CHAPTER FORTY ONE

7K 186 15
                                    

"Carlos," sambit ko sabay marahang napatayo.

Hindi ko inasahan ang pagyakap niya sa akin.

"I missed you." At hinalikan niya ako sa aking pisngi, naramdaman ko ang pagtayo ni Gabriel sa kaniyang kinauupuan. He is about to attack Carlos nang hinawakan ko siya sa kaniyang braso at umiling. Napansin ko ang pag-porma ng kamao niya, tinignan niya ako at umismid. He is jealous I can tell, pero wala namang dapat ikaselos. It's just Carlos. . .

Yes, Carlos De Guzman is in the house. Once my friend at dapat ipapakasal sa akin ni Mama to keep the Hacienda Santiago to us.

Hinawakan ko naman ang kamao ni Gabriel to calm him down.

"Ah, Gabriel, si Carlos De Guzman nga pala. Carlos, si Gabriel Mondragon," pakilala ko sa kanilang dalawa. Carlos smiled and offered a handshake at kahit ramdam ko ang pagkadisgusto ni Gabriel tanggapin iyon ay naging propesyonal naman ito to accept it.

"You see, I got to come here when my daughter, Felipa told me that your son kissed her," malumanay na wika nito sa akin pero sumulyap din siya kay Gabriel.

I can sense the protective instinct of a father from Carlos. Nararamdaman ko rin kasi iyan kay Gabriel kapag nakikita niyang nakikipaglaro sa mga lalaking bata si Gabriella.

Napatikhim ako at sinulyapan si Gabino na nasa tabi ko at seryosong nakatingin kay Carlos, lalo na nang sulyapan siya ni Carlos.

"I am sorry for the bad behavior my son did to Felipa, Carlos," nahihiya kong tugon kasi naman eh, I didn't expect this to happen. At sa lahat naman kasi ng hahalikan ng makulit kong anak ay anak pa ni Carlos.

Halos pitong taon na rin kaming hindi nagkikita, simula nang maitubos ko sa kamay niya ang Hacienda ay hindi na kami nagkaroon pa ng chance na makapag-usap tungkol sa mga nangyari noon sa pagitan ng mga pamilya namin.

He is a good friend to me, not until nasangkot ang pamilya nila sa sindikato at halos kinahintakutan ang angkan nila rito sa Batangas. Iniwasan niya ako hanggang kailangan kong magpuntang Amerika noon to finish my degree. Ilang taon kaming hindi nagkita at nagkausap, pero may mga balita akong nalaman na nagpasama sa imahe ng mga De Guzman para sa akin. Lalo na ng umuwi ako dahil namatay si Daddy at nalaman kong nakasanla pala ang Hacienda kay Carlos. Mas nagalit ako sa kaniya dahil akala ko nilinlang niya lang si Daddy to get our land and to get me. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na mahal ako ni Carlos kahit noong mga bata pa lamang kami. But I don't feel the same, kaya nga mas pinili kong maging babymaker ni Gabriel para masalba ang Hacienda at masalba ako sa pagpapakasal sa kaniya eh.

"Sorry po, Tito but I don't feel sorry at all for kissing Felipa." Napasinghap naman ako sa sinabing iyon ni Gabino. Napatawa naman si Carlos habang nanatiling tahimik lang si Gabriel.

Ginulo naman ni Carlos ang buhok ng anak ko, at muling tumingin sa akin.

"I like your son, Raffi, he's a brave man to said that to me. Mukhang mana sa kaniyang ama," Napangiti na lamang ako ng alanganin. At naramdaman ko na naman ang palitan ng masamang tinginan nila Gabriel at Carlos.

"Anyway, can I have a word with you, Raffi?" sambit nito pero nakatingin siya kay Gabriel.

Tumango naman ako.

"Sure, sa veranda na lamang tayo mag-usap." Tumango naman ito at nilingon ang kaniyang anak.

"Felipa, maglaro muna kayo ni Gabriella at ni Gabino, okay? But no kissing!" Paalala nito sa mga bata na ikinatawa ko. Naalala ko ang dating pagkakaibigan naming tatlo nina Carlos, ako at ni Flora.

 "Daddy!" bulalas naman ni Felipa at hinila na lamang si Gabriella palabas ng Mansion. Sumunod naman sa kanila si Gabino.

Sumulyap ako kay Gabriel na nanatiling nakatayo lang sa tabi ko.

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon