CHAPTER THIRTY FOUR

6.8K 185 38
                                    

"Mommy, where are we going?" tanong ni Gabino sa kaniyang kinalakihang ina.

Ngumiti lang si Rowena at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ni Gabino, inilalagay niya ito sa isang malaking maleta.

Nang matapos ay umupo siya sa tabi ng bata. She hugs him tight and gives a kiss on his forehead.

Mahal na mahal ni Rowena ang bata kahit hindi niya man ito tunay na anak. At hindi nagbago o magbabago iyon kahit nalaman niyang si Rafaela na karelasyon ng asawa niya ang tunay na ina nito. Kaya hindi niya hahayaang makuha ito ni Raffi kahit anong mangyari. She can't just give it up to someone who gave him up in the first place. And Gabino is the only card she has, an ace card that can make Gabriel stay with her forever and to win against his mistress.

*********

Tahimik na naghahapunan sina Rowena, Gabriel, at Gabino. . . not until Gabriel break the silence.

"Ipapasiyal ko si Gabino bukas." Napatingala naman sa kaniya si Rowena at ngumiti like she always used to. She's still pretending in front of Gabriel na hindi niya pa alam ang lihim nitong relasyon kay Rafaela at ang pagiging tunay na ama niya kay Gabino.

Two days na ang nakakalipas nang tawagan siya ni Gabriel unexpectedly and thought her as Rafaela Santiago. At mukhang walang kaalam-alam si Gabriel sa nangyaring iyon dahil hindi man lang ito nagbubukas ng usapin tungkol doon. Siguro nga ay lasing na lasing lang ito at wala na sa huwesyo ang kaniyang mga ginagawang aksyon.

Pero sa loob ng dalawang araw, alam ni Rowena ang mga ginagawang hakbang ni Gabriel sa paghahanap kay Rafaela. He is looking for her everywhere and every ways he can do para lang mahanap at makita ito.

No one knows where is the woman now, maliban syempre kay Rowena Mondragon.

Alam ni Rowena kung nasasaan si Rafaela nagtatago since day one na umalis at nawala na lamang ito sa mga buhay nila. And she's planning to visit her tomorrow bago niya ilapag ang huling barahang meron siya.

"Sure," maikling turan lamang niya.

"If you want you can join us, kung hindi ka busy," paanyaya ni Gabriel sa kaniyang asawa ngunit umiling lang bilang pagtanggi si Rowena.

"I can't, may pupuntahan ako bukas, enjoy na lang kayo ni Gabino, hon," tugon lang ni Rowena sabay abot at hawak sa kamay ni Gabriel na nakapatong sa mesa. Pero hindi pa nagtatagal ng ilang segundong nakahawak sa kaniya si Rowena ay biglang inalis na niya ang kamay nito sa pagkakapatong na hindi na ikinagulat ng isa, ngumiti na lamang siya at bumalik sa pagkain.

"Saan ka pupunta?" tanong na lamang ni Gabriel sa asawa.

"To Rafaela's place," sagot ni Rowena na ikinatingin sa kaniya ni Gabriel. Napangiti na lamang ng alanganin si Rowena dahil sa pagiging attentive ng asawa nito nang banggitin niya ang pangalan ng kaniyang kalaguyo na halos baliktarin niya na ang mundo para lang makita itong muli.

Napatikhim si Gabriel nang inosenteng nag-angat nang tingin sa kaniya si Rowena.

"You know where she is, huh," sambit nito at nagpatuloy na sa pagsubo ng pagkain sa kaniyang kutsara.

"Raffi and I are close, that's why."

"So. . ." hindi matuloy na sasabihin ni Gabriel kay Rowena. Nag-aalangan siyang tanungin kung saan nakatira ang babae dahil baka magtaka at magtanong pabalik sa kaniya ang kaniyang asawa.

"Hacienda Santiago located in Batangas, you want to go with me?" wika ni Rowena na ikinataka ni Gabriel pero hindi niya pinahalata rito.

"I mean, pwedeng doon na lang tayo mamasyal, me, you and our son. How's that, Hon?" Hindi pa nakakasagot sa unang tanong ni Rowena si Gabriel nang magbigay ito ng isang suhesiyon. Suhesyon na gustong gusto ni Gabriel oo-han. That's why he did, pumayag siyang mamasyal silang mag-anak sa Hacienda Santiago kung saan matatagpuan niya ang babaeng ilang linggo niya ng hinahanap.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon