CHAPTER TWENTY FIVE

7K 163 9
                                    

"Raffi!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

Ngumiti ako sa kaniya kahit hindi ako masayang makita siya. Niyakap niya ako, like a  sister she misses so much.

"Rowena. . ." sambit ko.

Andito na sila. Andito na siya.

"Kumusta?" tanong niya kaagad nang humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.

"Ayos lang," casual na tugon ko lang sa maikling tanong niya.

"Hindi ka ba sinungitan ng asawa ko?" Napailing lang ako.

"Hindi naman, hindi naman niya ako kinikibo unless about kay Gabino," sambit ko at nagkibit-balikat.

"Ay nako mabuti naman, ramdam ko kasi ang pagkadisgusto niya sa'yo last time. . ." Napatikhim lang ako.

Well, hindi ko ramdam na ayaw niya sa akin. . . lalo na kagabi hanggang kaninang madaling araw. Kung alam mo lang, halos ayaw na niyang bumangon at umalis sa pagkakabaon sa akin.

Ngumiti na lamang ako. Tama namang pababa na si Gabriel habang buhat-buhat si Gabino.

Mabilis namang humakbang papalapit sa kanila si Rowena at yumakap sa kaniyang mag-ama. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila nang magtama ang mga mata namin ni Gabriel, hindi ito nakangiti at hindi rin nakasimangot -as usual naka-poker face lang siya. At hindi mapigilan ng isipan kong maisip ang mga ginagawa namin this past two days na kami lang ang magkasama, kaya umiwas na ako ng tingin.

May naramdaman naman akong biglang pumulupot na kamay sa beywang ko. Napalingon ako rito, at nakangiting gwapong mukha ni Fernando ang tumambad sa akin.

Fernando Clemente, one of Rowena's business partner and my friend from New York, who also knows everything from my past. . . including Gabriel and my kids.

Bakit siya andirito?

Naramdaman ko ang paghalik niya sa gilid ng labi ko. At nakita iyon ng lahat dahil bigla silang naghiyawan na parang kinikilig sa naging akto ni Fernando. Hindi ko maiwasang mapasulyap kay Gabriel, and I saw burning madness in his eyes while seriously looking at us.

Narinig ko ang pagbulong ni Fernando sa akin na nagpahawak sa akin sa braso niya.

"He is staring at me like he wants to kill me this instant, Raffi." At mas lalo lang din niya akong niyakap. . . to pissed off Gabriel more.

"Bitawan mo na ako, Fernando," mahina pero may diing utos ko sa kaniya. But no luck, I know him. . . he hates Gabriel so much. And he will take this chance to annoy him more, lalo na at napatunayan niyang naiirita si Gabriel na nakatanaw sa amin.

"Nope. I missed you so much." Fine. Ayaw niyang bumitaw kaya kinaladkad ko na siya paalis sa bahay at sa presensya ng lahat.

Dinala ko siya sa medyo may kalayuang parte ng isla kung saan matatanaw ang buong karagatan. My favorite place here in the island, na nadiskubre ko lang kahapon nang mag-stroll ako ng madaling araw to find peace to deeply think the things out.

Umupo naman siya sa isang malaking bato na naroroon habang ako nanatiling nakatayo at nakatanaw lang sa asul na karagatan.

"Why are you here?" paunang tanong ko na hindi siya tinitignan.

"To save you. . ." maikli pero malaman niyang sagot kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. And he was also looking at me.

"Save me from what," sambit ko na hindi siniseryoso ang sinabi niya. Napansin ko naman ang pagseryoso ng gwapong mukha nito.

"From drowning in loving someone who doesn't deserve your pure love." Ang lalim pero alam ko ang pinupunto niya. Kaya umiling ako at napatawa ng mapakla.

"I don't love him. . ." direktang tugon ko.

"You can fool yourself, Raffi but not me. Because I can see myself to you." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. What does he mean?

Tumayo siya sa pagkakaupo at humakbang palapit sa akin. Hindi ako makasagot, hindi makakibo, I am just staring at him with confusion.

"I still love you, Rafaela." I can see seriousness in his eyes.

"I told you not --" Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla niya akong halikan. Mabilis lang iyon just to make me stop from talking I guess. Hinawakan niya ang mga pisngi ko. At hindi ko kayang itulak siya papalayo kahit gusto ko. He is still my dearest friend who is so good to me despite of everything he knew about me.

"Ako na lang, Raffi. . . I will love you and your kids as my own. You just want to be with your son, right? Kaya andito ka ngayon at bumalik sa buhay ni Gabriel Mondragon. Then I will help you get Gabino back in your arms. Just be with me. . . please."

At doon na ako natauhan kaya naitulak ko siya ng mahina papalayo sa akin.

"I-I don't deserve your love, Fernando." Nakita ko ang pagkadisgusto niya sa sinabi ko.

"Then Gabriel doesn't deserve your love, too!" may galit na bulalas nito.

"I told you, I don't love him. I-I never did. I just love my kids," giit ko pang tugon sa naging paratang ni Fernando sa akin.

"Really? You never did, but why did you let him be inside you again?" Huh?

"W-What are you saying?" mautal kong tanong sa kaniya.

"You know what I am talking about, Raffi. Hindi ko na kailangang ipamukha pa sa iyo ang ginagawa mong kasalanan kasama ang gagong Mondragon na iyon."

Napaupo na ako dahil sa binitawang mga salita ni Fernando. Napahilamos ako sa aking mukha. Naramdaman ko naman ang pagyakap ng mga braso niya sa akin. Dinampian niya ako ng mumunting halik sa aking ulo.

"He wants me to be his mistress in exchange of letting me beside my son." Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi kay Fernando but I need someone who I can say all the things that is hunting me, right now. I need someone that I trusted the most beside Trina, and it was him.

"You have a choice to select the right thing to do. . ." 

"But I chose to be his mistress." 

"Damn it, Raffi. I really don't know what to do with you now."

Hindi na ako nagsalita, at ganoon din si Fernando. Nakayakap lang siya sa akin habang nilalabas ko sa pamamagitan ng pagluha ang mga hinanakit ko sa aking sarili dahil sa mga nagiging desisyon ko nitong mga nakaraang araw.

Alam kong mali . . . maling pumayag akong makipag-relasyon kay Gabriel para lang makasama ko ang aking anak na lalaki. Pero siguro nga tama ang mga iginigiit ni Fernando sa akin, that I really love Gabriel Mondragon from the start of our business deal until today that I became his mistress in bed. This is not about being with my son, anymore. Because no matter how much I deny it to myself, I am already addicted to Gabriel and with this unrestricted desire we are feeling to each other.

Kaya ko pa kayang makawala?

Kung ngayon ang tanging naiisip ko lang ay agawin siya kay Rowena at angkinin ng buo ang kaniyang puso. . . hindi lang para bigyan ng buong pamilya ang mga anak ko kundi para na rin sa ikakaligaya ko, kahit mali at may masasaktan akong ibang tao.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon