CHAPTER TWENTY NINE

6.7K 163 28
                                    

RAFAELA'S POV

"Raffi, can we talk?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

And it's Rowena.

Kakatapos lang ng photoshoot namin at na-finalize na ang lahat ng gagamiting litrato. At sabi ng mga staffs lalo na ng photographer ay magaganda raw ang mga kuha niya sa akin. I am a natural gift of nature raw sa larangan ng propesyon nila. Para raw akong si Avianna Alejandro, a beautiful creature na hindi na mahirap kuhanan ng litrato sa kahit anong anggulo.

"May problema ba?" tanong ko. Napailing naman siya na tila hindi matanggap ang nasa isipan niya ngayon.

Kami lang ang andito sa may veranda. Ang iba kasi ay nagsi-swimming sa dagat. Enjoying the summer breeze and salty air dahil ang iba ay babalik na sa syudad bukas. Ang iba naman ay mananatili para tulungan si Rowena sa pag-prepare ng birthday ni Gabino, at isa na ako sa mga mananatili hanggang sa makalawa.

"I think, Gabriel is having an affair," bulalas niya na ikinabigla ko naman. Kinakabahan ako, alam na niya kaya?

"K-kanino? Sigurado ka ba riyan?" maang na tanong ko.

"Hindi ko alam at hindi rin ako sigurado pero pakiramdam ko lang naman." Napayuko si Rowena at ramdam ko ang frustration at overthinking niya sa mga gestures niya.

"Bakit mo naman ramdam? Is he getting cold towards you?" tanong ko pa.

"Oo, sobrang lamig na pakiramdam ko hindi niya na ako mahal at anytime, iiwanan niya na lang ako. Pero sabi niya, pagod lang daw talaga siya." Tumingin siya sa akin at nakita ko ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

I hug her.

"Baka pagod nga lang talaga siya? Sorry, Wena, I am not really good at this. Alam mo namang wala pa akong nagiging karelasyon," sambit ko.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit habang hindi niya na napigilan ang pagluha niya, ramdam ko iyon.  Actually, hindi ko rin talaga alam ang sasabihin ko sa kaniya, because I know to myself that she is right, may babae si Gabriel at. . .

Ako iyon.

How can I possibly be giving my opinion about something na sangkot ako? It's hard for me. I don't want to hurt Rowena but I already addicted to him, to her husband. I love Gabriel that I just can't let him go now. Maybe someday but not now. . . not yet.

Lalo na at I am hoping that he also feels the same for me dahil sa panlalamig niya kay Rowena.

Masama na ba talaga ako?

Napabuntonghininga na lamang ako at bumitaw sa pagkakayakap kay Rowena. I look at her.

"Pag-usapan niyo na lang iyan ni Gabriel after Gabino's birthday, I think. Para kung sakaling hindi man maganda ang maging pag-uusap niyo, hindi na maapektuhan ang kaarawan ng bata," suhesyon ko pa. Tumango lang siya.

"Tama ka, Raffi. Kapag nakabalik na tayo sa Maynila, I will surely talk to him about this feeling. Pero kung sakaling may babae man siya, hindi ko kakayanin. Gosh," bulalas niya sabay pahid ng kaniyang mga luha na walang tigil sa pagtulo mula sa kaniyang mga mata.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon