CHAPTER 36: Ms. Rank 1 meets Mr. Rank 1... AGAIN.
*FLASHBACK: 3 months before graduation*
Joanne's POV:
Naandito ako ngayon sa **** University. Titignan ko kung pangilan ang rank ko sa entrance exam. Sus! Alam ko namang papasa ako sa walang kwentang test na yun!
Tinignan ko 'yung result...
TOP 5 STUDENTS
5.) Chezca Surigao- 94% (BS Math with applied Science)
4.) Justin Delos Reyes-96% (BS Medical Technology)
3.) Apple Fate Gonzales-96.5% (Fine Arts) [character sa 'SHET. An ganda ko!]
2.) Lychee Ramirez-98.8% (Political Science) [character din sa 'SHET. Ang ganda ko!]
1.5) Joanne Bartolazo-99.2% (BS Accountancy)
1.5) Air Aquino- 99.2% (BS Accountancy)
Asdfghjkl?!?!
Bwiset. May ka-tie ako?!? Shete. Tapos... tapos si Air pa?!?! GRRR. Tapos pareho pa kami ng course >_<
"Looks like we got the same rank..."-- biglang may nagsalita sa likod ko. Hinarap ko siya at nakita ko si Air.
"Bobo ka ba?!? Anong 'looks like' ehh kitang kita na nga!!!!"-- inis kong sabi.
"Anong sabi ng pinagmamalaki mong 'Law of Imprenetrability' na walang makakapunta sa pwesto ng isa habang nandoon pa ang isa? Ehh kita mo... nasa iisang pwesto tayo..."-- sabi niya patukoy doon sa rank.
"Because our names are not bodies. And our names can go at the same place at the same time... but! Tatalunin kita!!! Sinasabi ko sayo!!! Tatalunin kita!!!!"-- I said full of confidence then I leave.
*END OF FLASHBACK*
"KAYA KO TO!!!"-- I said to myself as I enter the school building. Blockmates nga pala kami ni Air and I'm thankful for that. Mas mabilis kong maeestimate ang talino niya.
"Hey Joanne..."-- I heard someone behind my back calling my name.
"Oh Air?"-- sabi ko nang makita ko siya.
"First day ng college life. Nakakakaba noh?"-- sabi niya saka siya sumabay ng paglalakad sakin.
"Not really. Confident ako na matatalo kita."-- sabi ko sabay smirk.
"Woah woah! Wala ka atang ginawa nung bakasyon kundi ang mag-aral ehh? Lakas ng pananalig mo noh! Pero okay lang... di naman bawal mangarap..."-- he smirked sabay lalo siyang lumapit sa akin. Feeling close
"Oy wag mo nga akong lapitan! Alam mo yung lesson sa Physics na 'charging'? It's kapag nagkakalapit or rub ang dalawang bodies... it's either nililipatan nung charge yung isa... o kinukuhanan ng charge yung isa. Kaya wag kang makalapit lapit sa akin kasi baka mamaya kinukuhanan mo na ako ng swerte at talino!"-- sabi ko sabay layo sa kanya.
"Oh really? Alam mo...lahat na lang kinoconnect mo sa Science!!! Tao tayo Joanne at hindi subject!!!"-- sabi niya sabay layas.
"WE MUST CONNECT EVERYTHING. THAT'S WHY IT'S CALLED LESSON! WE SHOULD INSERT IT NOT ONLY IN MIND, BUT ALSO IN HEART!!!!"-- sigaw ko sa nakakalayo na na si Air. Nagwave lang siya. Ugh!!! Whatever Air! I'll show you that I am better than you are!!! He's not connecting everything, huh? That's why boys are smarter than girls and girls are WISER than boys.
Nag-ayos na ko ng sarili ko bago ako pumasok ng room. Makikita mo Air!!! Mas magaling ako sayo! Tatalunin kita!!! MWAHAHAHA.
Pumasok ako ng room at sa kabutihang palad naman, wala pang professor. Umupo ako sa may malayo kay Air dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya pero nagulat ako nang bigla siyang tumabi sa akin.
"HOY. KAYA NGA AKO DITO PUMWESTO PARA HINDI KA MAKATABI TAPOS SUSUNDAN MO AKO?!?"-- asar na asar kong sabi sa kanya.
"Psh. As your rival, kailangan kitang bantaya. Baka mamaya mangopya ka bigla ehh! Unfair yun!!!"-- sabi niya.
"GRRR. You!!! ANG KAPAL NG MUKHA MOOOO~"-- sabi ko sabay tulak sa kanya.
"Jack en poy tayo! Ang matalo, siya ang masusunod!!!"-- he smirked.
"I won't play your stupid games!"-- sabi ko sabay irap sa kanya.
"Ehh di dito ako uupo!"-- sabi niya sabay ngiti.
"Grrr. Okay okay!!! But I promise that I'm going to win!!!!!"-- I shouted.
He smiled. Okay this is it.
Nagharapan kami at nagsimula nang nagjack en poy.
[Sa mga hindi nakakaalam ng larong to, (kung meron man xD) ang scissor ay talo ng rock. Ang rock ay talo ng paper at ang paper ay talo ng scissors.]
[ Joanne:
Sa larong to, gunting ang kadalasang inuuna kaya naman bato kaagad ang uunahin ko dahil talo ang gunting sa bato. >:)]
[Air:
Bato ang uunahin ko kase sigurado akomg guntinf ang uunahin niyan.]
"Jack en poy, hali hali hoi. Sinong matalo siyang unggoy!"
Joanne-> rock
Air-> rock
[Joanne:
Grrr. I wont lose!]
[Air:
Bakit bato din yung kanya?!? >_<]
"Jack en poy, hali hali hoi. Sinong matalo siyang unggoy!"
Joanne-> paper
Air-> paper
Lalong nagiging intense ang laban...
"Jack en poy, hali hali hoi. Sinong matalo siyang unggoy!"
Joanne-> scissors
Air-> scissors din
"Jack en poy, hali hali hoi. Sinong matalo siyang unggoy!"
Joanne-> paper
Air-> paper
"Jack en poy, hali hali hoi. Sinong matalo siya—"-- bigla kaming napatigil sa paglalaro ni Air nang biglang may pumasok na prof.
"You! Both of you! Get out of my class! You're not a child anymore so stop playing!!!"-- lagot.
P-pinalabas ako ng klase?!? First time to ahh! Nakuuu. Papatayin talaga kita Air!!!
Nagsmirk si Air at tumayo,"Ano bang ilelesson mo ngayon ma'am?"
"Thermodynamics."-- sabi nung prof with a raised eyebrow.
"Psh. Kahit nakapikit ako kaya kong sagutan yun! Tara na Joanne! Lumabas daw tayo ng room di ba?!"-- then hinila niya ako.
"Ikaw kaya mong sagutan, ehh yang babaeng yan?!?"-- sabi nung prof kay Air referring to me. Grrr. Hinahamon ba niya ang talino ko?!?
"Oh this girl? Mas matalino pa to sayo."-- sabi ni Air sabay hila sa akin palabas ng room.
Si Air...
Pinagtanggol niya ako?!?
Ang babaw ko. Sa kaunting ginawa niyang yun, bakit parang sobrang natuwa ako?!?
BINABASA MO ANG
I'm inlove with a "GHOST"?!? [Completed+Specials]
Teen FictionHindi 'to horror :) Rom-Com to xD Isang awkward at weird na story galing sa awkward at weird na author: Kwento ng babaeng nagmumultu-multuhan xD. Ehh paano kung mainlove sa kanya ang lalaking mortal niyang kaaway sa katauhan niya bilang multo?!?! Na...