CHAPTER TWELVE

7.1K 137 14
                                    

"Rowena. . ."

"Please consider us adopting a new born baby. . ."  Mga katagang sinambit ni Gabriel kagabi na hindi mawala-wala sa isipan ko.

"Rowena? Still there, anak?"

Napabalik-huwesyo ako nang marinig ko ang boses ng aking ina sa kabilang linya, tinawagan ko kasi ito ngayong umaga para hingin ang opinyon niya sa kagustuhang mag-ampon ni Gabriel ng bagong silang na baby. I need my mom's opinion about this, ayokong magsisi ako sa huli kapag nagdesisyon kaagad ako na hindi siya kinokonsulta.

"Ah, Mom. . . yes, I called because I just want to ask you about something. I really need your opinion about this," sambit ko pero nag-aalangan pa rin akong buksan ang tapiko tungkol sa bagay na iyon ngunit I really need to do this.

"What is it, anak?"

"Is it okay to adopt a new born baby?" tanong ko ng deretso sa aking ina.

"Mag-aampon kayo ni Gabriel? Wala na bang ibang paraan para mabuntis ka, anak?" balik tanong nito na gumuhit ng kung anong sakit sa aking damdamin. Hindi naman lingid sa kaalaman ng aming mga magulang ang sitwasyon ko. . . that I am incapable of bearing my own child, our own child ni Gabriel. But I know they are still hoping for some miracles to happen pero pagod na akong umasa.

"Mom. . ." sambit ko na may himig na nakikiusap to drop the chances and hopes na mabuntis pa ako.

"Sorry, anak, I know its hard, hindi ko na bubuksan uli sa'yo ang tanong na iyan. At kung tatanungin mo ako about adopting a child lalo na kung bagong silang, sa akin, walang problema iyon as long na masaya kayong mag-asawa. And if that child will strengthen your marriage, then go for it. Mas maganda na ring bagong silang ang aampunin niyo dahil kayo kaagad ang kakamulatang magulang ng bata." Napabuntonghininga naman ako. At least my mom is open-minded about it. Mas maganda pa rin kasi na alam nila, at maaga palang alam kong matatanggap nila ang magiging baby namin ni Gabriel.

"Thanks, Mom. . ." iyon lang ang ang isinagot ko bago binaba na ang tawag.

*************

Naging abala ako sa buong maghapon dito sa aking studio dahil may ilalabas kaming bagong clothing line na itatampok sa next month na issue ng magazine ko.

"Miss Rowena." Napalingon naman ako sa taong tumawag sa akin.

"Yes, Sarah?" tugon ko sa kaniya. May hawak itong wireless telephone na iniabot niya sa akin na tinanggap ko naman kaagad at idinikit sa aking tainga.

"Hello?" sambit ko.

"Honey. . ." Oh it's Gabriel! Napangiti naman ako.

"Yes, Hon? Napatawag ka," sagot ko.

"Sunduin kita mamaya, anong time ka matatapos?" tanong niya na mas ikinangiti ko pa. Dahil matagal-tagal na rin ang huling beses na sinundo niya ako rito sa studio.

"Hmm. . . maybe 5PM," sagot ko.

"Okay, Honey. . . expect me to be there later. I love you."

"I love you too." At ibinaba ko na ang tawag.

Kinikilig naman ako sa isiping susunduin ako ng asawa ko. Excited na akong mag-alas singko ng hapon . . . dapat pala sinabi ko na lang na 3 PM para isang oras na lang ay makikita ko na ang pinakapogi at pinakamamahal kong lalaki. Anyway, ayos na rin iyan para hindi mawala ang spark sa pagsasama namin dahil malimit naming nakikita ang isa't-isa kaya hindi kami ganoon mauumay at mas lalo pang magkaka-spark ang relationship namin dahil nakakaramdam kami ng pagka-miss sa isa't-isa.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon