NICOLAI'S POV
Pagkatapos namin mag-exam sa 3rd sem. pinagbakasyon muna kaming lahat ng isang buwan. Kaya nandito kami ngayon sa HUXFIN RESORT dito kami magbabakasyon pero hindi kasama yung mga parents namin kami lang nila nila ryle,kade,malia,sese,lance,vera,at si raffa. Tsk! Kaya siya nandito dahil isinama siya ni sese at magkatabi pa talaga sila kanina sa van.
Pagkarating namin sa resort, sermon agad ang una naming narinig.
"Ba't ka nandito? Diba hindi ako pumayag na sumama ka? Ang tigas talaga ng ulo mo!"sermon ni lance kay vera.
Kami naman, tulala at nagtataka kung bakit sinermonan ni lance si vera. Magkakilala ba sila?. Bakit siya nagagalit? May relasyon ba sila?.
"Pake mo? Sa pagkakaalam ko pinagbawalan rin kitang sumama, diba?"nakataas ang isang kilay na tanong ni vera.
"Hehe, sorry na babe"kumakamot na sabi ni lance.
"BABE!!??"sabay na tanong naming lahat.
"Ahm, nga pala guys si vera, girlfriend ko"lance, sabay akbay kay vera.
"Kelan pa naging kayo?"tanong ko.
"Nung nakaraang araw"sagot naman ni vera sabay tango ni lance.
"Kaya pala hindi muna ako sinasamahan mag-mall kupal ka!. Ang unfair mo ha, ba't hindi mo sinabi sa 'kin?"malia, sabay kurot sa tagiliran ni lance.
"Ikaw din kaya, hindi mo nga sinabi sa 'kin na naging kayo pala ni kade dati"lance.
Natahimik naman kaming lahat. AWKWARD
Yeah, alam na namin kwinento sa amin lahat ni kade nung nasa geer bar kami. Ang loko nirason pa na kaya hindi niya sinabi sa amin ay dahil ayaw niya akong masaktan. Lol. Akala niya kasi may gusto ako kay malia dati kaya hindi niya sinabi. Pero may plano na kami sa dalawa.
YSEAH'S POV
"Sis, talaga bang kayo na ng pinsan ko? Anong nagustuhan mo sa kanya? Hindi kasi ako makapaniwala na kayo na kasi nung isang buwan pinakilala ka pa niya sa 'kin bilang kaibigan lang, diba?"sunod-sunod na tanong ni malia kay vera habang naglilinis ng kuko niya.
Kakapasok palang namin sa dito sa isang kwarto na may tatlong higaan ay naglinis agad siya ng kuko niya.
"Yup kami na tsaka hindi naman mahirap magustuhan si lance kasi napaka-caring niya at mabait pa"sagot naman ni vera.
"I agree"sabi ko na ikinatingin nila sa 'kin.
"Huwag mong sabihin na may gusto ka-----"malia
"Gaga wala akong gusto kay lance, what i mean is agree ako sa sinabi ni vera na mabait at caring si lance, yun lang yun"sagot ko naman.
"Ah"sabay pa nilang sabi tsaka ipinagpatuloy na ang kanilang ginagawa.
"Sige labas muna ako"pagpapaalam ko sa kanila tsaka tumango naman sila.
Pagkabukas ko palang ng pinto ay agad na bumungad sa 'kin ang mukha ni colai.
"Ahm hi, ahm pwede mo ba akong samahan sa labas?"sabi nito sabay turo sa labas.
"Sakto lalabas rin ako para makalanghap ng sariwang hangin"saad ko tsaka lumabas na kami ng hotel.
Umupo naman kami sa may buhanginan habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
"Sese"tawag nito sa 'kin na ikinatingin ko sa kanya.
"Bakit?"tanong ko sa kanya habang nasa harapan pa rin ang tingin.
"Sa tingin mo kung hindi tayo naging magkaibigan ngayon, ano kaya tayo ngayon?"tanong naman nito.
"Huh?"taka ko naman itong tinignan.
"Hindi mo ba na gets?"tanong nito.
"Na gets ko, anong ibig sabihin ng tanong mo? tsaka bakit bigla mong natanong yan?"tanong ko rin dito.
"Hayst! kasalanan kasi 'to ni ryle"nakayukong sabi niya.
"Bakit?"tanong ko.
Napakamot pa ito sa batok niya tsaka tumingin ito sa 'kin ng seryoso.
"Magugustohan mo kaya ako kapag hindi tayo naging magkaibigan ngayon?"mabilisang sabi nito.
Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses sa sinabi nito tsaka hindi ko alam kung anong irereact at sasabihin ko dito.
"Ahm ano, ahm sigu------"
"Uy nandito lang pala kayo"napatingin naman kaming dalawa sa nagsalita.
"Titignan niyo lang ba ako ng matagal at hindi kayo magsasalita? Hoy, magdidinner na daw tayo,,, ewan ko sa inyo"ryle, napakamot pa ito sa buhok niya sa may bandang tenga tsaka naglakad pabalik.
You save me ryle, hulog ka ng langit.
"Tsk! Ano nga ulit yun?"nahihiyang tanong nito.
"Huh? Ah kakain na daw tayo, oo, tara kain na tayo kanina pa ako nagugutom hehe"saad ko tsaka nauna nang maglakad tsaka sumunod naman ito.
Habang kumakain kami palagi kung nahuhuli na tumitingin sa 'kin si colai. Gosh ano ba hindi ako makakain sa ginagawa mo colai. Ano bang nakain mo kanina? Panis na kanin at ulam ba?.
YOU ARE READING
MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSince the day sese left colai, his behavior and dealings with others have changed. Until one day he got tired of waiting for yseah and he met a new friend but she also left him. And finally he met a new friends who will never leave him and that is r...