YSEAH'S POV
Maaga akong nagising ngayon dahil may pasok,excited na ako omg my first day of school with colai at parehas pa talaga kami ng course na kinuha uwu.
Ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba na at pumuntang kusina.
"Goodmorning tita"masayang bati ko dito at hinagkan ko ito sa pisnge bago umupo sa tabi nito.
"Goodmorning din hija,kumain kana para makasabay ka kay nicolai papuntang school"masayang sambit ni tita.
Nalungkot naman ako bigla nung maalala ko yung nangyari kagabi.
"Iniisip mo pa rin ba yung nangyare kagabi hija?hayaan mo pagsasabihan ko si nicolai,wag ka ng malungkot hija first day mo pa naman ngayon sa school dapat masaya ka at energetic para magkaron ka agad ng maraming kaibigan"pagpapagaan ng loob sakin ni tita.
Nginitian ko nalang si tita at nagsimula ng kumain,ng makarinig ako ng mga yapak ng sapatos kaya agad akong napahinto sa pagsubo.
Nilingon ko naman ito at nag-iwas naman ito ng tingin tsaka lumapit kay tita at hinagkan niya ito sa pisngi.
"Morning mom,mauna na ako at hindi na ako kakain may importante pa akong gagawin"saad ni colai at akmang tatalikod na sana ng magsalita si tita.
"Son isabay muna si sese first day palang niya ngayon kaya hindi pa niya alam ang pasikot-sikot sa school niyo tsaka same course naman kayo ng kukunin pambawi muna rin yan sa ginawa mo kagabi"mahinahon na saad ni tita.
"Tsk! fine pero ngayon lang 'to"napilitang saad ni colai at nauna ng lumabas ng bahay.
Sininyasan naman ako ni tita na sumunod na daw ako kay colai.
Dali-dali naman akong lumabas ng bahay at akala ko ay pagbubuksan ako ng pinto ni colai pero nadismaya ako ng diri-diritso itong naglakad at naunang pumasok sa kotse nito kaya binuksan ko nalang yung backseat at tsaka naupo ng tahimik.
"Do i look like a driver to you?"cold na tanong nito.
"Pardon?"takang tanong ko dito.
"Tss sit here beside me,I'm not your driver"inis na sagot nito.
"Oh sorry"saad ko at lumabas ng kotse at bubuksan ko na sana yung pinto ng front seat ng umandar ito.
"Colai waitttt"tawag ko dito pero hindi ito huminto.
Talagang iiwan niya ako dito?
Huminto naman ang kotse nito sa medyo may kalayuan sa tapat ng kulay pink na bahay tsaka lumabas ng kotse at lumingon sa direksyon ko.
"Gusto mong sumabay sa'kin papuntang school diba?c'mon yseah run faster"sigaw nito at pumasok na sa loob ng kotse nito.
Nagulat naman ako sa narinig ko hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa tinawag niya ako sa totoong pangalan ko.
*Flashback*
"Sese nalang itatawag ko sayo"nakangiting saad ni colai.
"Colai nalang din itatawag ko sayo"nakangiting saad ko rin dito.
"Kapag tinawag natin ang isa't isa sa totoong pangalan natin ibig sabihin lang non hindi tayo bati o hindi na tayo magkaibigan,understood?"saad ni colai.
"Yes sir"sagot ko at sumaludo pa ako dito at pagkatapos nagtawanan na kami.
*End of flashback*
Bumusina naman ng malakas si colai na nakapagbalik ng wisyo ko.
"Faster malalate tayo!"inis na sigaw nito mula sa bintana ng kotse nito.
Wala akong nagawa kaya tumakbo nalang ako ng mabilis at hingal na hingal na pumasok sa kotse nito sa front seat.
"Mabilis ka pa rin pala tumakbo"nakangising sambit nito.
Pinakalma ko muna yung sarili ko bago siya tiningnan.
"May problema ka ba sa'kin colai?"inis na tanong ko dito pero hindi ito sumagot.
"Kung tungkol 'to sa matagal kung pagbalik then let me explain may rason ako kung bakit natagalan ako sa pagbalik ko dito sa pilipinas"saad ko.
"I don't want to hear your excuses"cold na sagot nito na nakapagpatahimik sakin at pinaandar na ang kotse nito.
Wala kaming imikan hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng school,habang papasok kami sa loob andaming mga babaeng nakasunod sa kotse ni colai wow ganun na ba siya ka sikat dito?
"Wear this"saad nito sabay abot sakin ng black hoodie.
Hindi na ako nagtanong at agad ko itong isinuot.
Pagkalabas palang ni colai ay nagsitilian na yung mga girls,binati niya muna ang mga ito tsaka ako pinagbuksan ng pinto na nakapagtahimik sa mga babae at binabae na nasa paligid.
"Wow ang gentleman mo naman ngayon samantalang kanina tsk!"bulong ko sa sarili ko atsaka lumabas na sa kotse nito.
"Sino siya?"takang tanong ng bakla.
"Sino yang haliparo't na yan?"galit na tanong ng babaeng mukhang clown.
Hindi na muling nagsalita si colai at inihatid na ako nito sa office tsaka siya pumunta sa room.
Pagkatapos kung interviewhin sa office pumunta na kami ni Prof. Hidalgo yung adviser namin sa room,nauna itong pumasok sa loob at sumunod naman ako,may tatlong babae lang dito at pang-apat na ako.
Nahagip naman ng mata ko si colai na nakatitig sakin.
"Sino siya?ang ganda naman niya"rinig kung sambit nung isang lalaki.
"Ang cute mo miss"sigaw nung lalaking kulay red yung buhok.
"Quite,okay listen engineering students you have a new classmate today,kindly introduce yourself ms."prof
"Hi I'm Yseah Finley from Canada"pagpapakilala ko.
"Yun lang Ms. Finley?"takang tanong ni prof at tumango naman ako bilang sagot.
"Okay,sit beside to Mr. Vestro"turo ni sir dun sa may bakanteng upuan at dun sa lalaki.
Sayang naman hindi ko nakatabi si colai nasa likuran ko pa siya.
"Hi"napatingin naman ako dun sa nagsalita.
"Hello"nakangiti na bati ko.
"Ako nga pala si Lance Vestro"pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay niya.
"Yseah Finley"pagpapakilala ko ulit tsaka nakipag-kamay dito.
"So we're friends now?"tanong nito.
"Yeah i guess"natawa naman ito sa sinagot ko.
"Quite"sita samin nung katabi ni colai dahil nagdidiscuss na pala si prof.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...