Chapter 26

27 6 0
                                    

YSEAH'S POV

"Tita, pwede na po bang magpahinga si seah?"nababagot na tanong ni lia sa tita niya.

"Hay naku malia, malapit na rin naman magsara kaya maghintay ka muna jan"saad ng tita niya sabay lapag ng milktea sa mesa niya.

Bakit ba kasi nandito siya araw-araw? Wala ba siyang ibang gagawin?

Pagkatapos ng ilang minuto isinara na rin namin ang shop.

"Hay buti naman, oh ito milktea, sayo nalang"saad nito sabay abot sa 'kin ng milktea.

"Salamat"saad ko sabay tanggap.

Bigla naman tumunog yung ang phone ko.

From: Unknown

It's me, nicolai, umuwi ka na ngayon din! Emergency.

Paano niya nalaman ang number ko?

"Tara na seah"excited na saad ni lia.

"I'm sorry lia pinapa-uwi na ako ni colai, next time nalang"paghingi ko ng paumanhin dito tsaka dali-daling pumara ng taxi at tsaka sumakay.

Pagkarating ko agad akong pumasok sa loob at...at sobrang saya ko ng makita ang mga magulang ko, hindi naman siguro ako nananaginip diba?. Dali-dali akong lumapit at tsaka niyakap ko kaagad ang mga ito.

"I miss you mom , I miss you dad"naiiyak na saad ko.

"We miss you too anak"sabay nilang saad tsaka niyakap ako pabalik.

"Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin na uuwi na kayo? Sana nasundo ko kayo sa airport"saad ko bago kumalas at tsaka umupo.

"Sorry anak biglaan din kasi yung uwi namin"saad naman ni dad.

"Kamusta na po ang kalagayan niyo dad?"nag-aalalang tanong ko kay dad.

"Okay na ako anak, malakas na ulit ang daddy mo"saad ni dad sabay pakita ng muscle niya na ikinatawa namin.

"Nakakatampo kayo, bakit hindi niyo ako tinatawagan? tsaka bakit bihira lang kayo magtext sa 'kin?"nagtatampong sabi ko.

"I think kailangan niyo ng sabihin sa kanya, son, hon, dun muna tayo"saad  ni tita tsaka nauna ng pumunta sa kusina at tsaka sumunod naman si colai at si tito.

Naguguluhan ko namang tinignan si mom and dad.

"Ano pong kailangan niyong sabihin sa 'kin?"naguguluhang tanong ko sa kanila.

Hinawakan naman ni mom ang isang kamay ko. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Anak, naalala mo ba yung Lola Emy mo?"mom.

"Opo"sagot ko.

Yes may lola pa ako pero hindi ko talaga siya totoong lola sabi ni mom dahil yung totoong lola ko namatay na at siya yung pangalawang naging asawa ng lolo ko na pumanaw na rin at imbes na ipamana ni lolo kay daddy ang mga ari-arian niya dahil nag-iisang anak niya lang si daddy pero hindi iyon ang nangyare dahil gahaman ang kanyang pangalawang lola kaya sa kanya lahat napunta ang mga ari-arian kaya kami nakatira sa pilipinas ngayon dahil nung ipinagbubuntis pa ako ni mommy pinalayas daw sila ni lola simula ng mamatay si lolo. Kaya dito ako lumaki sa pilipinas.

"Hindi namin na sabi sayo anak na kaya tayo bumalik sa canada ay dahil inalok ng lola mo na dun nalang magpagamot ang daddy mo at siya na daw ang bahala sa gastos kaya syempre natuwa kami at nung nasa canada na tayo hindi namin alam na may kapalit pala ang pagtulong ng peke mong lola sa atin"kwento naman ni mom.

"Ano pong kapalit?"tanong ko.

"Anak naalala mo nung tinanong kita sa canada ng gusto mo bang makasal sa taong hindi mo mahal? tapos ang sagot mo pa nga non ay "hindi" diba?"tanong naman ni dad.

"Opo, medyo naguguluhan nga po ako kung ba't niyo tinanong sa 'kin yun"sabi ko.

"Kaya kita tinanong non kasi yung kapalit na sinabi ng lola mo ay gusto ka niyang ipakasal sa anak ng ka-business partner niya, syempre hindi ako pumayag at sigurado din akong hindi ka papayag kasi kasal na ang pinag-uusapan at alam kung gusto mo pang makapagtapos ng pag-aaral bago ang kasal-kasal na yan kaya nagalit ang lola mo at sinabing hindi na raw niya tutuparin ang pagbabayad sa pagpapagamot ko kaya humingi na kami ng tulong sa ibang kamag-anak natin sa canada at mabuti tinulungan nila tayo at kaya ka rin naging working student para makatulong sa amin ng mommy mo, I'm sorry anak hindi ko natupad ang pangako ko sayo ng dahil sa sakit ko at dahil nagpauto ako sa pekeng lola mo" naiiyak na paliwanag ni dad.

"Dad, It's okay hindi mo kasalanan"umiiyak na sabi ko.

"I'm sorry din anak dahil wala man lang akong nagawa na tulungan ka sa pagtatrabaho dahil lahat ng pinapasukan kung trabaho hindi ako tinatanggap, talagang pinaghandaan ng peke mong lola ang lahat"mom, habang pinupunasan ang luha ko.

"Okay lang po iyon ang mahalaga po nandito na kayo ulit sa tabi ko"saad ko at niyakap silang muli.

"Anak, hindi ka ba nagtataka kung bakit pina-una ka naming bumalik dito sa pilipinas?"seryosong tanong ni dad.

"Opo, para po mag-aral at tsaka alam ko po na kapag dito niyo ako pinag-aral sa pilipinas may tutulong sa 'kin, sila tita at tito"sagot ko naman.

"Hindi lang iyon ang dahilan anak pero tama ka naman dahil alam namin na papayag at aalagaan ka nila Russel (daddy ni colai) dito, kaya kampante kami, pero may isa pang dahilan kaya ka namin pina-balik dito dahil sigurado kaming hindi titigil ang peke mong lola at baka kausapin ka niya at pilitin, ayokong pumayag ka sa kasal na yun dahil mapipilitan ka at lalong hindi ko gusto yun, you know that, ang gusto ko kapag nagpakasal ka, dun sa taong mahal mo at mahal ka, yung walang halong pamimilit, ikaw lang ang nag-iisang anak namin ng mommy mo kaya ilalayo kita sa kapahamakan at poprotektahan kita kahit buhay ko pa ang kapalit"Agad ko naman niyakap ng mahigpit si dad ng marinig ko ang sinabi nito. At hinaplos-haplos din ni mom ang likod ko upang tumahan ako sa pag-iyak.

"Oh siya, tama na ang drama, kumain na tayo"saad naman ni tita sa likuran.

Kanina pa ba sila rito?

Napatingin naman kami sa likuran. Si tita naiiyak rin at si tito naman panay ang punas sa luha ni tita at si colai naman nakatayo nasa likuran lang nila tita at nakatingin lang sa 'kin.

Agad naman akong tumayo at niyakap si tita at tito tsaka nagpasalamat rin ako ulit sa laki ng naitulong nila sa amin.

"Tara na, baka lumamig na yung mga niluto ko"saad naman ni tita sabay pasok sa kusina at sumunod naman si tito.

Sinenyasan naman kami ni dad at mom na sumunod kami. Tumango nalang kaming dalawa ni colai. Hindi ko alam ba't pa ako nanatili dito. Maglalakad na sana ako ng bigla akong tawagin ni colai at agad naman akong humarap dito at laking gulat ko ng yakapin ako nito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now