Chapter 17

33 6 0
                                    

STILL YSEAH'S POV

Pagkatapos ng klase agad akong lumabas ng room at humanap ng magandang puwesto para makapag-muni-muni.

At ng makahanap na ako agad akong umupo doon.

"Hayst kailangan ko ng magtrabaho"sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa malayo.


"Hindi ka pa nga graduate tapos gusto mo  na agad magtrabaho"komento ng boses ng lalaki.


Agad naman akong nagulat!

Sino yun?

"Lord ikaw ba yung sumagot? hindi naman ganun yung ibig kung sabihin lord"sagot ko dito.

May biglang humagikgik naman sa bandang likuran ko kaya agad ko itong nilingon.

Ginagawa niya rito?

"Paano mo nalaman na nandito ako lance?"tanong ko dito.

"Sinundan kita"sagot naman nito tsaka ako tinabihan.

"Ah stalker na pala kita ngayon"saad ko.

"Wuy hindi ah sinundan lang kita kasi naiwan mo 'tong libro mo sa kakamadali mo lumabas"paliwanag nito sabay upo at abot nito.

"Sabi ko nga, thanks"saad ko at tsaka kinuha yung libro na hawak nito.

Medjo napahiya ako dun ah

"So kailangan mo ng trabaho? bakit?"tanong nito.

"Bakit pag sinabi ko ba sayo ang rason ko bibigyan mo 'ko ng trabaho?"tanong ko rin dito.

"Hindi, tutulungan lang kita makahanap ng trabaho"sagot nito.

"Talaga?"tanong ko dito.

"Oo nga kaya sabihin muna sa 'kin ang rason mo"sagot naman nito.

"Nag-iipon ako"sagot ko.

"Bakit ka nag-iipon?"tanong nito.

"Bakit bawal ba mag-ipon?"tanong ko naman dito.

"Hindi naman, teka para sa future niyo ba yan ni nicolai?"tanong nito.

"Anong future pinagsasabi mo jan? para 'to sa pamilya ko at para may pambayad ako sa tuition ko kaya ako magtatrabaho para makapag-ipon"sagot ko naman.

"Ah akala ko para sa future niyo,....teka hindi ba yung parents ni nicolai ang nagbabayad ng tuition mo?"tanong nito sabay iling ko.

"Ahm actually sila dapat yung magbabayad ng tuition ko sa school kaso tinanggihan ko kasi masyado na silang maraming naitutulong sa amin"paliwanag ko naman.

"Ah, so sinong nagbabayad ng tuition mo?"tanong nito.

"Yung tita ko kaso nawalan siya ng trabaho eh kaya balik to work ulit ako"sagot ko dito.

"Ah...so nakikitira ka lang dun kila nicolai?"tanong ulit nito.

"Oo"sagot ko.

"Hey lance nandito kalang pala"saad ng babaeng papalapit sa amin.

Teka magkakilala sila ni lance?

"Bakit may kailangan ka?"tanong naman ni lance dito ng makalapit na ito sa amin.

"Samahan mo 'ko mag-shopping mamaya"saad nito sabay tingin sa 'kin.

"Hi, kelan pala natin sisimulan yung plano?"tanong nito sa 'kin.

"Teka magkakilala kayo?"takang tanong ni lance sabay tango ko.

"Magkakilala rin pala kayong dalawa"saad ko.

"Ah oo, pinsan ko si malia"saad nito.

Ah magpinsan pala sila.

"Eh kayo?, anong meron sa inyo?"tanong naman ni malia habang nakatingin sa amin.

"We're friends"sagot ko naman tsaka tumango si lance.

"Ah insan diba may business yung tita mo malapit dito sa school, ahm nabalitaan ko kasi na kailangan pa nila ng empleyado paki-tanong naman kung pwede pa mag-apply"saad ni lance.

"Magtatrabaho ka?bakit?"takang tanong naman ni malia.

"Ah hindi siya, ako"saad ko naman.

"Bakit ka magtatrabaho? tsaka alam ba ito ni russ?"sunod-sunod na tanong nito.

"Russ? you mean si nicolai? bakit kailangan pang malaman ni nicolai na magtatrabaho siya?"lance.

"Duh hindi mo kilala si russ noh"sambit naman ni malia.

"Anyway matutulungan kita jan sa problema mo tsaka mabuti na rin at sa akin ka humingi ng tulong para araw araw kitang makausap"masayang sabi nito.

"So you mean lagi kang pupunta dun sa trabaho niya?"tanong naman ni lance sabay tango ni malia.

"Tsaka ano bang pinaplano niyong dalawa? at tungkol saan naman yun?"dagdag na tanong pa ni lance.

"Basta"sagot ko naman.

"Wala ka na dun"sagot naman ni malia.

"Andaya niyo naman, sabihin niyo na baka makatulong ako"saad naman nito.

"Hay naku hindi ka makakatulong"sagot naman ni malia.

"Save mo number mo para ma-contact kita kapag pumayag si tita"saad ni malia sabay bigay ng phone niya.


At ayun na nga inaya ako ng dalawa eh hindi naman ako makatanggi kaya sumama nalang akong mag-shopping sa kanila tsaka aaminin ko masaya naman palang kasama itong si malia, napaka-madaldal.

MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now