CHAPTER TWENTY

7.5K 160 19
                                    

I am trying to push him away from me, ngunit mahigpit niyang hinawakan ang mga braso ko. . . to stop me from making any more movements.

"Come on, Raffi, respond to my kiss." Napailing ako habang hinahabol ang aking paghinga.

I am about to open my mouth to say my disagreement to his actions when he grabs that opportunity to insert his tongue inside and explore it like it's his own.

Hindi ako makapalag dahil mas lalo niyang pinalalim ang pag-french kiss niya sa akin na wala na akong ibang magawa kundi ang tumugon dahil kung hindi mas lalo lang akong makakapusan ng hininga.

Naramdaman ko ang pagngisi niya between our kiss dahil sa pagtugon ko sa halik niya. At dahil gusto ko ng makawala sa kaniya kung kaya't ipinadama ko sa kaniya na gusto ko rin ang nangyayari ngayon. Para mag-loosen up ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Sinukbit ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg nang tuluyan niya ng bitawan ang pagkakahawak sa akin. I am hugging him hanggang nasa beywang ko na rin ang kaniyang mga kamay, caressing me there that gives more pleasurable feeling to me.

Mas lalo niyang idiniin papalapit sa akin ang kaniyang katawan. At mas pinalalim pa niya ang aming paghahalikan na naghahalo na ang aming mga laway.

This is wrong. . .

Kaya hinawakan ko siya sa kaniyang broad shoulders at pwersahang itinulak palayo sa akin. At mabilis akong lumabas ng kwartong iyon na hawak-hawak ang aking dibdib. Anlakas ng tibok ng aking puso para akong nakipag-marathon sa olympics sa sobrang hingal ko.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay ang pag-upo ko sa sahig at pagsandal sa pader. Pinikit ko ang aking mga mata. Thinking what just happened a while ago between me and Gabriel. Damn, shit!

Napahawak na naman ako sa aking bandang dibdib. I shouldn't feel this way. Mali ito, nagkamali na ako noon, ayaw ko ng ulitin dahil  ang ending na naman nito ay ako lang din ang masasaktan.

And besides, Rowena doesn't deserve to be cheated like this.

Yes, this will only result to cheating and hurting someone. Kaya hangga't kaya ko pa, kailangan kong pigilan itong hindi mapigilang pagnanasa ko kay Gabriel. Dahil kahit anong tanggi ko sa aking sarili, addicted pa rin ako sa kaniya. Para siyang droga noon na pinilit kong iwanan at layuan para gumaling sa pagkagumon ko sa kaniya. Ang paglayo ko noon at pag-alis ay parang naging rehabilitation sa akin upang tuluyang makalimutan siya at ang maling damdaming namumuo sa aking kaloob-looban.

Ngunit heto na naman ako, unti-unti na namang nalululong sa pagnanasang hindi tama. Hindi tama dahil may asawa siyang mahal na mahal niya. Hindi tama dahil makakasakit at masasaktan lang din ako kapag nagkataon. At ramdam ko namang isa lamang akong masarap na pagkain na kay tagal niyang hindi natikman kaya inaasam-asam niya ngayon pero magsasawa at magsasawa rin siya kapag natikman niya ulit ang paborito niyang putahe.

Kaya hindi ako pwedeng magpatalo sa sarili kong damdamin. I need to fight and defend myself from hurting someone and hurting myself.

Dahil kapag nagpadaig ako sa pagnanasang ito na pinaparamdam na naman ni Gabriel sa akin ay paniguradong kakainin ko lang din ang nga binitiwan kong salita kay Engr. Alarcon na hindi sekretong relasyon ang mayroon kami ng pinsan niya kundi isang purong business deal lang noon. Iyon lang at hanggang doon lang.

Napamulat naman ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya kinuha ko ito sa aking bulsa at sinagot.

"Hello, Raffi?" It's Rowena.

"Y-yes, Wena?" medyo nautal kong sagot.

"Andiyan na ba kayo sa isla? I can't contact Gabriel."

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon