CHAPTER 41: Saying "Yes"

2.4K 66 20
                                    

CHAPTER 41: Saying "Yes"

"Ah.. ehh Alex?!?"-- pinilit kong alisin ang ulo ni Alex na nakasandal sa balikat ko. Nakakailang kasi. Hindi ako sanay na may lalaking naglalambing sa akin.

"Ay... sorry!"-- agad naman na bumangon si Alex mula sa pagkakasandal sa balikat ko.

"HOY MR. ALEX OR WHOEVER YOU ARE!!! PWEDE LAYUAN MO NA SI STEPH?!? NAKAKASIRA KA NG LOVELIF--" -- si Aiko pero siningitan ko siya habang nagsasalita siya.

"Aiko ano ba?"-- sabi ko. Para kasi sa part ni Alex ay nakakabastos naman kung sisigawan siya nitong ni Aiko ehh hindi naman sila close.

"Why Steph?!? 'Wag mong sabihing mas gusto mo na siya kaysa kay Zake?!? Psh.  Kapatid siya ni Crishelle,remember? And besides, kung ako sayo, sinasagot ko na kasi si Zake... who knows? Baka ipagpalit ka niya..."-- mataray na sabi ni Aiko sabay kinuha ang bag niya at umalis.

Ako naman, naiwang tulala...

Paano kung ganoon nga???

Papano... papano kung ipagpalit nga ako ni Zake?!?! Ayoko... ayokong mangyari 'yun.

"Ah ehh... A-Alex... I have to go!"-- sabi ko sabay tayo sa kinauupuan namin. 

Hindi ko alam kung bakit ako tumayo, basta ang alam ko, ayoko sa thought na iniwan sa akin ni Aiko.

---

Lerie's POV:

Naandito na naman ako, nakatanaw sa malayo at pinagmamasdan ang bawat kilos ni Alex. Bakit kasi ganun?!? Bakit kasi ang unfair?!?! Ako ang laging nasa tabi niya, kapag may problema siya, isang tawag niya lang darating  na kaagad ako. Pero bakit ganun?!? Si Steph pa rin ang gusto niya?!? Si Steph na hindi naman siya pinapansin! Si Steph na may gustong iba! I love him... he loves her and she loves another. No one's happy. How ironic.

"Girl, tulala ka na naman..."-- I was back to reality nang nagsalita si Kate, bestfriend ko.

"A-ah???? H-hehe..."-- I simply answered.

"Bakit kasi ayaw mo na lang siyang palitan diyan sa puso mo?!?"-- she said sabay turo sa may parteng puso ko.

"Hind ko kaya..."-- mahina kong sagot.

"Hindi mo kaya?!? Ehh papano kapag ganyan din ang sagot sayo ni Alex kapag sinabi mong ikaw na lang kaysa kay Steph??? Papano kung ang sagot din niya ay hindi niya kaya???"-- seryosong tanong sa akin ni Kate.

Napailing ako,"Hindi ko alam Kate... Akala ko, mahirap nang magsabi ng 'I love you'... pero mas mahirap palang sabihing 'Please love me too' "

"Artiii mo tii!!!"-- sabi ni Kate sabay roll ng eyes.

I'm inlove with a "GHOST"?!? [Completed+Specials]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon