CHAPTER 39: Alexander Gamboa
Stephanie's POV:
"Huh? Di kita gets!"-- sabi ko kay Alex. Ehh sabi niya kasi may plan daw siya para malaman ko kung may gusto ba talaga sa akin si Zake.
"I mean... pwede tayong magpanggap na mag-on tayo."-- nakangiti niyang sagot habang nakatingin sa waiter na kakaabot lang sa amin nung inorder namin na pagkain.
"HAH?!?! HIBANG KA BA?!? Baka kung ano na lang ang isipin sa akin ni Zake noh!"-- sabi ko sabay sip sa whatever chorva na inumin na ibinigay sa akin nung waiter.
"'Yun nga ng point dun ehh! Kapag pinaglaban ka niya, ibig sabihin... mahal ka niya talaga!"-- ngiting ngiting sabi sa akin ni Alex.
Kung sabagay.. may point siya doon. Kung mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo... kahit na alam mong talo ka na sa maraming aspeto, makakakita ka pa rin ng isang rason para ipaglaban siya.
"Ehh pano kung mag-iba yung tingin niya sa akin?"-- naguguluhan kong tanong.
"Isa pang point 'yun! He should accept you no matter who or what you are."-- he said.
"S-sigurado kang effective 'yan?"-- tanong ko.
"Uhh yeah. Of course. After naman na malaman mo na mahal ka niya talaga, ehh di sabihin natin ang totoo! Unless..."-- he grinned.
"Unless ano?"-- tanong ko habang sinisimulan na ang pagkain.
"Unless mainlove ka sa akin."-- he smirked. Halos mabilaukan naman ako sa pinagsasasabi niya.
"*COUGH COUGH* *inom ng tubig* Aaahhh..."-- sabi ko as a sign of relief sa pagkainom ko ng tubig.
"HOY ANONG SINASABI MO DIYAN?!?"-- sabi ko nang makarecover ako.
"Ehh bakit ba? Kay Zake nga na kaaway mo nainlove ka, sakin pa kaya na mabait sayo?"-- aba assumera 'tong lalaking 'to ahh!
"Kapal nito!"-- I rolled my eyes.
Bigla naman siyang tumayo at pumunta sa may gilid ko.
"Uy san ka pupunta?"-- sagot ko habang may laman pa ang bibig ko. Walang manners? Uso 'yun xD
"Babalik na tayo sa school. Baka mamaya hinahanap ka na ni Zake."-- he smirked habang hinihila ako sa pagkakaupo.
"T-teka... nakain pa ko ah? 'Wag kan bastos!"-- I said sabay tuloy sa pagkain. Aba mahal ko ang pagkain mahigit na sa kahit ano! xD
"Tara na sabiii!!!"-- sabay hila ng malakas sa akin kaya naman hindi na ako nakapalag pa.
Pinasakay na niya ako ulit sa kotse niya at pinaharurot ito. Bakit ba ang excited nitong lalaking 'tong bumalik sa school?!? >O< Sigurado akong nandoon pa rin ang Zake na 'yun dahil sa picture-an nila nung kapartner niyang hinalikan niya!!! >_________<

BINABASA MO ANG
I'm inlove with a "GHOST"?!? [Completed+Specials]
Teen FictionHindi 'to horror :) Rom-Com to xD Isang awkward at weird na story galing sa awkward at weird na author: Kwento ng babaeng nagmumultu-multuhan xD. Ehh paano kung mainlove sa kanya ang lalaking mortal niyang kaaway sa katauhan niya bilang multo?!?! Na...