STILL YSEAH'S POV
Sabado ngayon kaya as usuall walang pasok at mabuti nalang wala na rin akong gagawing proyekto dahil maaga kung tinapos ang mga ito.Pagkatapos kung kumain dali-dali akong naligo at nagbihis para hindi ako ma-late sa bagong trabaho ko lalo na't first day ko pa ngayon.
Pagkababa ko naabutan ko si manang tesa na naglilinis sa sala.
"Goodmorning manang tesa"bati ko kay manang.
"Goodmorning seah"bati naman pabalik sa 'kin ni manang.
"Kung sakaling hanapin po ako ni colai paki-sabi po na may lakad po ako manang"saad ko bago lumabas ng bahay.
KUNG SAKALI lang naman
"Teka seah, hindi ka ba kakain ng almusal?"sigaw ni manang ng makalabas na ako sa gate.
"Dun nalang po ako kakain manang"sigaw ko naman.
MALIA'S POV
Asan na ba siya?
"Oh malia, bakit ang aga mong pumunta dito? may kailangan ka ba?"tanong ni tita sa 'kin at mukhang nagulat pa ito dahil hindi naman talaga ako madalas pumunta dito sa shop niya.
"Ah wala po, hinihintay ko lang po si yseah"sagot ko naman dito.
"Mukhang mas excited ka pa kaysa kay yseah ah, magtrabaho ka na rin kaya dito sa shop ko baka matuwa sayo yung daddy mo"saad naman ni tita.
"Ayoko baka malugi pa yung shop mo, alam mo naman tita diba hindi ako marunong mag-entertain ng tao tsaka maikli lang yung pasensya ko, kaya ayoko"sagot ko naman.
Napailing nalang si tita ng marinig niya ang sinabi ko.
"Goodmorning po maam"bati agad ni yseah pagkadating nito at agad na isinuot ang uniform niya.
"Goodmorning yseah, galingan mo sa first day mo ha, kaya mo yan"bati rin ni tita kay yseah.
Napalingon naman ito sa 'kin.
"Mabuti naman at napansin muna ako, halerrr kanina pa kaya ako dito"saad ko sa isip ko.
Nginitian naman ako nito at nginitian ko rin ito pabalik.
Umorder na ako at tsaka binulungan ko ito na chichikahin ko siya mamaya, ayoko munang umuwi sa bahay nakakabagot dun.
Bigla naman nagring yung phone ko at agad ko itong sinagot.
[On the phone]
"Hello dad?"ako
"Nasaan ka?"dad
"Nasa shop ni tita"sagot ko
"Nakikipagkita ka pa rin dun sa kade na yun? umuwi ka na, ngayon din!"galit na sabi nito.
"Hindi na po ako nakikipagkita kay kade, Dad paniwalaan niyo naman ako"naiiyak na saad ko.
Kelan niyo ba ako paniniwalaan dad?
"Basta umuwi ka na, ngayon din!"galit na sabi nito bago pinatay ang tawag.
Pinunasan ko muna yung tumulong luha ko bago tumingin sa paligid.Mabuti nalang at walang nakapansin sa 'kin.
Agad akong tumayo at umalis dun sa shop ni tita.
Bago ako pumasok sa sasakyan tinext ko muna si yseah na "sa susunod nalang".
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...