CHAPTER 42: Necklace

2.4K 56 12
                                    

CHAPTER 42: Necklace

Alex's POV:

Dalawang linggo na akong tulala. Hindi  ako makkapaniwala. Sila na? Ni hindi pa nga magsisimula ang laban naming dalawa ni Zake para kay Nie, talo na kaagaad ako?!?

Pakshit.

"Alex!"--  kumaway si Lerie. Haysss... eto na naman siya. Napakakulit.

Simula kasi nung sinagot ni Nie si Zake ehh, palagi na lang niya akong kinukulit. Nakakairita na nga ehh 

Lumapit sa akin si Lerie nang may malaking ngiti,"Hi Alex!"

"Go away."-- for the 100th time, sinabi ko sa kanya ang mga katagang 'yan.

Nagpout naman siya at parang hindi man lang ininda yung sinabi ko.

Hinawakan ako ni Lerie sa kamay at hinila ako.

"O-oy, san mo ko dadalhin???"-- tanong ko pero tuloy pa rin siya sa paghila sa akin.

Nagtitinginan na yung ibang students sa amin but she doesn't care. Tumingin ako sa masaya niyang mukha na para bang inosenteng batang walang pakialam kung madapa siya sa kakatakbo niya. Napasmirk ako, salamat Lerie.

Matapos ang mahabang pagtakbo ehh huminto kami sa music room ng school.

"A-anong ginagawa natin dito?"-- nakataas na kilay na sabi ko.

Ngumiti siya,"Uhm, Alex, tanda mo dati? Nung bestfriends pa tayo? Di ba, kapag nalulungkot ka, kakantahan kita?"

Nanglaki ang mga mata ko,"D-dati yun."

Ngumiti pa rin siya,"Hmm... wait. Diyan ka lang hah... makinig ka sa kakantahin ko."

Tinalikuran niya ako at kinuha niya yung gitara sa music room at umupo sa may gilid.

"Ayoko. Wag ka nang kumanta. Aalis na ako."-- tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad.

Narinig kong huminga siya ng malalim,"Alex! Last favor ko na to sayo. Pleaaaase?"

Masaya pa rin ang boses niya. Bakit ba nagpapanggap kang masaya Lerie?

"Wag mo nang saktan ang sarili mo Lerie, kalimutan mo na ako."-- umalis na ako sa kwartong 'yon at sinarado ang pinto. Pero pagkalabas na pagkalabas ko ay napahinto ako nang marinig kong nagstrum na siya ng gitara niya.

Sumandal ako sa nakasaradong pinto at pinakinggan siyang kumanta. Kumbaga hindi niya ako nakikita at buong akala niya ehh umalis na ako.

Inilapit ko ang tenga ko sa pintuan at narinig ko siyang nagsosob. Teka, naiyak ba siya?!? Napakunot ang noo ko, hindi ko deserve ang luha mo Lerie. 

Hindi ko alam pero kusang hinawakan ko ang knob ng pintuan at inikot ito para puntahan si Lerie sa loob pero napahinto ako nang nagsimula na siyang kumanta.

---

Lerie's POV:

Now playing: Invisible

"She can't see the way your eyes will light up when you smile

She never noticed how you stop and stare whenever she walks by

And you can't see me wanting you the way you want her

But you are everything to me"

Tuloy tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Itinatanong ko sa sarili ko kung bakit sa dinami rami ng lalaki, si Alex pa?!? At kung bakit sa dinami rami ng ginawa ko para sa kanya, wala man lang ni isa siyang pinahalagahan.

I'm inlove with a "GHOST"?!? [Completed+Specials]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon