[a/n: yey! Nangangalahati na tayo sa kwento! XD mwehehe. Pengeng votes *u*]
CHAPTER 26: Joanne's confession [the great pretender]
Stephanie's POV:
Waaaah~
This is the day!!! Kinakabahan ako!!!!
Eto na 'yung araw na magpeperform kami para sa play sa school. I'm so nervous! Lalo na't isa sa mga lead roles ang nakuha ko. I don't get Joanne's point kung bakit siya nakipagpalit ng role sa akin.
Tutal naman ay magaling si Joanne, nagets niya kaagad yung role na ghost. Sunod-sunod ang events ngayon sa school. Bukas, halloween party naman. Bale itong play kasi naman 'yung nagsysymbolize na start na ng halloween. Kaya nga ghost yung theme di ba? -______-
"Everyone get ready!!!"-- nagsalita na yung organizer nung theater club habang nasa back stage kaming lahat at naghahanda na para sa presentation namin.
Habang lahat kami kinakabahan sa backstage, nagsalita na yung emcee mula sa stage na magpeperform na nga kami.
"Let's give a round of applause to Arts Club who will perform 'The Mirror'"
Opo. The mirror yung title kasi everyone who's going to look at the mirror will die in a curse. Pero kailangan mapigilan namin yung chain nung curse at isa ako sa makakapigil kaya nga isa ako sa mga lead roles. Bale may pagkamusical 'tong gagawin namin kaya lang more on thrilling music.
Ayan na nga! Tinawag na kami. Ako ang unang unang papasok dahil ang nakalagay sa script ay ako yung bibili nung mirror.
A kind of classical music is playing. Tapos susunod na papasok yung ghost pero sa script, akala ko ay guni-guni ko lang yung multo.
Pumasok si Joanne sa stage dahil nga siya ang ghost. Sa may peripheral vision ko, nakikita ko ang audience. And somebody caught my eyes. Isang lalaking nakatayo sa may gilid ng stage.
I saw Zake na titig na titig kay Joanne.
Parang nagloading pa sa utak ko ang mga nangyayari...
'Wag mong sabihing...
Inakala ni Zake si Joanne 'yung ghost?!
Napahinto ako sa pag-arte ko at parang naistock lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig ako kay Zake. I looked at Joanne, she gave me an evil grin which is hindi naman kasama sa script.
Late na yung act ko sa music. Sh*t ako ang panira sa play na 'to!!! Hindi ko na tinapos yung scene ko at hindi na lang ako nagpahalata na nalate ako sa scene. I ran backstage. Why am I acting like this anyway?!?
At syempre pagka takbo ko backstage, ano pa bang inaasahan?! Eh di galit silang lahat sa akin!!!
"Ano bang nangyari sayo?!"-- tanong nung club president namin.
"Sorry..."-- ayan na lang ang naisagot ko habang lahat ng kasama ko sa group, ang sasama ng tingin sa akin.
Maya-maya lang din ay pumasok na si Joanne sa backstage at dumaretso agad sa akin. Hala? Baka pagagalitan din ako ng isang to!
She smirked,"Nice show Steph!"
Ohhh... kay?! What's nice about that?!
Maya-maya lang din ay natapos na ang play though hindi kami satisfied lahat sa kinalabasan dahil nga sa kagagahan ko!
Pagkalabas na pagkalabas namin sa backstage, syempre magkakasama kaming tatlo (ako, si Aiko at Joanne). Nagulat naman ako ng biglang lumapit si Joanne kay Zake na kasama ang buong tropahan niya. Kung nagkabati na si Lloyd at Troy? I dunno.
Pagkalapit na pagkalapit ni Joanne kay Zake, halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"Zake... sorry sa pagpapanggap ko hah..I just wanna have some fun... pero Zake... ako si miss ghost. Hindi ko naman akalain na maiinlove ka pala sa akin..."
WHAT THE FVCK?!?!
O_____________O?
Hindi makareact si Zake sa mga nangyayari. Halatang gulat na gulat ang lahat sa revelation-kuno ni Joanne. Ganun na rin si Aiko sa kasinungalingan nito.
Eto ba ang dahilan kung bakit siya nakipagpalit ng role?! Dahil si Zake ang taong gusto niya?!?! At para magpanggap na siya ang ghost na kung saan nainlove si Zake?!?!
"Hindi ka ba masaya Zake?! Na totoo ako?Na hindi ghost ang minamahal mo?!"-- Joanne.
Nakatulala lahat sa mga nangyayari at nagulat ako nang biglang yakapin ni Zake si Joanne.
Nung una akala ko magagalit si Zake, AKALA LANG PALA.
Parang may masakit sa puso ko na napukpok. Sa hindi ko malamang dahilan, parang nasasaktan ako sa nakikita ko.
Tumakbo ako papalayo sa kanila at alam kong sinundan ako ni Aiko. Hindi ko namalayan, natulo na pala ang luha ko. Huminto ako sa pagtakbo and I aggresively wiped my tears away gamit ang palad ko.
Naiinis ako!!!!
Bakit ka ganyan Joanne?!?!
Ikaw naman Zake! Bat ka naniwala?!
At ikaw Steph! Bakit ka ba nagkakaganito? Bakit ka ba nasasaktan?! Bakit ka ganyan kaapektado???!
:'(
BINABASA MO ANG
I'm inlove with a "GHOST"?!? [Completed+Specials]
Teen FictionHindi 'to horror :) Rom-Com to xD Isang awkward at weird na story galing sa awkward at weird na author: Kwento ng babaeng nagmumultu-multuhan xD. Ehh paano kung mainlove sa kanya ang lalaking mortal niyang kaaway sa katauhan niya bilang multo?!?! Na...