SPECIAL CHAPTER: Jemmima and Miko XD

2.5K 52 12
                                    

SPECIAL CHAPTER: Jemmima and Miko XD

Miko's POV:

*tingin sa cellphone*

Ilang tingin na ba sa cellphone ang ginagawa ko ngayong araw?!?! Hindi ako mapakali eh! Paano ba naman gustong makipagkita ngayon sa akin ng EX GIRLFRIEND KO. Oo. Tama. Ex ko! At eto namang kapatid ko na si Steph, hindi pa umuuwi magmula kagabi! Noong tinawagan ko naman si Aiko, sabi niya, wag na daw akong mag-alala. Nasa safe hands daw si Steph. Kapag nalaman ko lang na may lalaki yang kasama! Ayyy nako!

Bigla namang nagring yung cellphone ko, it's Jemmima. She's calling.

I answered the phone,"Hey!"

[Miko, I'm on my way...]

"Okay! Pupunta na rin ako..."-- sagot ko naman na parang... kinikilig?! Damn. What is this??! Bakit akala niyo ba babae lang ang kinikilig?! Doble pa nararamdaman ng lalaki nuh! -_________-

[Sige sige.. bye!]

Then she hunged up. Ngayon ko na lang ulit siya nakausap sa phone. After so many months... nakakamiss rin pala.

Paano nga ba kasi nagsimula ang lahat?

*FLASHBACK*

"SHEEEEET!!!!!!!! MAMATAY NA KAYONG LAHAT! MGA WALANG KWENTANG NILALANG! MGA MANGAGAMIT! MGA MALALANDI! MGA BWISET!!!!!"-- bigla akong nagising mula sa pagkakatulog ko sa roof top ng school nang may biglang nagwalang babae doon at sumigaw ng sumigaw na para bang naglalabas ng sama ng loob.

*yaaaaaawn....!!!!*-- humikab ako saka ako umupo mula sa likod nung babae tapos nagkuskos ng mata. Minsan na nga lang hindi mahuli sa pagcucutting sa university na 'to... may umepal pa!

Bigla namang humarap sa akin 'yung babae noong maramdaman niyang may tao pala sa likod niya saka siya nagsungit. Oo! Siya pa ang may ganang magsungit hah!

"HINDI MO BA NAKIKITANG NAGEEMOTE AKO DITO TAPOS EEPAL KA NG PAGHIKAB MO?!?!?!"-- O__________O. Grabe siya. Hindi ba niya ako kilala? Isang hearthrob lang naman ako sa school na ito! Pero syempre, ilang buwan na lang, gagraduate na rin naman ako sa University na ito at magtatrabaho na. Kaya sorry na lang sila, wala ng gwapo! Hahaha joke.

"Hahaha! Calm down miss! Ako nga itong naistorbo mo ehh!"-- natatawa tawa kong sabi.

"HAH! ANONG IKAW?!?! EHH NAGCUTTING KA LANG NAMAN!!!!!!"-- bwiset na bwiset niyang sabi.

"Ehh ano bang inimamaktol mo diyan?!?!"-- sabi ko habang natayo mula sa pagkakaupo.

"EHH KASI!!!!! GRRRRR... MGA MANGGAGAMIT ANG TAO NGAYON!!! TIGNAN MO YUNG EX KO! IPAGPAPALIT NA NGA LANG AKO, SA MUKHA PANG HIPOPOTAMUS!!!!!!!"-- natawa naman ako sa sinabi niya. Hahahaha! Nakakatuwa 'tong babaeng to. Walang pake kung anong itsura niya sa harapan ko. Galit kung galit hindi tulad ng iba na pacute masyado.

"Gusto mong bumalik siya sayo?!"-- tanong ko sa kanya habang nakapamulsa.

"WAG NA LANG!"-- nagaalinlangan niyang sabi.

"Weh?! Pwede naman eh!"-- I said playfully.

Bigla namang nagningning ang mga mata niya,"T-TALAGAAAA?!?! *u*"

Kunyari pa daw ayaw pero kulang na lang maging kwitis ang mata niya!

"Oo.."-- mahinahon kong sabi.

"PAANO?!"-- bigla namang parang naging interested siyang makipag-usap sa akin.

"Magpapanggap tayo..."-- ako.

"Magpapanggap na???"-- nagtataka niyang tanong.

"Na tayong dalawa. Pagselosin mo at malalaman niya na ikaw talaga ang mahal niya at hindi ang 'hipopotamus' na 'yun!"-- sabi ko habang nag-aact ng quotaion mark sa salitang 'hipopotamus'

I'm inlove with a "GHOST"?!? [Completed+Specials]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon