Special Chapter 1

24 6 0
                                    

Special Chapter 1

NICOLAI'S POV

"Nangako ka sa'kin kagabi na ngayon mo sasabihin, diba?". Ilang beses na niyang tinanong sa'kin 'to simula kanina pa hayst ang kulit.


"Seryoso ka ba? Gusto mo talagang malaman kung anong nangyare nong gabing 'yon?"paninigurado ko dito.


"Magtatanong ba ako ng paulit-ulit sayo kung hindi ha!?"medyo may galit na sa tono ng boses nito.


"Okay sige na......................"nakataas na ang isang kilay niya habang hinihintay ang susunod na sasabihin ko. "Mahirap bang sagutin ang tanong ko Mr. Huxley!?"galit na nga ito. "Ito na nga..................okay sige.........................................................................................................sinasagot na kita Mrs. Huxley"hinampas ba naman ako ng pagkalakas-lakas sa balikat ko kaya ang ending napahiga ako ng pabaliktad sa sofa, nauna pa yung ulo ko, lintek!


Napahawak tuloy ako sa ulo ko. Dali-dali itong lumapit sa'kin. "Sorry. Okay ka lang ba? Tumama ba yung ulo mo sa sahig? Tignan ko nga baka may dugo"natatarantang sabi nito sabay tinulungan akong umupo tsaka chineck ang ulo ko.


"Wala namang dugo"parang nadismaya pa ang boses nito. "Ah, so gusto mong may dugo? gusto mo talagang ma untog yung ulo ko sa sahig, ganun?". "Wala naman akong sinasabing ganyan"


"Paano kapag tumama nga yung ulo ko sa sahig?"


"Edi mamamat.......................ay este magkaka-amnesia ka na"natutuwang sabi pa nito.


"Bakit parang natutuwa ka na magkaka-amnesia ako, ha!? Gusto mo ba talagang magka-amnesia ako?"


"Natutuwa ba ako? Hindi naman ah"depensa pa nito sa sarili niya.


"Grabe ka naman hindi mo man lang ba ikikiss yung ulo ko?"


"Bakit tumama ba yung ulo mo?"


"Hindi"

"Oh, hindi naman pala eh"

"Huwag mo naman masyadong ipahalata na ayaw mo sa'kin. Nasasaktan ako"bigla naman itong natahimik sa sinabi ko.

"Anong konek?"biglang tanong nito. Damn! This Woman.

"YSEAH FINLEY HUXLEY!!"

"HAHAHA joke lang, ito naman di mabiro"sabi pa nito habang natatawa tsaka hinagkan ang noo ko. "Sa noo mo nalang tutal hindi naman nauntog yung ulo mo".


Hindi ako makapag-react o salita man lang dahil sobrang nagulat ako sa ginawa nito. Inasar lang ako ng inasar nito hanggang sa gumabi na. Mga babae nga naman, kapag sila yung nang-aasar tuwang tuwa pa at hindi ka tatantanan pero kapag sila yung inaasar nevermind. It's complicated.


Naisipan namin na sa White Sand Island nalang kami magho-honeymoon. Kaya ito kami ngayon nakaupo lang kami sa may tabing dagat. Enjoying the view and it's our first day of honeymoon.


Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan kaya dali-dali ko itong binuksan. Baka sila mommy 'to.


"Good morning, bro/russ/nicolai"sabay-sabay nilang bati ng nakangiti.


"Akala ko magiging good ang morning ko pero hindi pala, anong ginagawa niyo ditong lahat ha!? Hindi naman ako nainform na kasali pala kayo sa honeymoon namin ni sese"sabi ko habang inaayos ang magulo kung buhok.


"We just miss you, bro"sabi naman ni kade.


Nagsipasok naman silang lahat. Oo, kompleto silang lahat. Nabuo na yung Otso Geer Squad sa honeymoon namin. Agad kung isinarado yung pintuan ng kwarto kasi natutulog pa si sese.


MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now