CHAPTER FORTY TWO

7.6K 193 32
                                    

ROWENA'S POV

"So you are the ex-wife?" Napalingon ako sa nagsalita.

Hindi ko siya kilala pero ang gwapo niya. Sinundan ko ang mga galaw nito nang kumuha siya ng glass of apple juice sa mesa. Hindi ako nagsalita kasi baka hindi ako ang kausap nito. Kaya ipinagpatuloy ko na ang pagsubo ng mga mallows habang sinasawsaw sa chocolate fountain.

Andito ako ngayon sa Hacienda Santiago, attending the party of Gabriella's 5th Birthday. Wala akong planong pumunta but then isinabay ako nina Fernando at ng fiancee niya. That's why it leaves me no choice but to go.

Maganda ang pagkakaayos ng buong lugar, so magical. Para akong nasa isang paraiso, nakakaluwag ng damdamin at nakakawala ng stress. Lalo na sa kid's area kung saan may bahay na gawa sa candy. At dito nga ako pumirmi, kaya hindi ko pa nakakausap sina Rafaela at Gabriel and the others. Mamaya na ako pupunta sa gawi nila kapag naumay na ako sa mga mallows at chocolates dito pero mukhang hindi ako magsasawa.

"Bakit andirito ka?" Napakunot-noo naman ako na napatingin sa taong tumabi sa akin. And it's him again.

"You look like a beautiful witch staying in this candy house," wika nitong muli. 

Tinuro ko naman ang sarili ko habang nakatingin sa kaniya.

"Ako ba ang kausap mo?" Napatawa naman ito sa itinanong ko.

Bakit? Malay ko bang hindi ako ang kausap niya. Pero kung sabagay kami lang naman ang adult dito sa area na ito. So maybe, ako nga ang kausap niya.

"Silly ex-wife. Oo, ikaw ang kanina ko pa kinakausap pero hindi man lang nagsasalita. So I thought you are just mesmerized  by my handsomeness that made you speechless."

At ako naman ang natawa sa kahambugan niya. Oh well, pogi naman talaga ito. Pero ang mas kumuha ng atensyon ko ay ang sinabi niyang ex-wife. He knows me.

"Who are you?" tanong ko.

"Oh silly me, Carlos De Guzman is the name. And you are?" ang sexy ng boses nito.

"Rowena, Rowena Navarro." At tinanggap ko ang pakikipagkamay nito.

"So you are the ex-wife?" Napakunot noo ako dahil narinig ko na naman ang tanong niya kanina. Akala ko namali lang ako ng dinig but it seems he really knows me.

"Pardon?" balik tanong ko, just to make sure.

"Ikaw ba ang ex-wife ni Gabriel Mondragon?" he asked again with clarity.

"Yeah. How did you know?" tanong ko rin sa kaniya.

"I just know things that interests me," simpleng turan nito.

Magsasalita na sana ako nang may lumapit na magandang batang babae pero matalim itong nakatingin sa akin. Pero ngumiti pa rin ako sa kaniya but then inirapan niya ako. What a bratinella.

"Daddy!" tawag nito sabay akto na magpabuhat sa gwapong lalaking katabi ko. Binuhat naman siya at hinalikan sa noo. And I get it, may anak na siya, so maybe may asawa na rin siya. Napakibit-balikat na lamang ako.

Sayang.

"Don't get me wrong, lady. I am a widowed man." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Hmm. Ang bata niya pang nawalan ng asawa.

Tinignan ako ulit ng anak niya.

"Who's she?" malditang tanong niya sa tatay niya. Ngumiti lang ako at inilahad ang kamay ko sa kaniya.

"Rowena Navarro, your soon to be stepmom." At gusto kong matawa sa naging reaksyon nito. She even punched her father's shoulder na ikinatawa ng tatay niya.

"Put me down, Daddy!" bulalas nito na ibinaba naman siya kaagad ni Carlos.

"I am not Cinderella to have a stepmom, you wicked witch!" sigaw pa nito sabay irap sa akin at kumaripas ng takbo. At hindi ko na napigilang mapatawa.

"You get the hell out of my daughter, Rowena." Nakitawang sambit na rin ni Carlos habang tinitignan ang anak niyang nakaupo sa isang bench at nakatingin ng masama sa amin or perhaps sa akin.

"What's her name?" tanong ko, out of curiosity.

"Felipa," maikling sagot niya na ikinatango ko lang siya.

"What a nice name," papuri ko.

Niyaya niya naman ako na pumunta na sa gawi nila Rafaela.

*********

RAFAELA'S POV

"I am so sorry," sambit ko at napayuko.

I really wanted to say that thing to her since then.

Kaya niyaya ko siyang mag-usap kami rito sa garden. Medyo malayo sa ginaganapan ng party ngayon. Hanggang ramdam ko pa rin ang guilt na ito sa puso ko, paniguradong hindi ko rin kakayaning piliing makasama si Gabriel kahit sinasabi ng lahat na okay lang, na ayos lang.

That's why I wanted this closure with Rowena. 

Napabuntonghininga naman siya.

"I hate you, Raffi." Napatingin ako sa kaniya.

"I deserve that," sagot ko.

Oo, deserve ko naman lahat ng galit at sumpa ni Rowena sa akin because of what I have done to her. I've been a bad bitch friend to her. 

"Gusto kitang sabunutan at sampalin ngayon kaso buntis ka," malditang sambit nito sabay tingin sa malaki kong tiyan.

"Saktan mo na lang ako kapag nakapanganak na ako," seryosong tugon ko naman sa kaniya.

Bigla namang tumahimik ang paligid na tila may dumaang anghel sa gawi namin. Nagkatinginan lang kami sabay tumawa siya at sumeryoso ulit.

"No, I won't do that. Oh well, nasaktan talaga ako dahil sa ginawa niyo ni Gabriel. Sino ba naman ang hindi 'di ba. You ruined my happily ever after, Raffi. Gabriel is all I got. I love him with all my heart. We love each other not until you came to his life. And started questioning to himself what a real love is all about." May tumulong luha sa kaniyang mga mata na kaagad niya namang pinunasan. Napayuko na lamang ako.

"Siguro nga mahal niya ako pero hindi sapat para manatili siya sa akin at piliin ako laban sa'yo. Mahal niya ako ngunit hindi kasing higit ng pagmamahal na meron siya para sa'yo," she added.

"We just started from an unrestricted desire, Rowena," sambit ko. 

"But that unrestricted desires you felt for each other would have not happen if you are not attracted to one another. Attraction is a temporary love, Rafaela. But in your case, it grew to be a permanent attraction which is called Love. Do you get it?" she explained.

Napatango ako. I got her point.

Gabriel loves me no matter what, like how I love him to let him go.

"He loves you so much to the extent na hindi niya na dapat pang sabihin sa akin dahil nararamdaman ko na. His unexplainable love for you made me give up on him, Raffi. Dahil kung may pagmamahal pa siya sa akin, ipaglalaban ko siya. Pero wala na talaga, bumalik man siya sa'yo o hindi, maghihiwalay pa rin kami."

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya kaya niyakap ko na lamang siya. And she hugged me back. 

"Be happy, Raffi. Maging masaya ka, kasama siya at ng mga anak niyo dahil pinapatawad na kita. Si Gabriel, matagal ko na siyang napatawad dahil nakapag-usap na rin naman kami bago ang finality ng annulment namin. It still hurts but then I will surely heal in no time."

Napaluha ako sa mga sinabi niya. Lumuwang ng kaunti ang bara sa aking dibdib.

Rowena is such a great person.

"Thank you, Rowena."

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon