Chapter 12

41 6 0
                                    

(CONTINUATION)

YSEAH'S POV

"Nasaan na ba siya? mag-aalas onse na hindi pa rin siya umuuwi"saad ko sa aking isip sabay tingin sa phone ko.

Hihintayin ko pa ba siya o hindi na?

Aakyat na sana ako ng biglang bumukas yung pintuan.

Pumasok si colai na may bitbit na shopping bag.

Naglakad ito palapit sa direksyon ko at tsaka huminto sa harap ko.

"Umupo ka sa may hagdanan"utos nito pero mahinahon lang ang boses nito.

Hindi na ako nagsalita at sinunod ko nalang ang utos nito.

Umupo naman ito sa sahig at inilabas nito ang laman ng shopping bag.

Sapatos?

Bakit siya bumili ng sapatos?

Nagulat ako ng bigla nitong isuot ang dalawang pares ng sapatos sa mga paa ko.

"Mabuti naman at nagkasya"sabi nito sabay tayo.

"Ingatan mo yan ha"dagdag pa nito sabay tap ng ulo ko.

"S-salamat"saad ko.

"Bati na ba tayo colai?"tanong ko dito.

Umiling naman ito.

"Okay"malungkot na sabi ko.

"Pero simula bukas tatawagin na kitang sese basta wag ka lang lapit ng lapit sa 'kin at sunod ng sunod, naiintindihan mo?"saad nito.

So alam niyang sumusunod ako sa kanya?

"Copy that sir, so pwede na ba kitang yakapin?"tanong ko.

"Tsk! Hindi pwede ano ka sinuswer---"

Hindi natuloy ang sasabihin nito ng bigla ko siyang yakapin.

"Tss ang tigas talaga ng ulo mo"saad nito sabay kalas nito sa pagkakayakap ko dito.

Hindi ko alam pero natuwa ako sa sinabi nito.

Nagsimula na itong umakyat sa hagdanan.

"Thank you ulit tsaka goodnight colai"masayang saad ko.

Binitbit ko na yung sapatos tsaka pumasok na sa kwarto at natulog.

KINABUKASAN

(At School)

"Wow ba't parang ang saya mo ata ngayon? Anong meron?"tanong ni lance ng maka-upo na ako.

"Secret"sagot ko dito.

Alangan naman sabihin ko sa kanya eh nasa likod ko lang si colai baka malaman niyang kwinento ko kay lance, no way.

"May pa secret secret ka pang nalalaman, oo nga pala sabay ka na sa amin maglunch ng pinsan ko"saad nito.

"Okay"sagot ko.

Tumunog naman yung phone nito.

"May text ka ata"sabi ko dito.

"Ay sayang hindi raw makakasabay sa atin yung pinsan ko marami pa daw siyang gagawin"saad ni lance habang nakatingin sa phone nito.

"Ah ganun ba"ako.

"Basta dating gawi ulit libre ko"saad nito.

"Sige ba"ako.

"Baka mamulubi ka niyan sa kaka-libre mo sa 'kin"natatawang sabi ko dito.

"Sus hindi yan"siguradong sabi nito.


Edi ikaw na, holdapin ka sana....charotttt

MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now