniyang mukha at katawan, no flaws but pure perfection.

"Ang ganda naman niya,"

"Paniguradong magiging mabenta na naman ang mga magazines natin dahil sa kanya,"

"Mukha siyang purong banyaga. . ."

Iilan lang iyan sa mga maririnig na komento at reaksyon ng mga tao sa Elite Magazine Company ni Rowena kay Rafaela Santiago, a rising model in the fashion industry.

Pinulupot naman ni Rowena ang kaniyang kamay sa braso ni Rafaela na tila ay makikitaan mo ng closeness ang dalawa.

"Isn't she gorgeous?" sambit pa nito na tinanguan at nginitian naman ng kaniyang mga staffs bilang pagsang-ayon. Kaya siniko naman siya ng marahan ni Rafaela upang ipahiwatig dito na tama na ang mga pagpuri sa kaniya dahil naiilang na siya. At dahil masaya si Rowena na maipakilala na ito sa lahat kung kaya't hindi niya na rin masuway ang kaibigan. Ngumiti na lamang si Rafaela upang hindi makaramdam ng ilang ang ibang staffs sa kaniya.

"And actually, Raffi is also a Filipino. . . kaya feel free to talk to her in Tagalog," imporma pa ni Rowena sa mga ito.

*************

Inanyayahan ni Rowena na kumain sa labas si Rafaela pagkatapos siya nitong maipakilala sa Elite Magazine Company.

Nasa isang sikat at mamahaling restaurant na sila at tahimik na kumakain nang biglang may tumawag kay Rowena na isang poging batang lalaki na may kasamang tagapangalaga nito.

Sa tantsa ni Rafaela sa bata ay nasa pitong taong gulang na ito.

"Mommy!" Lumapit ito sa pwesto nila Rowena at hinagkan naman nito ang kaniyang anak. Bigla namang napahawak ng mahigpit si Rafaela sa kaniyang hawak na kubyertos habang walang emosyong nakatingin sa mag-ina.

"Anak ko. . ." bulong ni Rafaela sa kaniyang sarili.

"Ah Raffi, meet my only son, Gabino Mondragon," nakangiting pakilala naman ni Rowena sa kaniyang anak. Napakurap naman si Rafaela nang tumingin sa gawi niya ang batang lalaki at ngumiti.

"Who is she, Mommy?" tanong nito kay Rowena na ikinangiti naman ng isa.

"She is Tita Rafaela Santiago, Gabby. . . Mommy's dearest friend." Lumapit naman ang bata kay Rafaela at walang pasabing sumukbit sa leeg nito para mayakap siya. Halos hindi makagalaw si Rafaela dahil sa ginawa ng bata.

"You are really pretty, Tita Rafaela, can you also be my mom?" sambit ng bata sabay halik sa pisngi ni Rafaela.

Napatawa naman si Rowena dahil sa inakto ng kaniyang anak. Habang hindi alam ni Rafaela ang isasagot sa bata.

"Halika nga rito, Gabby. Tita Raffi is still single, you can't just call her your Mom too, at baka akalain ng mga kalalakihang nagkakandarapa sa kaniya ay pamilyado na siyang tao." Nakita naman nina Rowena at Rafaela ang pagdaan ng lungkot sa mukha ni Baby Gabby.

Kaya napailing na lamang si Rafaela at ngumiti ng alanganin kay Rowena.

"Pasensya ka na, Raffi. Sobrang nagandahan ata sa'yo ang anak ko kaya gusto ka niyang maging nanay," dugtong pang sambit ni Rowena sabay tawa ng mahina.

"I-it's okay, Wena. Y-your kid can also call me Mom. . . if he really wants," suhestiyon at pagpayag naman ni Rafaela kaya biglang sumilay ang saya sa mukha ng anak ni Rowena at muling niyakap ng kay higpit si Raffi. Kahit gusto man na yakapin ni Rafaela ang bata ay pinipigilan niya ang kaniyang sarili dahil hindi maaaring mahulog ang loob niya sa bata, magkakagulo lang kapag pinadaig na naman niya ang kaniyang emosyon.

Ngunit siya ang nagluwal at nag-alaga ng ilang linggo sa batang ito. At siya ang dahilan kung bakit niya tinanggap ang alok ni Rowena na maging modelo ng kaniyang Magazine for the August issue ay para makilala at mapalapit sa bata kahit sa sandaling panahon lang.

Napatingin naman si Rafaela kay Rowena na ngayon ay masayang nakatingin sa kanila ni Gabino. Rowena smiled and mouthed "Thank you" to Rafaela.

Naisip naman ni Rafaela na nagpapasalamat siguro ito dahil sa pagsakay sa mga kagustuhan ng kaniyang nag-iisang anak na lalaki upang hindi maging malungkot ang bata, kaya ngumiti na lang din siya.

Pero deep inside she is really happy to see and hug the boy.

************

RAFAELA'S POV

"It's been 6 years, Trina," paunang turan ko kay Trina sa telepono at napabuntonghininga.

Andirito na ako sa condo na kinuha ni Rowena para sa akin, na ayaw ko sanang tanggapin ngunit as part of one of my privileges bilang isa sa kaniyang modelo ay wala akong ibang choice kundi tanggapin ito.

Nakatayo lang ako sa may balkonahe habang tinatanaw ang buong syudad ng Maynila.

It's been 6 years at parang kahapon lang nangyari ang lahat.

"Gaga ka! I told you, you can refuse Rowena Mondragon's offer, pero dahil kalahating gaga ka, pumayag ka. Bakit Raffi? Bakit ka pumayag na magtrabaho sa isang Mondragon and to think sa asawa pa ni Gabriel?" may inis sa boses na litanya nito sa akin.

Napabuntonghininga na naman ako.

"Hindi ko rin alam, Trina, it just happened," tanging naisagot ko lang sa kaniya.

Oo, hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit hinayaan ko ang sarili kong mapalapit kay Rowena at maging kaibigan nito noong namalagi ito sa New York kung saan din ako namalagi ng halos dalawang taon para maging runway model at cover model ng mga sikat na magazine publications doon.

"O baka. . . baka gusto mo lang makitang muli si Gabriel Mondragon, Raffi! Ano ka ba, isipin mo naman si--" Pinutol ko na ang mga sasabihin pa nito.

"I am not here for that man, na pinili ko ng kalimutan after that night," malamig pa sa yelo kong sambit sa kaniya.

"Pumayag siguro akong mapalapit muli sa mga Mondragon para sa anak ko, Trina. . . para kay Gabino. Gusto ko lang naman malaman at makita kung maayos ba siyang napapalaki nina Rowena, kung minamahal ba niya ito o katulad din siya sa ibang magulang na hindi kayang mahalin ang inampong anak," paliwanag ko pa sa kaniya, ngunit narinig ko lang ang pagbuntonghininga ni Trina sa kabilang linya. Buti na lamang at nasa ibang bansa ito ngayon dahil kung hindi at andirito siya kasama ko ngayon ay paniguradong ilang beses niya nang nahila ang buhok ko dahil sa sobrang inis sa akin.

"And you see naman na 'di ba, Rowena loves the child so much like it was her own. Umalis ka na riyan at umuwi na lamang sa hacienda niyo kung saan naroroon ang isang taong masasabi mong iyong-iyo lang," sambit nito kaagad na nagpatahimik sa akin sandali at inalala ang mga nangyaring tagpo sa pagitan namin nina Rowena at ng anak ko. . . anak nila kanina.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagyakap ni Baby Gabino sa akin, ang paghalik niya sa aking pisngi, at ang kagustuhan niyang maging nanay ako.

I want him back. . . in my arms.

Napapikit naman ako at may biglang nag-flash na magandang mukha ng batang babae sa aking isipan.


Gabriella Santiago. . .


my daughter.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon