Prologue

123 11 2
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

(This story is unedited. It might have typographical and grammatical errors.)

All Rights Reserved 2021______________________________________________________________________________________________________________________

                              ***

"Colai kinakabahan ako sa gagawin natin baka pagalitan ako ng parents ko"kinakabahan kung sambit habang nakakapit sa braso ni colai.

"Don't worry hindi naman nila malalaman kung hindi mo sasabihin sa kanila at kung bibilisan lang natin yung lakad para walang makakita sa'tin"saad nito habang nakamasid sa buong paligid.

"Sigurado ka bang hindi tayo mahuhuli?"paninigurado ko.

"Oo nga kasi may meeting yung mga teachers ngayon kaya tumahimik ka na jan ako ang bahala sayo"sagot nito.

Talaga lang ah!

Lakad lang kami ng lakad hanggang sa makarating na kami sa may gate sa likod ng school hindi naman masyadong mataas ito.

"See i told you may gate dito"anito

"Pano mo nalaman?"takang tanong ko dito.

"Kay josh,akin na bag mo"saad nito.

Ibinigay ko naman dito yung bag ko at isinukbit nito sa kanyang balikat wala kasi siyang dalang bag sipag kaya nito.

"Ako muna ang unang aakyat tapos pag naka baba na ako sumunod ka para maalalayan kita"paliwanag nito at tumango naman ako.

Maingat ito na umakyat kasi may mga matulis na bakal at dahan dahang bumaba.

"Dali akyat ka na"saad nito.

Sinubukan kung umakyat pero hindi ko kaya kasi naka-palda ako at ang ikli pa ng short ko.

"Hindi ko kaya colai"reklamo ko dito.

"Hubarin mo muna yang palda mo I'm sure naka-short ka naman"suhestiyon nito

"Ayoko ang ikli ng short ko"reklamo ko

"Dali na baka may makakita sa'tin"anito

Triny ko ulit umakyat at success naka-akyat din ako pero natatakot akong bumaba.

"Sese jump"saad ni colai

"Gago ka ba pano kung pagtalon ko masubsob ako jan sa sahig"kinakabahan kung sambit.

"Sige sasaluhin nalang kita daliiii"aporadong sambit nito.

"Hoy bata bumaba ka jan!"boses ng lalaki na sumisigaw.

Lumingon naman ako sa kanan pero wala naman akong nakita at nung paglingon ko sa kaliwa nakita ko si kuya guard na papalapit sa dereksiyon namin kaya lumingon ako agad kay colai.

"Sese jump!"natatarantang sambit nito.

Wala akong nagawa kaya tumalon nalang ako dahil sa kaba at putrages sumabit yung dulong tela ng palda ko sa gate.

"Colaiiiii"naiiyak kung tawag sa pangalan nito.

Tinawanan muna ako nito bago tulungan, pinunit nito yung dulong tela ng palda ko at mabilis na hinigit at saka tumakbo kami ng mabilis.

Pagdating namin sa may playground agad kaming umupo sa may dalawang bakanteng duyan na hingal na hingal.

"HAHAHAHAHA..HAHAHAHA"tawa ni colai habang hinihingal.

Sinapak ko naman ito sa braso ng malakas dahil sa inis.

"Aray HAHAHAHAHAHA"daing nito at tumawa ulit.

"Tumigil ka nga sa kakatawa hindi ako natutuwa!"inis na saad ko at sinapak ulit siya.

Tawa pa rin ito ng tawa at maya maya tumigil na ito sa kakatawa.

"Ang sakit ng tiyan ko"saad nito habang hawak hawak yung tiyan nito.

"Oh ba't ang tahimik mo jan?"takang tanong nito na naka-smile.

"Dapat ba akong matuwa na tinawanan mo muna ako bago tulungan ha!?"galit na saad ko.

"Sorry na nakakatawa ka kasi tignan,sabi ko naman sayo hubarin mo muna yung palda mo para makaakyat ka ng maayos,pa ayaw ayaw ka pa kasi kaya ayun ang inabot mo"natatawang sambit nito.

"Sobrang ikli kasi ng short ko at ang nipis pa tsaka hindi ko naman alam na may balak ka palang magcutting class tapos isinama mo pa ako"saad ko.

"Eh hindi ka naman umangal"depensa nito.

"Kasi sabi ng mommy mo bantayan daw kita"paliwanag ko

"C'mon sese hindi na ako bata para bantayan mo malaki na ako"anito at inakbayan ako.

"Tara punta na tayo sa favorite place natin tapos tsaka na tayo uuwi pag uwian time na"nakangising saad nito.

So nagcutting lang siya dahil gusto niyang pumunta sa favorite place namin?lintek ka colai napunit pa yung dulo ng palda ko!..

End of prologue

_________________________________________

A/N: Kakasimula ko palang po gumawa ng story dito sa wattpad so pagpasensyahan niyo po kung may mga wrong grammar at sana magustuhan niyo po yung story ko.

MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now