NICOLAI'S POV
Pagkatapos kung mag-jogging ay agad akong dumiretso sa dining room para kumain kasi kanina pa ako nagugutom.
"Goodmorning colai"nakangiting bati sakin ni yseah.
Hindi ko naman ito binati pabalik at itinuon nalang ang atensyon sa pagkain.
Tahimik naman itong umupo sa kabilang side ng table at tsaka sumandok ng kanin at kumuha ng ulam tsaka nilantakan ito.
Hindi pa rin siya nagbabago siya pa rin yung yseah na nakilala ko dati,napailing nalang ako nung maalala yung dati.
Malapit na akong matapos ng biglang may narinig akong dalawang pamilyar na boses papalapit dito kaya agad ko naman nilapitan si yseah na mukhang sarap na sarap sa kinakain at bahagyang nagulat pa ito ng hawakan ko siya sa braso at tarantang pinapasok ito sa ilalim ng mesa.
"Hindi na siguro siya makikita jan makapal naman ang kulay pula na table cloth"bulong ko sa sarili.
Nagulat pa ako ng sumilip ito ng naka-kunot ang noo.
"Wag ka munang lalabas jan nandito si kade at si ryle hindi nila alam na dito ka nakatira"paliwanag ko dito at inayos na yung table cloth.
Sumilip naman ito ulit.
"Yung pagkain ko hindi pa ako tapos"parang batang saad nito.
Oo nga pala baka magtaka sila na may extrang plate at may pagkain dito kaya agad ko itong ibinigay sa kanya at pinausog ito sa gitna at inayos ko na ulit yung table cloth.
"Hi bro"sabay na bati sakin ni kade at ryle.
"Anong ginagawa niyo dito?makikikain ulit?"cold kung tanong sa kanila.
"Grabe ka naman bro kung makasabi ka ng "ulit" parang araw-araw kaming kumakain dito sa inyo eh nung huling kain namin dito ni kade last week pa yun"parang nagtatampong saad ni ryle at kumuha ng plate at kutsara at tinidor tsaka umupo.
"Oo nga"pagsang-ayon naman ni kade at ginaya ang ginawa ni ryle.
"Alam mo bro nakakatampo ka promise"saad ulit ni ryle tsaka sumandok ng kanin at kumuha ng ulam at nilantakan ito.
"Oo nga"pagsang-ayon ulit ni kade at tsaka inilagay yung plate ko sa kabilang side ng table na inupuan ni yseah kanina tsaka inilapag yung plate niya at ginaya ang ginawa ni ryle.
Tsk! umiling nalang ako tsaka umupo sa inupuan ni yseah kanina at kumain ulit dahil hindi ko sila pwedeng iwanan dito dahil baka makita nila si yseah walang pwedeng makaalam.
YSEAH'S POV
Tahimik lang akong kumakain dito sa ilalim ng mesa dinaig ko pa ata yung pipi para akong tanga dito.
"Ano bang trip niyo?bakit ang layo niyo?"tanong ni colai,ehe kilala ko kasi yung boses niya.
"Ang haba kasi ng mesa niyo tsaka sayang naman kasi kung hindi mauupuan yung ibang mga upuan niyo dito bro baka magselos sila tsaka hangga't nakaka-apak pa kami dito sa bahay niyo ay uupuan na namin yung mga hindi namin naupuan"mahabang paliwanag ng lalaking hindi pamilyar ang boses sa'kin.
Natawa naman silang tatlo.
Omg colai ngayon nalang ulit kita narinig na tumawa.Kailan kaya ulit kita mapapatawa colai?
"Oh my shit gutom pa'ko"saad ko sa aking isip at tumingin sa platong wala ng laman.
Paano 'to?huhu colaiiiii!
Bahala na basta gutom pa ako.
Dahan dahan naman akong pumunta sa dereksiyon ni colai at sinundot yung paa nito pero hindi pa din ito gumagalaw kaya sinundot ko ulit ito ng dalawang beses at tsaka gumalaw yung paa nito.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Fiksi RemajaSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...