YSEAH'S POV
Katatapos lang ng basketball game nila colai at ang saya ko ngayong araw na 'to kasi nanalo yung school namin.
"Saan tayo magcecelebrate?"tanong ni ryle habang pinupunasan yung pawis niya ng towel.
"Sa Geer Bar, g kayo?"sagot naman ni kade sabay tango ni ryle.
"Ikaw bro, g ka?"tanong naman ni kade kay colai.
"Kayo bahala"sagot naman nito.
"Hintayin mo nalang kami sa labas magbibihis lang kami"saad naman ni colai sa 'kin.
"Sige"sabi ko tsaka lumabas.
Sakto namang paglabas ko dumaan si raffael.Napahinto naman ito sa harapan ko.
"Hi"nakangiting bati nito.
"Hello"nakangiting bati ko rin dito.
"Buti nalang nakita kita, ah ano kasi, saan ba yung dean's office dito? bago palang kasi ako kaya hindi ko pa kabisado"nahihiyang tanong nito.
"Ah, gusto mo bang samahan na kita?"alok ko dito.
"Talaga?"hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo naman tsaka kaibigan ka ni lance at friends na rin tayo diba?, tara samahan na kita"saad ko.
Hahakbang na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at tsaka lumabas ang tatlong kumag na nag-aasaran.Nahinto at nawala pa ang mga ngiti ng mga ito ng makita nila kung sino ang kasama ko kaya nabalot ng katahimikan sa buong paligid.
"Anong ginagawa mo dito?"may halong galit ang boses ni colai ng sabihin niya ito.
Nagtataka naman akong tumingin kay raffael at colai. Ng mabaling ang tingin ni colai sa 'kin agad naman ako nitong hinawakan nito sa braso at pinatago sa likuran nito.
"Chill bro nagpapasama lang ako kay yseah sa dean's office"chill na sagot nito.
"May mga paa ka naman ba't ka pa magpapasama sa kanya? tsaka ba't mo siya kilala?"sunod sunod na tanong ni colai.
Tinanggal ko naman yung pagkakahawak ni colai sa braso ko at pumagitna sa kanila.
"Wait naguguluhan ako sa inyo mamaya nalang kayo mag-explain at sasamahan ko pa siya sa dean's office kasi hindi pa niya kabisado ang daan dito"saad ko.
"Pero aalis na tayo"sabi naman ni ryle.
"Hintayin niyo nalang ako dito, saglit lang 'to promise"sabi ko naman.
"No, sasama kami"saad naman ni colai habang nakatingin kay raffael.
"Bahala kayo, tara na"saad ko at nagsimula na kaming maglakad.
Pagkatapos namin pumunta sa dean's office ay dumiretso na kami sa parking lot.
"Oh ba't nakasunod ka pa rin sa amin?"tanong naman ni kade kay raffael.
"Kasi magkatabi tayo ng pinarkingan"sagot naman nito.
Papasok na sana si raffael ng may biglang tumawag sa kanya kaya napalingon kaming lahat dun sa tumatawag sa kanya.
"Hey bro sasama daw si malia, ayus lang ba?"tanong ni lance habang papalapit sila sa direksyon namin.
"Ikaw bahala celebration mo naman 'to"sagot naman ni raffael.
"Uy nandito lang pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap, seah sama ka? punta kami sa geer bar"sabi ni lance ng makalapit na sila ni lia sa amin.
Nginitian ko muna si malia bago sumagot dito
"Ahm actually dun rin kami pupunta"sagot ko naman.
"Sakto sabay sabay nalang tayong pumunta dun tsaka parehas lang naman tayo ng rason kung bakit tayo mag-cecelebrate ngayon kaya magsalo na rin tayo sa iisang table para mas masaya, diba?"natutuwang saad naman ni lance.
"No, lilipat nalang kami sa ibang bar"hindi pagsang-ayon ni colai sa sinabi nito.
"Too late bro, nasabihan ko na yung kaibigan ko na gagamitin natin yung isang private room"saad naman ni kade.
Ano ba talagang meron?. At bakit parang ayaw na ayaw ni colai na magkasama kaming lahat sa iisang bar?
Walang nagawa si colai kundi ang pumayag nalang.
Sumakay na kaming lahat sa kotse at pagkatapos ng ilang minutong biyahe nakarating na rin kami sa wakas, hindi ko alam pero ang tahimik nila sa loob ng kotse parang nawalan na ata silang mag-celebrate sa pagkapanalo nila. Hayst ano ba talaga ang nangyayare sa kanila?.
Pumasok na kami sa loob at wala naman akong nakikitang mga taong nagsasayawan at nag-iinuman sa katunayan nga ang tahimik ng paligid, yung totoo bar ba talaga 'to?. Sumakay na kami sa elevator at nagkasya naman kaming pito kasi malaki naman yung elevator nila at hanggang ngayon ang tahimik pa rin nila, gosh nakakabingi. Nagulat naman ako ng pababa ang andar ng elevator nila eh nasa first floor lang kami. Mukhang ground floor 'tong bar na 'to, nice.
Pagkababa namin agad na may sumalubong sa amin isang lalaki na pormal ang suot at sa tingin ko mas matanda siya ng ilang taon sa amin at may kasama pa ito, yung apat na bodyguards niya. Agad naman itong lumapit kay kade.
"Iisang room nalang ang natitira kaya pasalamat ka malakas ka sa 'kin"sabi ng lalaki at sabay tap sa balika't ni kade.
"Thanks sev"nakangiting pasalamat niya dito sa lalaki.
Mukhang ito ata yung kaibigan ni kade.
"Sige mauna na ako sa inyo, enjoy"paalam nito at sumakay na sa elevator.
Pumasok na kami dun sa isang room na may nakalagay na [PR - 08]. Umupo na kami dun sa may round na sofa, so bali ganito yung posisyon namin.
[Colai , Ako , Malia , Raffael , Lance , Ryle , Kade]
Nagsimula na silang mag-inuman at kantahan at ako naman, heto tamang nuod lang sa kanila. At si kade naman kanina ko pa napapansin na tingin siya ng tingin kay lia at kapag tumitingin ito sa kanya saka naman siya iiwas ng tingin.
"Hey seah and insan uminom naman kayo wag kayong kj"saad ni lance bago lumaklak ng alak.
"Oo nga"pag sang ayon naman ni ryle.
"No, hindi siya pwedeng uminom may gagawin siya bukas"saad naman ni colai kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
Ano naman yun?.... Ay oo nga pala may trabaho nga pala ako bukas, hindi muna ako pumasok ngayon, pero alam naman yun ni maam.
Teka alam na ba niya?
"Bukas pa naman pala eh"lasing na sabi ni lance.
"Sus iinom lang ba? sige pagbibigyan ko kayo tutal celebration niyo naman to at sa school"saad ko at tsaka kinuha yung basong may laman ng alak at agad na ininom ko iyon.
Napangiwi pa ako pagkatapos kung inumin ito dahil sa sobrang pangit ng lasa at medyo maanghang pa ito.
"Tsk! Tigas ng ulo mo pag ikaw nalasing hindi kita bubuhatin"dinig kung sabi ni colai.
"Ayus lang noh, tsaka hindi ako basta basta nalalasing"sabi ko dito at tumungga pa ng alak.
"Cheers"sabay sabay naming sabi except kay colai at raffael.
Naki-inom na rin si lia dahil gusto daw niyang makalimutan yung problema niya ket isang gabi lang daw.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Fiksi RemajaSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...