STILL YSEAH'S POV
Sabado ngayon at mag-isa lang ako sa bahay kaya nanuod nalang ako ng movie para malibang. Habang nanunuod ako hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi nilang "engagement" kahapon. Papayag ba ako? Kasal ko na yung pinag-uusapan dito. Pero paano naman yung kumpanya nila tita? Marami na silang naitulong samin, ito na kaya yung time para makabawi kami sa kabaitan nila? Pero hindi yun ang plano kung paraan ng pagbawi sa kanila.
Nabalik lang ako sa sarili ko ng biglang tumunog ang doorbell namin. Hindi ko inexpect na bibisita ulit ang pangalawang lola ko pero sakto din dahil marami akong gustong itanong.
"Upo muna po kayo kukuha lang ako ng maiinom niyo"saad ko bago pinatay ang t.v at tsaka pumuntang kusina.
"Heto po"pagkabalik ko agad kung nilapag ang isang basong juice sa maliit na lamesa na nasa gitna.
"Thank you apo"sabi nito tsaka uminom ng kunti at inilapag ulit nito yung baso sa maliit na mesa.
"By the way congrats apo grumaduate ka na pala kahapon"bati nito tsaka ngumiti.
Parang hindi naman siya masungit.
"Pasensya na at hindi ako nakabili ng gift dahil kanina ko lang din nabalitaan"dagdag pa nito.
"Okay lang po tsaka hindi rin po ako mahilig sa mga materyal na bagay"sagot ko.
"Mabuti ka pa, yung dalawang apo ko kasi mahilig sa mga materyal na bagay at doon lang nila ako napapansin kapag may maibibigay ako sa kanila. Mabuti at hindi ka ganun"sabi nito.
Hindi ako sumagot at nanatili lang akong tahimik. Hindi ko alam na ganun pala yung ugali ng dalawang apo niya at may pinagdadaanan din pala siya.
"Alam mo ba kung bakit gusto kung maikasal ka?"tanong nito.
"Bakit po ba?"tanong ko rin.
"Alam kung selfish ako pero ito nalang yung tanging paraan para maipasa ko sa'yo ang mga ari-arian ng grandpa mo"sagot nito.
"Po? Ano pong ibig niyong sabihin? tsaka bakit niyo po ipapasa sa'kin yung ari-arian ng lolo ko eh sayo niya po yun ipinamana, diba?"sunod-sunod na tanong ko.
"Alam kung alam mo na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang daddy mo at ang grandpa mo kaya siguro sa'kin ipinamana ng grandpa mo yung mga ari-arian niya pero nung una plano niya talaga na sa daddy mo ipamana lahat. Ngayon na wala na ang grandpa mo sa'yo ko na ipapasa dahil yun ang bilin ng grandpa mo bago siya mawala at tutuparin ko yun"mahabang paliwanag nito.
"Pero bakit po kailangan ko pang maikasal?"hindi ko na napigilan ang sarili kung itanong yun.
"Dahil yun lang ang tanging paraan at yun ang gusto ng lolo mo ang maikasal ka sa taong kaya kang mahalin at protektahan at nakita ko yun sa mga mata ng binatilyong anak ni mr. huxley sayo tuwing lumalapit ako sa'yo"sagot nito.
"Hindi mo ba siya gusto?"ito naman ang nagtanong sa'kin.
Hindi naman ako nakasagot sa tanong nito.
"Pwede mo ba akong pagbigyan sa kahilingan kung 'to? gusto ko kasing makita ang apo kung lumakad sa altar"request nito.
"Pero may mga apo na po kayo at hindi niyo naman po talaga ako tunay na apo"sabi ko.
"Hindi ko din sila tunay na apo kasi inampon lang sila ng anak ko dahil hindi siya pwedeng magka-anak tsaka kahit hindi kita tunay na apo, ituturing pa rin kitang tunay na apo ko"paliwanag nito.
"Yseah apo, sayo ko lang 'to sasabihin, may cancer ako at may taning na ang buhay ko, sabi ng doktor hanggang hanggang isang buwan nalang daw ako dito sa mundo pero kung gusto ko pa raw mabuhay ng mas matagal ay itutuloy ko yung chemotherapy ko at yun tumanggi ako dahil matanda na ako at mamamatay din naman ako"dagdag pa nito.
"Ahm p-pag-iisipan ko po"tanging sagot ko lang.
"Anak, tulungan mo nga akong dalhin ito sa kusina"bungad ni mommy pagkarating.
"Oh, nandito pala kayo, ahm dito nalang kayo mag-dinner"saad ni mom.
"Naku 'wag na, salamat nalang tsaka may aasikasuhin pa akong mga papeles"sabi nito tsaka nagmamadaling lumabas ng bahay.
Ano yun? okay na ba sila? kelan pa?
"Halika, tulungan mo 'kong magluto sa kusina dahil dito maglu-lunch sila nicolai, maya-maya dadating na sila kaya bilisan na natin"saad ni mom bago ako hinila papasok sa loob ng kusina.
Ano!?. Bakit ngayon pa!?
NICOLAI'S POV
"Naku mars pasensya na at hindi makakarating si russel dahil may biglaan silang meeting eh"sabi ni mom ng tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay nila sese.
"Ano ka ba.Okay lang yun mare"sabi naman ni tita.
Kailan pa sila nagtawagan ng MARS AT MARE?. Parang ngayon ko lang ata narinig na nagtawagan sila ng ganyan.
"Sige mare maupo muna kayo diyan at tutulungan ko pang magluto dun si sese"tita.
"Tulungan ko na kayo mare, ayoko talagang wala akong ginagawa"saad ni mom bago sila pumasok ni tita sa loob ng kusina.
Maya-maya biglang lumabas ng kusina si sese kaya napaayos ako ng upo.
"Ah, pwede ba tayong mag-usap? about dun sa engagement"kalmadong sabi nito tsaka ako sinenyasan na sumunod.
Hoo, kinakabahan ako, hindi kaya siya papayag?. Ayus lang rerespetuhin ko kahit na anong desisyon niya.
Pumunta kami sa terrace para makapag-usap in private at para makalanghap na rin ng sariwang hangin dahil ang init ng panahon ngayon.
"So napag-isipan muna?. May sagot ka na ba?"basag ko sa katahimikan.
"Oo, pinag-isipan ko 'to ng matagal, sa katunayan nga hindi na ako halos makatulog dahil sa kaka-isip dahil alam mo naman pag-usapang KASAL na talagang pinag-iisipan ko, hindi ako basta-basta nagdedesisyon"sagot nito.
"Tatanggapin ko kahit na anong desisyon mo, okay lang sa 'kin kahit na hindi ka pa---"
"Papayag ako"mabilisang sabi nito.
"Ah okay"ngumiti pa ako ng pilit.
"Okay? "patanong na sabi ko dito sabay lingon sa kanya.
Huh? Di nga? Nabingi ba ako? Tama ba yung narinig ko? Pumayag siya?
"Paki-ulit nga ng sinagot mo"
"Papayag ako"
"Talaga?"
"Oo nga"
"At dahil pumayag ka na, walang divorce na magaganap dahil alam ko naisip mo na 'to"
"Hindi ka sure"
"Let me remind you Ms. Finley that hindi lang kita papakasalan para masalba ang kompanya namin but also I want to be your husband in the future"seryosong sabi ko habang nakatitig sa mga mata nito.
"Argh....bakit kasi ako pa ang nagustuhan mo?"napasapo pa ito sa kanyang noo.
"Bakit naman hindi ikaw?"umiwas naman ito ng tingin ng sinabi ko ang mga katagang yun.
"Bakit?"tanong ko dito habang sinusundot-sundot ang tagiliran nito.
"W-wala"mahinang sagot nito.
"Kinikilig ka ba?"tukso ko dito habang patuloy pa rin ang pagkiliti ko dito.
"H-hindi"sagot nito habang umiiwas pa rin ng tingin.
"Kinikilig ka eh"tukso ko pa rin.
"Ano ba, hindi nga sabi"nahihiyang sagot nito habang pinipigilan ang mga kamay kung kilitiin siya.
Nang maka-tyempo ako, agad ko itong pinaharap at BINGO pulang-pula ang mukha nito.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...