CHAPTER TWENTY FOUR

7.2K 189 24
                                    

Nakaupo lamang ako sa buhanginan habang binabantayan si Gabino na nagtatampisaw sa may tabing-dagat nang may maramdaman akong presensyang paparating kaya napalingon ako.

It's Gabriel. . . still wearing his infamous poker handsome face.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makaupo siya sa tabi ko. Nanatili lang kaming tahimik habang pinagmamasdan si Gabino.

"Darating na si Rowena rito bukas at ang ibang kasamahan namin."

"So?"

So? Iyon lang ang sasabihin niya?

Tinignan ko siya ng nakakunot-noo, napansin niya yata kaya tumingin din siya sa gawi ko.

"What's up with your face?"

"Sabi ko--"

"Rowena is my wife, and Gabino's legal mother, that's why she should be here. Anong pinoproblema mo?" sambit niya na parang hindi iyon malaking bagay na dapat pag-usapan.

"W-wala. . ." nasabi ko na lamang.

Ako lang ba ang nangangambang baka malaman ni Rowena ang nangyayari sa pagitan namin ng asawa niya. O kailangan ko rin bang magpanggap na parang casual lang kaming naging magkaibigan sa loob ng dalawang araw na nagkasama?

"Just act normal. Like we used to." At tumayo na ito. Iniwan akong nakatanga, lumapit siya kay Gabino para yata ipaahon na.

Pero anong sabi niya, just act normal? At paano  umaktong normal lang ang lahat kahit hindi na ito normal. Gago ba siya?

Inihanda ko naman ang tuwalyang pangpunas kay Gabino. Akay-akay ito ni Gabriel. What a beautiful scene to be keep forever.

"Mommy. . ." sambit ni Gabino at mabilis na lumapit sa akin kaya ikinulong ko siya kaagad sa tuwalyang hawak ko para hindi siya lamigin. At ngumiti ng kay tamis sa anak ko.

"Halika na, Gaby." Napatingin naman ako kay Gabriel. Tumingin lang din ito sa akin at binuhat na si Gabino papasok ng bahay, kaya sumunod na rin ako sa kanila.

*********
"Ma'am Raffi, gaano na kayo katagal ni Sir Gabriel?" Napatingin naman ako kay Aling Lucing dahil sa tanong niya.

Napangiti naman ako at ibinalik ang pansin sa niluluto kong beef steak.

Napagdesisyunan ko kasing magluto para sa hapunan namin, tama namang andirito na pala sina Aling Lucing at kaniyang asawa na si Mang Carlos, sila ang mga tagapangalaga ng isla na ito na nakatira lamang sa karatig-isla. Pumupunta lang sila rito isang beses sa isang linggo para tignan ang kalagayan ng beach house. Pero ngayon ay mananatili sila rito hanggang next week dahil para na rin makatuwang nina Gabriel sa pag-aayos para sa birthday celebration ni Gabino na gaganapin sa weekend.

Tinulungan naman ako ni Aling Lucing magluto at maghanda ng hapag-kainan.

"Hindi po kami-"

"Mommy. . ." tawag-pansin ni Gabino. Sasagutin ko palang sana ang tanong ni Aling Lucing nang pumasok ito kaya ngumiti ako sa kaniya. Bago binalik ang tingin kay Aling Lucing.

"Hindi po kami mag-asawa ni Gabriel." Nakita ko naman ang pagkalito sa ekspresyon nito.

Inakay ko na lamang si Gabino paupo sa hapag-kainan.

"Saglit lang, anak ha. Ihahanda ko lang ang mga pagkain." Tumango lang ito.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon