(2 Weeks Passed)
This is it!. The most important day of my life. Until now, I still can't believe na ikakasal na ako sa araw na ito at sa pinaka-matalik na kaibigan ko pa.
Naging mabilis ang pangyayari. Mahina na si lola emy dahil mas lalong lumala ang sakit niya dahil nga ayaw niya na rin magpagamot kaya napaaga yung pagpapakasal namin ni colai. Hindi ko rin masasabing napipilitan lang kaming imove yung kasal ng maaga kasi sa totoo lang hindi na namin naisip 'yon. Ayoko rin na makitang sa iba ikasal si colai. I admit that hindi talaga ako madaling mapaamin, umamin or should I say 'Indenial' ako.
"Hey, darling"napatingin naman agad ako sa may tapat ng pintuan. Akala ko si mommy.
"So, how's the beautiful bride?"taas baba ang kilay na tanong ni malia habang papalapit sa'kin tsaka hinawakan ang dalawa kung kamay.
"Kinakabahan ako"sabi ko sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni lia.
"Natural lang 'yan, mas kabahan ka sa honeymoon niyo...................o baka naman hindi kaba ang mararamdaman mo baka excitement HAHAHA"asar nito sabay tawa.
"Malia, ikaw pa ba 'yan?"kunyareng nag-aalalang tanong ko sabay hawak sa noo nito.
"Oo naman no, by the way, nakabili na ako ng regalo kanina kaya dapat akin yung una mong buksan ha!? Magtatampo talaga ako kapag hindi akin yung una mong binuksan"banta pa nito na naka-sad face.
"Oo na, by the way, ano ng balak niyo ni kade?"
"Magtatanan kami pagkatapos ng kasal niyo"pabirong sabi nito.
"Anak, ready ka na ba?"tanong kaagad ni mommy pagkapasok nito tsaka nginitian si lia na ngumiti rin pabalik.
"Yeah, kinakabahan lang ako mom"
"Natural lang 'yan, anak............................... Don't cry......masisira 'yong make up mo, sige ka"pigil ni mom dahil naiiyak na talaga ako.
"Sa ibang bahay na ako titira"sabi ko habang pinapaypayan ang sarili para mapigilan yung pagpatak ng aking mga luha habang nakatingala sa itaas.
"It's okay, bibisita naman kami ng daddy mo lagi sa bahay niyo at saka sa ibang bahay ka lang naman titira anak hindi naman sa ibang bansa o sa ibang planeta"pabirong sabi ni mom sabay punas ng isang butil ng luha na pumatak sa pisngi niya.
"Hay naku, nakakaiyak kayo, tara na"reklamo ni malia habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Come here"sabi ko sabay hila nito ng mahina tsaka pinunasan ko ang mga luha nito at saka kay mommy.
"Let's go, your groom is waiting for you in the church"sulpot naman ni dad sabay halik sa noo ko.
*****
Habang naglalakad kami sa altar, panay punas ng luha si daddy sa gilid ng kanyang mga mata, ayaw niya sigurong tumulo ito dahil hindi na niya mapipigilan iyon. Mas lalong naiyak si daddy ng ilipat niya iyong kamay ko na nakahawak sa kanyang braso kanina na ngayon ay nakahawak na sa braso ni colai. "Huwag mong sasaktan ang anak ko nicolai!"pabirong sabi ni dad na may halong pagbabanta sa tono ng boses nito.
"Iiyak ka ba?"tanong ko ng makaupo na sila dad at may halong pang-aasar sa boses ko ng sinabi ko iyon.
"Traydor na luha 'to!"sabi niya sabay punas ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. "You're so very beautiful today"
"Hey, stop crying, mamaya ka na umiyak kapag tapos na yung kasal natin. Nakakahiya kay father tsaka for sure gusto mong pogi ka sa wedding picture natin"natatawang sabi ko habang pinupunasan yung luha niya. Bigla tuloy umatras yung kaba ko HAHAHA. At saka ngayon ko na lang din kasi siyang nakitang umiyak.
Sinigurado muna nitong makaupo ako ng maayos bago ito umupo sa kanyang puwesto. At kagaya ng ibang mga ikinakasal nagpalitan din kami ng wedding vows.
"I, Russ Nicolai Huxley, take you, Yseah Finley, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honour you all the days of my life."saad niya habang isinusuot ang singsing sa daliri ko.
"I, Yseah Finley, take you, Russ Nicolai Huxley, to be my husband. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honour you all the days of my life."saad ko habang isinusuot ang singsing sa daliri nito.
"And you may now kiss the bride."anunsyo ng pari.
Itinaas niya ang belo ni sese ng dahan-dahan. "Umayos ka, first kiss ko 'to"natawa naman ito sa sinabi niya.
"May sasabihin ako sa'yong sekreto. Naalala mo nong nanalo kami sa basketball game? Diba nalasing ka non? Doon nawala yung first kiss mo. I love you"then he kissed her wife.
"Wetwew"biglang sigaw ni ryle.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...