EPILOGUE

10.1K 200 41
                                    

THIRD PERSON'S POV

Kaagad sinugod si Rafaela sa hospital, isinakay sa stretcher habang nakasunod lang si Gabriel sa kanila. Naiwan naman si Gabriel sa labas ng Delivery Room. At kinakabahan dahil sa cesarean section na gagawin kay Rafaela dahil wala na itong malay at kailangan ng mailabas ng bata dahil pumutok na rin ang water bag niya.

Sumaglit naman si Gabriel sa chapel ng hospital para ipagdasal ang kaligtasan ng kaniyang mag-ina.

"Diyos ko, alam ko marami akong nagawang kasalanan sa inyo at sa aking kapwa, alam ko hindi ko deserve ang humingi ng tulong at gabay sa inyo. Hindi ako nararapat sa awa ninyo ngunit pakiusap po, sana ay gabayan niyo ang mag-ina ko, na ligtas na makapanganak si Rafaela, mahal na mahal ko po siya at ang mga anak namin," dasal ni Gabriel na hindi na niya napigilang mapaluha dahil sa emosyong nararamdaman sa mga oras na ito.

"Mali man po ang naging simula ng aming pag-iibigan, mali man po sa mata ng tao at sa mata niyo ang naging relasyon namin noon pero sana po ay makita niyo pa rin na walang naging mali sa pag-ibig na aming naramdaman, siguro kung may mali man ay iyon ay ang oras, ang panahon at pagkakataon na mayroon kami noon. Kaya ngayong tama na po ang lahat sa buhay namin, sapat at wagas na pagmamahal namin para sa isa't isa, tamang panahon at pagkakataon para mabuo ang aming pamilya, maging masaya. . . sana po ay walang mangyaring masama kay Rafaela at sa baby Rafael namin. This is the beginning of our unending love for each other, kaya sana po ay huwag niyong hahayaang magwakas na lang ito bigla. Nagsisimula palang kami, hayaan niyo po sanang maipakita namin sa inyo ang pagmamahal namin na nabuo man sa maling panahon noon ay naitama na namin ngayon, and that we deserve this love. Hindi man namin mabubura ang kamaliang aming nagawa ngunit handa namin itong gamitin para mas lalong mapatibay ang aming pagsasama, ang aming pamilya. Pero kahit ano man siguro ang mangyari ngayon ay bukal sa loob ko pong tatanggapin, if that's meant to be then let it be. Maraming salamat po sa pakikinig sa akin, Panginoon."

Tumagal pa ng ilang minuto si Gabriel sa chapel hanggang maisipan niya nang bumalik sa waiting area sa labas ng Delivery room. Kung saan ay nagsidatingan na rin ang ibang kaibigan at kamag-anak nila ni Rafaela. Visible sa mukha ng mga ito ang sobrang pag-aalala para sa kaligtasan ni Rafaela at ng baby sa sinapupunan niya.

"Kumusta na ang anak ko, Gabriel?" tanong ng ina ni Rafaela.

"Hindi pa po lumalabas ang doktor pero ang sabi niya kanina ay magsi-cesarean section daw si Raffi dahil wala pa rin siyang malay nang dumating kami at dahil pumutok na rin ang panubigan niya kaya kailangan nang mailabas ang baby. . . " paliwanag naman ni Gabriel.

Lahat naghihintay sa paglabas ng Doktor at sa kalagayan ni Rafaela at ng baby.

Everyone is praying for the success of the operation but. . .

Biglang bumukas ang pintuan ng Delivery room, at lahat ay parang naging slow motion para kay Gabriel, lumabas ang doktor habang tulak ng dalawang nurse ang higaan kung saan lulan ang walang malay pa rin na si Rafaela, at isang nurse naman ang nagtutulak ng crib kung saan naroroon ang bagong silang na baby boy named Rafael.

May sayang lumapit ang lahat kay Baby Rafael habang may kabang lumapit si Gabriel sa natutulog pa ring fiancee. Malungkot na tinignan ng doktor si Gabriel bago dumako ang tingin nito sa magandang mukha ni Rafaela.

"Kumusta po ang asawa at ang anak ko?" mahina pero puno ng kabang tanong ni Gabriel.

Niyaya naman ng doktor si Gabriel gumilid sandali upang makadaan ang higaan ni Rafaela at mailagay ito sa isang pribadong silid.

"The baby was fine, healthy and no trace of complications. But for your wife, Mr. Mondragon. . . she might die." At parang tumigil ang pagtibok ng puso ni Gabriel. Lumingon siya sa gawi ni Rafaela at napatulo ang kaniyang luha, napakuyom ang kaniyang kamao.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon