YSEAH'S POV
Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pintuan.Dali-dali akong bumangon at binuksan yung pintuan at bumungad sa 'kin si colai na walang suot na damit pang-itaas at pawisan pa ito.
Sa gulat ko sa aking nakita ay muli kung sinarado yung pintuan ng kwarto ko.
"Bakit wala siyang damit pang-itaas?...eh ano naman ngayon yseah kung wala siyang damit pang-itaaas?. Hayst bahalana"bulong ko sa sarili.
Muli kung binuksan ang pintuan at nandito pa pala ito kaya nginitian ko siya ng malapad.
"Problema mo?"takang tanong nito.
"Wala, wala naman akong problema"nakangising sagot ko dito.
"Magluto ka at maglinis"bigla naman nawala yung ngiti ko.
Haler, may kasambahay kaya sila dito.
"Wala sila manang tesa umuwi sa probinsya nila"dagdag pa nito at tinalikuran na ako nito.
"Hayst! kainis naman akala ko makakapag relax ako ngayong sabado"reklamo ko at isinara na yung pinto.
Pagkatapos kung gawin yung morning routine ko bumaba na ako at sinimulan ko ng magluto.
Saktong pagbaba ni colai na tapos na ako sa pagluluto.
"Hindi ka pa ba tapos?"tanong nito tsaka umupo.
"Ito na senyorito, charaaan"saad ko sabay lapag ng ulam sa mesa.
"Menudo?"tanong nito.
"Kunyare ka pa alam kung alam muna kung anong ulam imposible naman na hindi mo naamoy, tikman muna masarap yan tsaka paborito mo yan diba?"saad ko.
Tumango naman ito at tinikman na nito ang ulam na niluto ko.
Sana naman masarapan siya sa luto ko.
"Ano masarap ba?"tanong ko dito.
"Pwede na"sagot nito.
"Pwede na?"ulit ko sa sinabi nito tsaka ito tumango.
Yun lang ang komento niya sa luto ko? ang sarap sarap ko kayang magluto tapos pwede na? yun lang?
Bahala na nga, basta ang importante ay kumain siya ng luto ko.
Susubo na sana kami ng biglang may dalawang dumating kaya napatingin kami sa direksyon nila.
"What's up goodmorning"masayang bati ni ryle.
"Goodmorning"bati ko pabalik.
"Wow menudo ba yan?"saad nito at sumandok ng isang kutsarang menudo.
"Oo, ako nagluto niyan"napatigil naman ito sa pagsubo ng marinig niya ang sinabi ko.
"Bakit?"takang tanong ko dito pero hindi pa rin ito nagsalita.
"Hoy baka iniisip mong may lason yan, hindi ko nilagyan ng lason yan no"paliwanag ko dito.
Natawa naman ito sa sinabi ko.
"Biro lang, gusto ko lang makita kung anong irereact mo"natatawang sabi nito tsaka isinubo na yung isang kutsarang menudo.
"Masarap siya"komento ni ryle.
"Lahat naman ng kinakain mo laging masarap"kade.
"Btw where's tita and tito?"tanong ni kade.
"Nasa canada"sagot ni colai.
Nagulat pa ang dalawa sa sinagot ni colai.
"So it means kayong dalawa lang ang----"kade.
"Kung ano man yang iniisip niyo burahin niyo na yan sa isipan niyo kung hindi buburahin ko kayo dito sa mundo"banta ni colai sa dalawa.
"Chill bro wala naman kaming iniisip na ganun"nakangiting sabi ni ryle.
"Oo nga tsaka ba't naman namin iisipin yun eh kayo nga lang ang nandiditong dalawa sa bahay niyo diba?"kade.
Masamang tingin ang ipinukol ni colai sa dalawa.
"Tara dun muna tayo sa sala ryle"saad ni kade sabay hila kay ryle.
"Sayang yung menudo ko"rinig naming reklamo ni ryle sa sala.
"Puro ka kain ryle kakatapos mo lang kaya kumain sa amin"rinig naming sabi ni kade.
Napailing nalang ako sa kanila at ng magtama ang tingin namin ni colai ay agad rin kaming nag-iwas ng tingin.
(Sala)
Habang pinagmamasdan ko silang tatlo na nanunuod ng action movie nakaramdam ako ng inggit.
Hayst kelan kaya ako magkakaron ng kaibigan? kahit isa lang ayos na basta hindi plastik.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...