CHAPTER 40: I will
Joanne's POV:
"YOW. GOODMORNING!"-- pagpasok na pagpasok ko pa lang ng University, may unggoy na agad na sumalubong sa akin. Lagi siyang ganyan, ewan ko kung hinihintay ba niya talaga ako sa gate o nagkakataon lang.
"YOW KA REN!"-- sigaw ko. Ehh parang siga kasi siya magsalita. Nakakaiirita.
"Hindi ka ba marunong magsalita ng 'goodmorning rin'?"-- tanong niya habang sinusundan ako sa paglalakad.
"Well depende sa kausap ko. What's good about the morning if I am going to see your face????"-- taas kilay kong tanong habang patuloy sa paglalakad papunta sa subject ko.
"Well everything would be good."-- he smirked. Ang yabang talaga!!!
"Ang hangin mo rin noh! Ayy sorry! Ikaw nga pala mismo yung hangin, Air!!!!"-- irap ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Psh. Kailan pa naging hangin ang tao?"-- pamimilosopo niya.
Hindi na ako nakipagtalo pa. Baka mamaya maihagis ko na to sa fountain near us.
"Kung pwede ka lang sanang sipain sa waterfall! Ayy naku!"-- bulong ko.
"Waterfall ba kamo?"-- hala narinig pala.
"Oh ehh ano?"-- walang gana kong sagot.
"Okay lang basta kasama ka."-- ngisi niya.
"Bakit naman ako sasama?!?!"-- tuloy pa rin ako sa paglalakad at nawawalan na ako ng gana na kausapin siya.
"You know what, James Prescott Joule is the scientist that studied the nature of heat. You know how did he measured the heat??? It's because he spent his honeymoon... near a waterfall..."-- he seductively said habang nabulong na sa tenga ko. So ibig niyang sabihin...
O_O
Honeymoon?!?!?! Ako?!?! Sasama sa kanya?!?!?!
He left me after he whispered and left me standing there, speechless.
H-H-HONEYMOON... Y-YUCKKKK!!!
---
Stepahanie's POV:
"KAINISSSS!!!!!"-- pang 100 na sabi ko na ata yang saitang yan kay Aiko. Paano ba naman si Zake, nagalit!!!! Sabi niya, bakit daw naunahan daw siya ni Alex sa akin??? Naunahan?!?!? What the? Naunahan saan?
"Ehh bakit kasi ayaw mo pang sagutin! Dami mong arte ehh! Yan tuloy nambababae na naman!"-- yes you heard it right. Nangbababae na naman ang mokong na yun!
"Ehh pano ko sasagutin kung ganyan siya?? Oh kita mo nakikipaglandian pa?!?! Kaasar!!!"-- naiirita kong sabi.
"Ehh kasi ikaw naman ang may kasalanan Steph eeh!!! Lalandi ka lang, sa kapatid pa nung nang agaw sayo dati kay Joshua."-- sabay irap ni Aiko.
KAPATID?!?!?! NINO?!?!?! SINO!?!?!
"HUH?!"-- naguguluhan kong tanong.
"Hindi mo alam? Di ba usap-usapan na kapatid nung Crishelle si Alex?"-- halos mabilaukan ako sa narinig ko kay Aiko.
O_O
"S-sigurado ka???"-- nagpipigil ng galit kong tanong.
Tumango naman si Aiko na parang inosenteng bata.
UGH!!!! THAT TWO!!! MAGKAPATID NGA SILA!!! Aba! Niloloko siguro ako nung Alex na yun para magpanggap kami!!! Para ano? Sirain na naman ang lovelife ko?!?! URGH.
I dialed his number... after three rings, he anwered.
[Hello Nie?]
"YOU!!! KAPATID KA NI CRISHELLE! HOY. TRIP NA TRIP NIYO BA AKONG MAGKAPATID HAH?!"-- ang O.A. ko siguro tignan. Pero kasi hindi din naman mapipigilan maging O.A. minsan lalo na kung nasaktan ka na at ayaw mo nang maulit pa 'to.
[N-nie.. Hindi kita niloloko. Gusto talaga kita. Let me—]
I cutted him off,"Let me explain? Yan ba ang sasabihin mo? Oh sige. Apology accepted pero wag na wag ka ng lalapit sa akin!"
[Nie naman! Let's talk about this! Kaya ayokong sabihin sayo na kapatid ko si Crishelle ehh! Kasi mag-iisip bata ka!]
AKO?! ISIP BATA?!? O_O
"A-anong sabi mo?!?!"-- medyo naiinis ko pa ring sabi.
[Nasan ka? Pupuntahan kita! Intayin mo ko diyan! Nasa cafeteria ka ba? Ohh sige sandali lang!]
He hanged up.
Walanghiya mo! Hindi ko pa nga sinasabi kung nasaan ako nahulaan niya kaagad?!
Wala pang 3 minutes, dumating na si Alex na pagod na pagod. Yung mga girls naman dito, nagsimula nang magtilian.
"Nie..."-- he began.
"Oh?"-- ayokong maging O.A. na. Natauhan ako nung sinabihan niya ako na magiisip bata daw ako.
"Hindi kami pareho ni Crishelle. She's naughty, I'm nice."-- umupo siya sa tabi ko.
Si Aiko naman, halata mong gusto nang umalis kasi out of place siya. Pero nilalakihan ko siya ng mata as a sign na wag niya akong iiwan dito.
"Ehh bakit kasi hindi mo sinabi sa akin? Hindi naman ako mag-iisip bata ahh!"-- kaswal kong tanong.
"Ehh baka magalit ka sakin just like now."-- mahinahon niyang sabi.
"Kaya ako nagover react kasi nilihim mo pa. Nakakagulat kaya yun!"-- mahinahon kong sagot.
Hindi ako natingin sa kanya nang may maramdaman akong kamay na yumakap sa akin...
I looked at him,"Huy Alex???"
"Wala... ang bait mo kasi... kaya gustong gusto kita."
---
Zake's POV:
SHT. T*ngina! Tignan mo naman?! Magkayakapan si Stephanie at Alex?!?! Hah. Ang kapal! Ehhh sakin nga hindi nagpapayakap si Steph ehh! Ni hindi ko nga siya nalalapitan nang sobrang close ever since nung nangligaw ako sa kanya tapos itong Alex na to?!?!? HAH. Ang kapal!!! Nakakainis.
Lumalandi siya sa Alex na yun? Ehh di ako din mambababae. Kung sa bagay, ano nga bang karapatan ko kay Steph ehh hindi pa naman kami di ba? UGH. Ang possessive ko lang!
"Bro, stalker ka na ngayon?"-- nagulat ako nag makita ko ang tatlong mokong at isang babae sa likod ko. Si Tonton, Troy, Lloyd at Shaira.
"Shut up Troy!"-- I said.
"Alam mo Zake, kung pinapakita mo kaya kay Steph na ayaw mo siyang maagaw ng iba? Ang sweet nun noh!"-- sabi ni Shaira.
"Oo nga! Sa tingin mo sasagutin ka nun pag nangbababae ka?!"-- pagsang-ayon ni Tonton.
"Feeling mo kasi Zake, kayo na. Wag kang excited."-- mahinang sabi ni Lloyd. Ugh! Tagusan magsalita tong mga to! Nakakimbyerna!
"Kung hindi ka hahabol, tuluyan kang mauunahan."-- Troy smirked.
"Bro hindi ko kasi magets ehh! Sabi ni Alex, naunahan na daw niya ako kay Steph... anong naunahan?!"-- naguguluhan kong tanong.
"What the?! Bro! Grabe naman yun!"-- sabi ni Troy.
"Naunahang maidate si Steph. Yun ang meaning ni Alex. Wag kayong green minded! Dudumi ng utak niyo ehh!"-- sabi ni Shaira.
"Pano mo naman nalamang yan ang meaning ni Alex?"-- tanong ni Tonton.
"Never doubt a woman's instinct. Saka nakita ko sila kahapon sa isang resto. Wala akong pasok kahapon ehh. Tapos ayun sinundan ko sila kaya I know that nothing happened."-- sabi ni Shaira sabay wink.
"Yuck nagwink pa!"-- kontra ni Troy.
"UGHHH... WALANGHIYA KA TALAGA TROOOY!!!!!"-- at naghabulan na sila sa loob ng campus =__=
Tinapik ako ni Tonton sa balikat ko,"Bro, within this week, dapat mapasagot mo na siya."
I smiled,"I will."
---
[a/n: anyenye? Ang pangit ng UD AHAHA. Thanks sa wait! Feeling ko namiss niyo ang tropahan kaya binalik ko sila mwahahaha xDD Tapos ayun may moment din si Joanne at Air. Mas marami pa atang gusto ang love team ng dalawa kesa sa love team ng dalawang bida xD. Votes and comments are higly appreciated!]
BINABASA MO ANG
I'm inlove with a "GHOST"?!? [Completed+Specials]
Teen FictionHindi 'to horror :) Rom-Com to xD Isang awkward at weird na story galing sa awkward at weird na author: Kwento ng babaeng nagmumultu-multuhan xD. Ehh paano kung mainlove sa kanya ang lalaking mortal niyang kaaway sa katauhan niya bilang multo?!?! Na...